1.8K 73 199
                                    

"Jihoon"
"Soonyoung"

-

"BITAWAN MO 'KO ANO BA?!?!" Sigaw ni Jihoon nang maramdaman nya na isang tao nalang ang may hawak sakanya. Sobrang kinakabahan sya at konting konti nalang ay parang iiyak na. Sino nga ba namang hindi matatakot diba? Nagising sya sa loob ng isang van kasama ang mga lalaking hindi nya kilala. Pawang nakaitim ang mga ito. Nang makababa sila, agad syang humingi ng tulong pero walang nakakarinig sakanya kahit ano pang sigaw ang gawin nya. Muli syang nakatulog nang takpan ng panyo ang kanyang bibig. Meron itong gamot kaya naman agad syang nawalan ng malay nang maamoy ito.

At ngayon, nakapiring naman sya habang hawak-hawak ng isang lalaki sa lugar kung saan hindi nya na alam.

"HINDI AKO BATA! COLLEGE STUDENT AKO SA PLEDIS!"

Sigaw nya sa pag-aakalang na kidnap sya. Mukha naman kasi talaga syang bata ._.

"ANO ba.." Napatahimik sya nang biglang may yumakap sakanya mula sa likuran nya. Bumilis ang tibok ng puso nya dahil sa pamilyar na init na ibinibigay ng lalaki sakanya.

"S-Soonyoung..?"

"Hmm"

"A-anong ginagawa mo? Pakawalan mo 'ko!"

"Gusto kitang makausap ng maayos pero ayaw mong makinig sakin. Kaya eto.. sapilitan"

"Pwede bang tanggalin mo muna ang piring ko?"

Natawa naman si Soonyoung. "Mamaya na" Sabi nito. "H-ha?"

"Teka.. ano ba ang gusto mong pag-usapan?" Tanong ni Jihoon. "Yung tungkol sa usap-usapang fiancé ko"

"Alam kong ayon ang kinaiinis mo simula nung nalaman mo, diba?" Tanong nya. Nanatili namang tahimik si Jihoon dahil totoo naman 'to.

"May ikkwento ako sayo.. way back 2003 Yes. Natataandaan ko pa yung pangyayari nung panahon na yon.."

- flashback. soonyoung's pov-

"Jihoon"
"Soonyoung"

Maya-maya lang at ikakasal na ang Eomma ko at ang Step-Father ko. Okay naman ako sakanila kasi mabait naman si Appa at sya na rin ang nakalakihan kong ama. Baby palang daw kasi ako, iniwan na ni Appa si Eomma.

Ako ang unang inayusan nung stylist at syempre ang gwapo ko. Nagpaalam muna ako na lalabas ako dahil gusto kong makita ng lahat na cute ako. Aware ako ng cute ako dahil maraming pumipisil ng cheeks ko tuwing naglalakad ako sa village.

Pumunta ako sa malapit na park, halos tapat lang ng bahay namin, konti lang ang tao noong araw na yon kasi linggo.

May nakita akong isang batang lalaki na nasa swing at nag-iisa lang sya kaya naman linapitan ko sya. "Hello" Bati ko sakanya. Tinignan nya naman ako na parang nagtataka.

"Hi" pag-ulit ko.

"Hindi ako nakikipag-usap sa strangers" Sagot nya. Ngumuso naman ako. "Pero kinausap mo na 'ko"

"Stop bothering me. Umalis ka dito"

"Ang sungit mo naman?"

"Hmmmpp.."

"May period ka ba?" Tanong ko. Naalala ko kasi si Appa. Sabi nya kapag mainitin daw ulo ni Eomma, may 'period' daw sya. Hindi ko alam kung ano yun. Pero basta.

ACCIDENTALLY YOURS √ soonhoonWhere stories live. Discover now