61

956 48 17
                                    

"Jihoon hyung! Hindi ka ba samin sasabay pauwi?" Tanong nila Mingyu. "Ah hindi. May pupuntahan pa 'ko" Sagot ni Jihoon.

"Sama kami!"

"Hindi pwede"

"Bakit?"

"Kasi bawal? Hay! Basta! Mauna na kayo. Ingat sa pag-uwi!"

"Okay hyung. Sige ingat rin" Huling narinig ni Jihoon bago mawala sa paningin nya ang mga kaibigan nya. Kung nagtataka kayo kung bakit kailangan pa nilang magkita ni Kwon after class, hindi kasi sila magkklase sa lahat ng subject.

"Hello Jihoon Oppa" Bati sakanya ng isang babae. Ngumiti naman sya rito ng bahagya para hindi magmukhang snob.

"Kyaaahhh~"

"Omg!! Nginitian nya 'ko!"

"Anong ikaw?? Ako kaya! Ako tumawag sakanya no!"

Rinig ni Jihoon mula sa mga babaeng dumaan. Bahagya naman syang natawa dahil dito. Isa lang ang crush ko pero andaming may crush sakin. Ang unfair.

Dumiretso sya sa garden at nanatili ng ilabg minuto don. Pero wala paring nagpapakitang Kwon Soonyoung.

Umalis sya at umupo sa bench sa gilid ng gate ng campus at pinanuod nya lang ang mga estudyanteng nagsisilabasan. Halos mabilang nya na nga ang mga ito. Napapagod na rin syang ngumiti kapag nginingitian sya ng mga kakilala nya.

Muli syang tumingin sa orasan nya at napabuntong hininga na lamang. "Antagal naman nya" Kanina pa kasi sya naghihintay sa tapat ng gate. Sabay naman ang uwian nila sadyang magkaiba lang ang klase.

"Baka nasa practice room" Sabi nya sa sarili. Muli syang pumasok sa campus at pumunta sa practice room. "Oh Jihoon?"

"Hello Sir"

"Napadaan ka?"

"Uhm.. si Soonyoung po?"

"Si Kwon?"

"Yes"

"Kanina pa sya umuwi ah?" Sagot nito sakanya. Napasimangot naman sya. "Umuwi na sya?"

"Oo. Kanina pa. Kasama nya yung bago dito sa club" Sagot nung mentor sa loob. Napasimangot naman sya dahil sa pagtataka pero hindi na rin nagtanong dahil ayaw nyang mag-isip ng kung ano.

Sabi sakin ni Soonyoung na magkita kami after class dahil may sasabihin sya sakin. Hindi nya naman ako pwedeng i-ditch para sa isang baguhan

*Sige Jihoon. Lokohin mo pa sarili mo!*

"Sino yan!?"

*Voice Over hihi~ Bye*

Umiling-iling sya. Kung ano ano nanamang naririnig ko. Hays.

Lumipas pa ang ilang minuto ng paghihintay nya hanggang sa nainip nalang sya. Badtrip na badtrip sya dahil ang tagal nyang naghintay para sa wala. Isa pa, gutom na rin sya.

Dumaan muna sya sa isang malapit na coffee shop sa campus nila para magtake out ng kakainin. Syempre, hindi na maipinta ang mukha nya.

Sa pagbukas nya ng gate, sinalubong sya ng malakas na tawa ni Soonyoung. Agad syang napalingon sa pinanggalingan nito at lalong napasimangot kasi tuwang-tuwa yung isa.

"--seryoso ka hyung?!"

"Hindi no! Trip ko lang yun! Hahahaha!"

"Ang bad mo talaga!"

"Hahahaha! Ee hindi naman sya yung tipo na pangseryosohan no!"

Sa hindi maipaliwanag na dahilan, nakaramdam sya ng kaba, galit at selos nang dahil sa narinig nya.

Ako ba yung pinag-uusapan nila?

"Speaking of.. Jihoon hyung?" Nagtama ang kanilang paningin ni Dongbin pero agad rin syang lumabas ng shop pagkatapos nun.

"Jihoon hyung!!"

"Hyung!!"

"Hyungggggg!!"

"ANO BA--!!"

"Hala.. anyare hyung?" Tanong ni Seungkwan.

"Bakit di ka pa umuuwi?!"

"Pinauna ko na sila Gyu kasi may prac.. tice-- hyung bakit?" Alalang tanong nya kay Jihoon. Pulang pula kasi ito at anytime mukhang iiyak na. "T-tapos na ba practice nyo?"

"Oo hyung"

"Pwede bang samahan mo 'ko?"

"Saan hyung?"

"Basta"

"Baka may gagawin pa kasi-"

"Libre kita"

Tumango tango naman si Seungkwan habang nakangiti. Alam na alam na rin naman na yon ni Jihoon. Libre lang talaga ang kailangan para sumama si Seungkwan.

"San ba tayo pupunta hyung?"

"Basta"

ACCIDENTALLY YOURS √ soonhoonWhere stories live. Discover now