It Hurts

27 1 0
                                    

"Hoy Graciela! Tulaley ka na naman. Siguro iniisip mo ang iyong oh-so-hot na best friend noh?"

"Ewan ko sayo Briana! Ikaw iniisip mo rin lang si Steveeh!" Hays may powers ba tong si Briana at alam niyang si Alexander ang iniisip ko?

"Oo tama siSteve iniisip ko! At ate wala akong powers sadyang nahulaan ko lang na yung bestfriend mo yung iniisip mo."

Nagulat ako sa pinagsasabi ni Briana. Paano niya nalaman ang iniisip ko?

"Hoy paani mo nalaman na yan ang iniisip ko?"

"Graciela napakadali mong basahin. Ang pagtingin lamang sa mga mata mo ay maari mo nang malaman kung ano ang nasa isip mo."

"Wew, di nga? ganun ba ako ka transparent?"

"Hindi naman pero siguro dahil matagal na kitang kilala kaya nahuhulaan ko ang nasa isip mo."

Gosh! Kung ganoon akong ka transparent ibigsabihin ay maaring alam na ni Lex na gusto ko siya. Pero kung alam na ni Lex bakit hindi nagbabago pakikitungo niya sa akin? Baka hindi naman niya alam.

"Alam mo Graciela ewan ko ba sa best friend mo kung bakit hindi niya nahahalata na may gusto ka sa kanya. Eh halatang-halata ka naman."

"Ganoon na ba akong kahalata?"

"Oo naman noh. Yang mata mo kumikislap sa tuwing makikita mo siya eh. Sabihin mo na kaya na husto mo sya para hindi ka ganyan na wala ng ibang ginawa kundi ang isipin siya."

"Alam mo Briana mas maganda kung hindi niya alam na mahal ko siya kasi pag nalaman niya for sure sira frienship namin."

"Eh kesa naman ganyan na umaasa ka. Tsaka sige ka baka maunahan ka ng iba."

Maunahan ng iba...

BIgla akong kinabahan sa sinabi na iyon ni Briana.

"Bahala na!"

Dahil sa sinabi ni Briana ay buong araw na wala sa klase ang isip ko. Napa isip tuloy ako. Ano kaya kung sabihin ko na sa kanya? Ano ka magiging reaksyon ni Lex? Masisira kaya friendship namin?

"Miss Garcia! Miss Gracia!!"

Naputol ang pag-iisip ko dahil sa sigaw na iyon.

"Miss Garcia are you still in my class? Your spacing out."

"Yes Mr. Reyes I'm still in your class ."

Siomai anong gagawin ko nahuli ako ni Mr. Reyes. Napa terror pa naman

"Well if you still in my class then read the next paragraph."

SHOCKS! Ano yung next paragraph? Saan ba natapos tong ka-klase ko. Malapit ko ng aminin kay Mr. Reyes na hindi ako nakikinig ng biglang may nag-salita sa likod ko.

"Page 2 paragraph 7"

Iyon binasa ko nga ang sinabi noong nasa likod ko. At dahil doon ay hinayaan na ako ni Mr Reyes at pina-upo na. Hay kailangan kong pasalamatan ang taong nasa likod ko.

"Uhm, kuya salamat sa tulong, hindi kasi ako nakikinig. Hehehe"

" Its nothing, next time try to listen to Mr. Reyes."

"Hahaha, thank you ulit. By the way I'm Graciela Trina Garcia."

"I know. I'm Christoffer Augustus Tan." then he smile.

Grabe ang gwapo ni Kuya este ni Chris pag ngumiti. Dahil doon ay napatitig ako sa kanya. Ang ganda ng kanyang mga mata, hazelnut ang kulay ng mga ito, tapos makapal din ang kilay niya, maninipis na mamula-mula ang mga labi. Kung titignan ng mabuti ay nakakamukha niya si Zayn Malik. Nakakakilig. Hoy Graciela may Lex kana!!! sabi ng isip ko. Natauhan naman ako doon

"Now listen to Mr. Reyes. Mamaya matawag ka na naman at madamay pa ako." ay masungit.Dahil doon ay napaharap na ako kay Mr. Reyes. Hays sayang gwapo sana pero masungit. Buti pa ang Lex ko gwapo na mabait pa.

Ang Lex ko? mali hindi pala dapat Lex ko,kasi hindi naman kami, best friend niya lang ako.

Natapos klase namin kay Mr. Reyes na iyon ang nasa isip ko.  

False HopeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon