That Moment

1 0 1
                                    

"Here best pwede mo bang ibigay to kay Diana it's a love letter."

Ayan agad ang bungad sa akin in Lex. Dahil pumayag ako sa gusto niyang gawin. Nandito kami ngayon sa harap ng classroom ko kung saan ka-kalse ko si Diana.

Putik ang sakit sa puso! Makita mong may ibang nililigawan ang taong gusto mo tapos ikaw ang ginagawang tulay.

"Best ang corny mo! Love letter? Really? Masyadong makaluma!"

"Hahaha. Anong naman ngayon kung makaluma? Graciela buong gabi ko yang pinag-isipan at buong gabi ko rin yang sinulat. Alam mo kung ilang papel ang nasayang ko para lamang maging ganyang ka-ganda ang pagkakasulat ko diyan."  Sagot no Lex.

"Eh bakit mo pa kasi sinulat? Duh ano gamit ng computer at printer mo?"

"Nah. I found it more sweet kung ako mismo magsusulat. And come to think of it, mas makikita niya ang effort ko sa paggawa niyan."

"Yeah right."  Then I rolled my eyes.  "Sige na tsupi! Ako na bahala dito. Sisiguraduhin kong makakarating ang sulat mo Kay Diana. Sige alis na."

Natatawang umalis ng classroom niya si Lex. Ang sakit. Syeat! Haizz ibibigay ko ba to Kay Diana?

Kung ibibigay ko to Kay Diana ito na talaga ang Simula ng pagiging martyr ko pero kung Hindi ko to ibibigay ay maari ko itong gawing paraan upang Hindi sila magkalapit ni Lex.

Maya-maya  pa ay pumasok na sa loob ng classroom ni Diana. Kainis lang kahit naka simple shirt lang at ripped jeans itong si Diana ay napakaganda parin niya. Hindi na ako magtataka kung bakit gustong-gusto siya ni Lex. Ay ano ba? Ibibigay ko ba tong letter?

Sa tagal Kong mag-isip ay hindi ko namalayan na pumasok na ang professor namin. Argggh! Kainis! Hindi ko talaga alam ang gagawin ko!

All through out the class wala akong naintindihan kung ano ang inile-lesson ng prof namin. At maya-maya lamang ay tumunog na ang bell. I-dinismissed na kami ng prof at isa-isa ng uma-alis ang mga ka-klase ko. Syeat I have to decide now!

Noong akmang aalis na si Diana ay nilapitan ko na siya.

"Hi Diana!" I tried to be cheerful
"Oh hi! Graciela right?"  Sagot ni Diana. Damn! Bakit pati boses niya ang ganda.
"Tama ako nga. Hahaha. Ah eh nilapitan kita kasi may ipinabibigay sayo yung best friend Kong si Lex."
Pagkasabi ko noon at agad ko ng inabot sa kanya ang hawak kong envelope.
"Lex? As in si Alexander Gutierrez?!" Habang sinasabi niya ang pangalan ni Lex ay medyo nangislap ang kanyang mga mata at halatang nagulat at nae-excite.
"Oo siya nga. Siya sige una na ako ha! Bye!"
"Ah sige bye!"   Diana said while the smile on her face still plastered.

False HopeWhere stories live. Discover now