5 - Favor

174 18 2
                                    

Halos tapos ng magluto ng hapunan si Garret pero hindi pa rin bumababa si Luisa. Hindi niya pa naririnig ang shower mula sa taas. Kahit papaano naman kasi ay maririnig ang lagaslas ng tubig sa shower kahit nasa baba. Sa may bukana lang kasi ito ng pangalawang palapag.

Mabuti na lang at marami pa iyong mga hinanda ni Manang Esme para sa kanya in case gustuhin nito na kumain ng ulam. Nagluto na rin siya ng tinola, para magkaroon din ng sabaw. Thank God for Internet.

He took a can of beer on the fridge and went to the living room. Binuksan niya ang TV at nanood ng basketball game sa cable.

Natapos na ang first quarter pero hindi pa rin bumababa si Luisa. Kahit kaluskos ay hindi rin siya nakakarinig.

"Hey buddy, why don't you check that girl over there?" Bulong niya kay Chuck na nakaupo rin sa couch katabi niya. Chuck jumped out of the couch and went upstairs. Nagpatuloy siyang manuod ng TV pero hindi siya mapakali.

Maya-maya ay narinig niyang tumahol si Chuck mula sa taas. Agad siyang umakyat at nakita ang aso na tumatahol sa harap ng pinto ng banyo.

Kumatok siya sa pintuan, "Luisa?"

* *

Napapitlag siya ng marinig niyang tumahol ang aso sa labas. Kanina pa pala siya nakatayo sa likod ng pintuan at nakatitig sa buong banyo. Hindi siya makagalaw. Ayaw niyang galawin ang kahit ano sa loob ng banyo. Malinis rin ang banyo at pakiramdam niya kapag humakbang siya madudumihan ang gawa sa tiles na sahig nito.

She already lost the remaining confidence she kept for herself.

Pakiramdam niya madudumihan niya ang lahat ng bagay na hahawakan niya.

"Luisa?"

Napatigil siya sa pag-iyak. It was Garret's voice. Get a grip, Luisa. Get a grip.

"Luisa? Are you there?"

"Y-Yeah! I-I.. Uhm.." She said in a cracked voice.

"Are you okay?" Tanong nitong muli sa kanya.

She bit her lower lip to prevent herself from making any noise.

"Y-Yeah," she opened the door at bumungad sa kanya si Garret na kasama ang aso nito.

Agad siyang napayuko. Suot niya pa din ang damit niya.

"Bakit hindi ka pa naliligo? Okay ka lang ba? May masakit ba sa'yo?"

"Wala. Hindi na 'ko maliligo. Okay na 'ko na ganito."

"Anong ginawa mo sa loob?"

Ano bang ginawa niya? Wala. Hindi niya pwedeng sabihing nakatulala lang siya roon the whole time. Nanginginig na naman ang buo niyang katawan.

Narinig niyang bumuntong hininga si Garret.

Pumasok ito sa loob ng banyo at narinig niyang may pinindot ito sa kung saan. Kasunod noon ang paglagaslas ng tubig.

"The water's warm. Sige na, maligo ka na. I think you already have everything you need. Nakaready na rin 'yung dinner. I'll wait downstairs."

Hindi na hinitay nito na sumagot siya. Bumaba na ito ng hagdan at sinundan naman ito ng aso.

Nilingon niya ang loob ng banyo. He already started the shower.

* *

Sinilip ni Garret ang bukana ng hagdan. Nakasarado na ang pinto ng banyo and he can hear the shower upstairs. Marahil ay naliligo na ito.

Hindi niya alam kung bakit ganoon na lang ang reaksyon ni Luisa ng lumabas ito ng banyo. Halos isang oras yata siyang naghintay sa kanya. Pero ng katukin niya ang banyo at lumabas ito, nakadamit pa rin ito ng damit niya kanina. She was shaking again, her lips quivering, namumugto rin ang mata nito.

Bare BonesМесто, где живут истории. Откройте их для себя