Chapter 7: New Friend

1 0 0
                                    

Monday ngayon at itong subject na ito ka klase ko si Diana.  Pagkapasok ko sa room ay wala pang masyadong tao doon wala pa nga rin si Diana eh. After 15 minutes at medyo dumami na ang tao mayamaya rin ay nakita ko na si Diana na papasok sa room. Nagulat ako hindi dahil nakita ko siya kundi dahil sa kasama niya. Kasama ni Lex si Diana at bitbit ni Lex ang bag ni Diana.  Nagtatawanan sila at ng dumalo ang tingin ni Lex sa akin ay kinawayan niya ako.  Ako dahil sa pagkabigla ay wala sa sarili akong napatango. Pagkatapos noon ay tinignan muli nito si Diana at may sinabi at maya-maya ay umalis na.

Nakita ko naman si Diana na papalapit sa akin. 

Lord please sana hindi siya tumabi sa akin.  Lord please!

Piping dasal ko.  Wala kasing seating arrangement as amin kaya pwede kang magpalipat-lipat ng upuan.
Palapit na ng palapit sa akin si Diana at doon nga siya umupo sa tabi ko.

Lord why you do this to me! Huhuhuhu

Ayaw ko talaga siyang makatabi pero may choice pa ba ako eh naka-upo na siya.

"Walang naka-upo dito diba? Tabi tayo ha. " nakangiting turan sa akin ni Diana

"ah sige" yan lang ang sagot ko wala naman akong sasabihin. Pero nagtataka ako kung bakit hinatid siya ni Lex dito di kaya sila na? The thought na sila na makes my heart aches. Kaya naman hindi na ako nakatiis.

"Diana kayo na ba ni Lex? " biglang tanong ko.  Nagulat naman si Diana pero sumagot din ito.

"Hindi pa  . Nililigawan palang niya ako. "

Ang sakit. So nililigawan na pala siya ni Lex hindi ko man lang alam. 

"Ah. Wag mong pahihirapan yung bestfriend ko sa panliligaw.  Sagutin mo agad. Mabait yun eh. " sabi ko sabay tawa. I mentally punched myself. Ano bang pinagsasabi mo Graciela.  Gaga ka talaga! 

After 5 minutes dumating na rin yung prof namin. Hindi na ako nagsalita hanggang matapos ang klase nagba-bye naman sa akin si Diana.  Nginitian ko naman siya at kinawayan.

Naglakad na ako pupunta sa susunod kong klase. Philippine Literature at ang prof namin ay si Mr.  Reyes and yes dito ko classmate si Augustus.

As usual doon ako umupo sa may tabi ng bintana. Para naman makakita ng mga taong dumadaan at makapag-isip.  Nagulat na lang ako ng may kamay na nagwave sa mukha ko pagkalingon ko ay tumambad sa akin ang mukha ni Augustus.

"You know what everytime I see you lagi kang nakatulala." sabi ni Augustus

"Oh, really?  Hobby ko kasi ang tumulala char. " sagot ko agad

"Talaga? Can I join you?  Try ko rin ngayon malay mo maging hobby ko rin." He said with a mischievous smile plastered on his face.

Inaasar na naman ako nitong lalaking to kaya inirapan ko na lang siya. At tumingin na lang ulit sa labas ng bintana. 

"You know what you can tell me if something's bothering you. See we're friends right? New friends actually but you can trust me." He genuinely smile right now at dahil doon ay napatitig ako sa kanya. There is something in his eyes that makes you want to stare at it.  Ang gwapo niya, shit kaya pa ang daming nagkakagusto sa lalaking to. Then he snapped his fingers.

"So sa akin ka na lang tutulala? Narealize mo siguro na ang gwapo ko no? "

"Aa-ano may naisip lang ako noh.  Ang feeler mo naman. Di ka naman ganung ka gwapo. " shit bakit ako napatulala sa kanya. 

Sasagot pa sana siya ng biglang dumating ang professor namin. After One and a half hour natapos rin. Jusko one and a half hour lang but it feels like forever. Ready na akong umalis ng biglang kinausap ulit ako ni Augustus.

"Hey sabay tayo mag lunch. It's not a question kasi I won't take no for an answer." He suddenly grab my wrist then pull me. 

"Hoy! Saglit lang! Wtf? Ayokong sumama! " sigaw ko habang kinakaladkad niya ako.

"Na ah, you will come with me Graciela.  Libre kita lunch para naman di ka na tulala diyan. " he said and as always he flash that smile of him na kahit sinong babae mahuhulog sa kanya.

We end up going outside the university. Pumunta kami sa isang mall na malapit doon.  Sa isang parang cafe/restaurant niya napiling kumain. Yung may individual space ang bawat customers, may sari-sariling box ganern. Each box may maliit na table yung parang sa mga korean and japanese drama. Then you have to remove your shoes bago pumasok doon.  Sa loob ng box may mga pillows din and outlet para makapag charge ng phone and laptop.  Kaya pala madaming students dito. Di masyadong maingay and cozy ang lugar they can study here plus the cafe/ restaurant serves a lot of food, from korean food down to some filipino food pero may twist.

"Woaaaah, di ko alam na ganito pala dito. " Ayan agad na sabi ko. I know this place but never pa ako nakapasok kasi mukhang mamahalin di kaya ng budget ko kaya di ko to pinupuntahan.  Tamang KFC at Mcdo lang ako.

Doon kami pumwesto sa may bandang dulo walang masayadong katapat and tao. Mas tahimik dito.

"I bet first time mo dito.  So go pili ka na ng food.  Don't be shy order all the food that you want.  I'll pay everything. "

"Uhm,  awkward nito.  Bakit mo ba ako nililibre?"

"We are new friends remember.  So parang unang bonding moment natin to as friends. " he said habang tinataas pa ang kanyang mga kilay.

"Lahat ba ng friends mo nililibre mo ng ganito? "

"Nope, ikaw lang actually.  Kasi lagi kang tulala.  So go order ka na then we can stay here as long as we want kasi wala ka na namang class,  diba? "

"uhm,  yeah" bit weird actually paano niya nalaman na wala na akong class?  Di ko naman sinasabi sa kanya sched ko? Hays hayaan mo na nga. Then I asked him if siya meron.  Sabi niya meron pero tinatamad siyang pumasok so ayun stay na lang daw kami doon.  As long as we want.

 

False HopeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon