21

1.2K 63 24
                                    

Nang makuha ni Seokmin kay Jisoo yung ipinapabigay raw ni Jihoon para kay Seungcheol o Soonyoung agad naman na kumilos ang kabayo para makapasok na.

Dalawang garapon yung laman ng paper bag na hawak nya. Yung isa ay garapon na puno ng mga nakatuping letters at yung isa ay puno ng mga chocolate.

Maski sya nalilito kung kanino nya ibibigay ang mga ito. Ngunit dahil matalino sya, naisip nya na tig-isa nalang yung dalawa.

"Ano kayang gusto ni Soonyoung hyung dito? Yung chocolate o yung—"

"Wow chocolates! Penge naman!" Nagulat si Seokmin dahil kay Seungcheol. Bigla nalang kasi itong lumabas sa kung saan. Feeling patatas. Si Jisoo lang ang patatas Cheol.

"Gusto mo?"

"Ibibigay mo ba?"

"Hati tayo"

"Sige! Hahahaha!"

Naghati naman sila sa chocolates. Pero hindi ganun karami yung kinuha ni Seokmin dahil para kay Cheol naman talaga yon. Nakita ni Seokmin na dumaan si Jihoon habang kunot na kunot ang noo at natawa pa sya dahil inalok ni Cheol si Jihoon na kumuha na chocolate. Jusko. Kung alam nyo lang yung ginagawa nyong dalawa.

Nawala sa dalawa ang atensyon nya dahil bigla ring dumating si Soonyoung.

"Hyung!"

"Hello yokaba. Hi hyung"

"Hi Soon"

"Teka guys CR muna 'ko" Sabi ni Seungcheol.

"Ako rin"

"Soonyoung hyung? Di ka sasama samin?"

"Hindi na! Kayo nalang! Ang bakla nyo. Nakakadiri"

"Putcha. Anong nakakadiri dun?! As if naman na may gagawin tayo! Magpapasama lang dami pang sinabi. Edi dito ka. Maghintay ka mag-isa!"

"May Ibibigay pa naman ako sayo. Ikaw bading eh" Sabi ni Seokmin sakanya.

"Anong ibibigay? Hehehe tara sama na 'ko"

"Nagbago na isip ko hahaha"

"Wala naman kasi talaga.."

"Hmm.." Itinaas ni Seokmin ang paper bag at nagpamewang pa. "May laman itong gara— Hyung!!" Agad syang napasigaw nung hablutin ni Soonyoung yung paper bag dahilan para maghilaan sila. Gaya ng inaasahan, nahulog ito at may narinig silang nabasag. Napahinto ang dalawa at nagkatinginan. "Una na 'ko bye!!" Sabi ni Soonyoung sabay takbo. "Hala lagot ka" Sabi ni Cheol kay Seokmin.

"Kanino ba galing 'to Seok?"

Tinitignan lang ni Seokmin si Seungcheol habang nagpupulot.

"Anong tinatayo-tayo mo dyan? Tulungan mo 'kong magpulot dito"

'Yari' Sabi ni Seokmin sa isip nya. Natanaw nya kasi ang parang umaapoy na mga mata ni Jihoon mula sa malayo.

Agad nyang pinulot ang paper bag at sa loob nito ang basag na garapon na pinulot ni Seungcheol. Nagkalat yung mga papel na talaga namang mukhang pinaghirapang isulat dahil sa ganda ng pagkakagawa.

"Tara CR na tayo"

ACCIDENTALLY YOURS √ soonhoonWhere stories live. Discover now