34

1.4K 74 302
                                    

"Pinatawag ko kayo kasi alam kong kayo ang nakaassign sa bagay na 'to. Siguro naman kilala nyo si Kim Jongin, Jeon Jungkook at Jung Hoseok? Sila yung representative ng campus natin. Yung mga nasa music club ay ang bahala sa kanta na sasayawin nila. The Dance and Hiphop, tutulungan nyo sila para sa choreography. Alam namin na kayo ang maaasahan sa bagay na 'to kaya may tiwala kami na kaya nyong pagandahin ang magiging performance nila. Maaasahan ko ba ang cooperation nyo?"

"OPO!"

"Whole week kayong exempted sa class nyo. Kaya naman dito lang kayo sa practice room kapag nandito kayo sa campus. Alam na 'to ng mga advisers nyo so no need to worry about the attendance and grades."

"..."

"Alis na 'ko. Fighting!"

Lahat sila ay nakaupo at nakabilog ngayon sa practice room. Sa ngayon, dapat muna nilang pag-usapan at pagplanuhan ang binigay na task sakanila. Sanay naman na sila sa ganito kaya di sila mahihirapan. Isapa, mga pro na sila kung tutuusin.

"TANGINA MO SEUNGKWAN BAKIT MO SHINOUTOUT?!?"

"HOY BIIK KA!! LITSUNIN KAYA KITA?!?!"

"NAPAKAEPAL MO!! INAASAR NA TULOY KAMI NI MINGHAO!!"

"HOY WALA AKONG HD KAY JISOO!!"

"SORRY TALAGA MGA HYUNG HUHU"

Sabay-sabay silang nagsalita nang makasigurado na nakaalis at nakalayo na ang mentor nila. Patungkol yun sa secret files kahapon na obvious naman na si Seungkwan ang salarin. lol

"Pero alam ko totoo talaga yung mga sinulat ko dun eh!!"

"Hoy pakyu! Kelan ka pa naging maganda at matalino ha? Nakikita nga kitang nangongopya kay Vernon kapag exam!"

"Hala?! Imbento ka ah? Wala nga akong makopya dyan? Panong nangongopya? Sapukin kita eh!"

"Oh? Edi inamin mo rin!"

"Ee wala nga akong nakokopya kaya di ako kumokopya sakanya!"

Pagtatalo nila Seungkwan at Seokmin. Natatawa lang ang iba na nanonood sakanila. Si Soonyoung? Nakatingin lang sya kay Jihoon. Well, siguro naaamaze kasi ang cute nga naman tumawa ni Jihoon.

"Mukha bang test paper si Jihoon?" Tanong ni Jun kay Soonyoung out of the blue. Napataas naman ng kilay si Soonyoung sakanya.

"Nauubos yung oras mo katititig eh. Tsk" Nakangising sabi ni Junhui.

"Epal ka?"

"Aminin mo na kasi na may gusto ka kay Jihoon"

"Wala akong aaminin. Wala naman akong gusto dyan"

"Akala ko ba mag-uusap tayo para sa project?" Tanong ni Jihoon nang magbalik sya sa wisyo. Bagong president kasi sya ng Music club. "Hyung! Kaya natin yan tapusin ng tatlong araw lang. Sanay na kami sa ganito kaya sigurado kami dun"

"Eh pa'no kung—"

"Di yan!" Sabay sabay nilang sagot. 12 vs 1 ? Tsk. Di kaya.

"Ee anong gagawin natin?"

"Tutal marami namang couple dito .. hmm.. pick-up lines??"

"Ang jeje mo!"

"Try lang natin. Hahaha! Turo-turo lang. Walang babanggitin na pangalan. Ano?" Sabi ni Soonyoung. Para narin di malaman ni Jihoon ang tunay nyang pangalan.

"SIGE!"

"Hala?! Kapag ako nagsuggest, ayaw? Kapag si Hyung, pwede?"

"Jejemon ka kasi tapo—"

"Wag nang sumagot!"

"Ikaw una!" Sabi ni Seokmin habang nakaturo kay Mingyu. "Ako talaga?"

"Hindi! Yung nasa likod mo! Paikot 'to ah. ang walang masabi, may dare"

"Tsk. Hoy.." Turo nito kay Wonwoo. "Uling ka ba?"

"GAGO IKAW ULING SATIN!"

"WAG MONG IPINAPASA ANG KULAY MO"

"Naglalaro kasi tayo diba?!"

"B-bakit?" Sagot ni Wonwoo. Shy type kunyari. "Nagbabaga kasi ang pagmamahal ko sayo eh" Di benta. Uwi.

"Ikaw.." Turo ni Junhui kay Minghao. "Alam mo bang shower ako?"

"Ha? Bakit?"

"If you turn me on, I will make you wet"

"WHOAAA!"

"SPG!! MAY AIDS NA YAN OH"

"Kingina next!"

"Sana nagdoctor ka nalang.." Sabi ni Jisoo. Habang nakatingin kay Jeonghan.

"Bakit?"

"Para masabi ko sayo ang lahat ng nararamdaman ko"

"BYE SEOKMIN"

"HAHAHA HURT BY EXO"

"NAPAKAMANHID NI FATHER"

Nagtuloy-tuloy pa ang laro nila. Si Seungkwan kay Vernon, si Vernon kay Chan, si Chan kay Vernon, si Minghao kay Jun, Si Wonwoo kay Mingyu, si Seungcheol kay Jeonghan, si Jeonghan kay Seungcheol ..

"N-nasabi nyo na ang lahat ng alam ko.." Panimula ni Jihoon habang nakayuko at nilalaro ang nga daliri. Nahihiya sya okay.

"DARE NA BA?"

"KAYA MO YAN JI!!"

"Ee nasabi nyo nga yung mga alam ko eh!" Inis na sabi nya sa mga kaibigan nya. Natahimik naman sila dahil sino bang gustong makalaban ang isang Jihoon Lee?

"Wala na tuloy akong maisip na bagay sayo kundi .. ako" sabi nito diretsong nakatingin kay Soonyoung.

"WHOOO"

"YUNG FEELING NA CRUSH KA NG CRUSH MO!!"

"HOY HINDI KO SYA CRUSH!"

"IKAW BA??"

"ANG PULA MO SOONYOUNG!!"

"HAHAHAHA!"

ACCIDENTALLY YOURS √ soonhoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon