Chapter 31 - Unknown Caller

174 13 1
                                    

"Kamusta na ang lagay niya?"





"Bakit hindi pa rin siya nagigising."






"Doc, ano na po ba talagang lagay niya?"




Hay! Ano ba yang ingay na yan! Nagising ako sa ingay ng mga nag uusap sa paligid. Idinilat ko ang aking mga mata at nakitang sila Lucas pala. Nandito na pala sila. Inayos ko ang upo ko at kinusot ang aking mga mata. Anong oras na ba? Tumingala ako sa orasan upang makita kung anong oras na. Shit! Napa sarap pala ang tulog ko. Agad akong tumayo ako at lumapit kay Dr. Frelion.

"Doc, ano nang lagay ni Adrianna?" I asked him with my serious tone. "She's stable now. Tama ang antidote na binigay mo." Sagot niya. Napa buntong hininga naman ako as a sign of relief. Thanks God.. and also... thanks to that girl, kung sino man siya.

Ngunit ang nakakapag taka, mabuti naman pala ang intensyon niya ngunit bakit kailangan pa niyang tumakbo kanina noong nakita ko siya? Hindi manlang tuloy kami makakapag pasalamat sakanya.

"Pero Doc, bakit po hanggang ngayon hindi parin siya nagigising?" Thalia asked na hanggang ngayon ay nasa tabi parin ni Adrianna. Mababakas sa mukha niya ang labis na pag aalala. Parang mas nag aalala pa nga siya kaysa kay Chinevel na bestfriend ni Adrianna.

Well, I don't know if they're really bestfriends or they consider each other a bestfriend. Tingin ko lang naman dahil lagi silang mag kasama.

"Masyadong delikado ang lason na kumalat sa katawan niya. In her condition, maybe.. it will take a couple of days before she wake up. So let's just pray for her fast recovery." Sabi ni Dr. Frelion. Matapos yun ay nag paalam na siya upang tignan ang iba pa niyang pasyente. Karamihan sa mga ito ay ang mga estudyanteng na-trap sa building kung saan naganap ang pag sabog. Himalang naka ligtas ang ilan sakanila ngunit marami rin ang nasawi.

Ayon sa mga naka ligtas, may babae di umano ang biglang lumitaw sa kanilang silid ilang minuto bago maganap ang pag sabog. Sinabi raw nito na wala silang klase dahil wala ang kanilang guro at kailangan na nilang umalis sa silid na iyon. Ang ilan sakanila ay naniwala ngunit ang ilan ay hindi.

Paalis na sana ng kwarto ang mga estudyante ng biglang sumabog ang bomba. And out of nowhere, biglang lumitaw muli ang babaeng 'yon at gumawa ito ng shield upang protektahan ang mga estudyanteng papalabas ng silid na 'yon mula sa pag sabog kaya naman maswerteng naka ligtas ang mga ito.

Ngunit hindi parin naiwasan na magkaroon sila ng mga minor injuries kaya naman agad silang isinugod dito sa Xelion Hospital ng matagpuan sila ng mga XI-A. Ayon naman sa XI-A ay wala na sa lugar na 'yon ang babaeng sinasabi ng mga estudyante ng dumating sila.

Nang tanungin naman ang mga naka ligtas kung sino ang babaeng iyon ay pare parehas ang kanilang naging sagot. "She's wearing a gray mask."

Kaya naman hindi ko maiwasang isipin na yung nag iwan ng antidote para kay Adrianna at ang babaeng nag ligtas sa mga bata ay iisa. They're both wearing a gray mask. Sa ngayon ay hinahanap narin ng XI-A ang babaeng 'yon para umusad ang imbestigasyon.

The investigation is still ongoing but unfortunately hindi parin naiidentify kung sino ang nag lagay ng bomba na 'yon at ang nag bato ng remote control. Maging ang kung sino ang pumana kay Adrianna ay hindi parin alam kung sino hanggang ngayon.

Malinis gumawa ng krimen ang gumawa nito. Siniguro niya na walang ebidensya ang maiiwan. Walang nakaka alam kung sino siya...


Except me and that girl who's wearing a gray mask.


The Healer's TaleWhere stories live. Discover now