27 - Scarlet

158 20 7
                                    

Ilang araw din na namalagi sa Lake house ang mga magulang ni Garret at kahit nahihiya pa rin si Luisa sa mga ito ay kahit papaano ay naging mas kumportable siya sa mga ito sa paglagi ng mga ito kasama nila ng ilang araw. They were nothing but nice to her and she could see how sincere their actions were.

They went back to Manila after four days of staying and promised to visit every once in a while. Napag-usapan na din nila ang maaaring aksyon na gagawin nila kung sakaling masundan pa ang mga banta at pananakot ng mga naghahabol kay Luisa.

The following weeks went fine at mas lumiliit na ang pagitan ng mga araw bago ang panganganak niya. Bumisita silang muli sa clinic para sa check-up ni Luisa. Ilang araw at matagal sa isang linggo na lamang ang hinihintay niya bago ang panganganak. Magkahalong excitement at kaba ang nararamdaman niya.

"Mag shower lang ako sa taas," paalam ni Garret ng makabalik sila sa Lake house mula sa clinic.

"Okay."

Nang pumanhik ito sa taas ay inabala naman ni Luisa ang sarili sa pagliligpit sa loob ng bahay. Ngayon na malapit na siyang manganak ay mas gusto niya na kahit papaano ay nakakapag lakad-lakad siya. Pakiramdam niya ay namamaga ang lahat ng parte ng katawan niya ngayong ka-buwan-an na niya, kaya gusto niya na nakakagalaw galaw siya at nas-stretch kahit papaano ang katawan.

Inayos na rin niya ang mga naipamili nilang groceries kanina. Binilhan din siya ni Garret ng mga prutas. Hindi na rin siya masyadong naghahanap ng mabibigat na pagkain. She preferred light meals on her third trimester. Although hindi naman siya namimili sa kung anong hinahanda ni Garret. But Garret seemed to know her cravings kaya sumasakto rin naman ang niluluto nito minsan sa apetite niya. Napansin niya na naging regular na ang pagtakbo ni Garret tuwing umaga. May mini-gym din ito sa taas at minsan tuwing hapon ay doon ito naglalagi. It appears that it was Garret's usual routine. Pakiramdam niya ay nabago lang iyon noong dumating siya.

Napatigil si Luisa sa ginagawa nang makita niya na dali-daling tumakbo si Chuck mula sa couch sa sala papunta sa patio at magsimula itong magtatahol. Pasimple siyang sumilip sa maliit na bintana sa may kusina at naaninag si Chuck na nilapitan ang isang babae.

Hindi pamilyar kay Luisa ang kararating na babae pero halatang kabaligtaran naman dito si Chuck dahil biglang umamo ang aso ng makita ito. Dumamba ito sa babae at hinaplos naman nito ang balahibo ng aso.

May katangkaran ang babae. Payat ito at sa tingin ni Luisa ay hindi ito nalalayo sa edad niya. Kahit simpleng nakasuot lang ito ng kulay puting blusa at pantalon ay halatang sopistikada ito.

Natigilan siya sa kinatatayuan na hindi alam kung ano ang dapat gawin. Garret's upstairs and obviously, everything is out from his earshot. Bumilis ang tibok ng puso niya ng marinig ang yabag nito mula sa bukana ng pintuan.

Soon, the woman is standing in front of her. Halatang nagulat ito pero agad din na lumambot ang ekspresyon ng mukha nito sa kanya na para bang alam na kung sino siya.

The woman shoved her shades to her hair and looked at her intently. Mula ulo hanggang paa. Maganda ito at para bang nanliit si Luisa sa mga titig nito. Maputi ang balat, at ang mga mata nito ay para bang nakita na niya dati.

Right, they are so much alike with Garret's.

"You must be.. Luisa," bungad nito sa kanya. Her tone was neither warm nor cold towards her kaya mas lalong lumakas ang kalabog sa dibdib niya.

Napakapit siya sa kanto ng kitchen counter at napayuko bago tumango rito bilang pagtugon.

Hindi na ito muling nagsalita bagkus ay ibinaba nito ang shoulder bag sa sectional couch bago naupo doon at kinalikot ang telepono. She seemed to be comfortable around the house na tila hindi ito ang unang pagkakataon na makapunta sa Lake house.

Bare BonesWhere stories live. Discover now