Chapter 2 - Xelion Academy

341 42 29
                                    

ADRIANNA'S POV

"Who is she?"

"Sino ba yan? Bago ata?"

"Hindi niyo pa ba alam? She's the new transferee who doesn't have any ability, such a useless creature!"

"What? Panong nangyari yun? Pano siya naka pasok dito?"

WALANG tigil na bulong bulungan sa paligid ko habang nag lalakad ako mag isa dito sa loob ng campus. Hindi ko nga alam kung matatawag pa ba yung "bulungan" mukhang sinasadyang iparinig sa akin!

Hindi ko alam kung saan ako pupunta, o kung ano ang una kong dapat gawin. Sobrang lawak rin ng eskwelahan na ito kaya't hindi ko alam kung saan ang faculty office o kahit na sinong school staff.

Puro bulungan lamang ng mga estudyante ang naririnig ko. Nag tataka sila kung pano ako napunta dito, pero mas nag tataka ako.

Hindi sila pang karaniwan, I mean.. hindi talaga sila normal. Kanina ay may nakita akong nagpapa galaw ng lamesa na hindi hinahawakan, meron ding nag lalakad ng naka lutang. Nakakatakot dahil ngayon lang ako naka kita ng ganun. Anong klaseng tao sila?

Wait, tao pa ba sila?

Hindi ko alam na may mga taong katulad nila, na nag eexist pala ang mga kagaya nila. Akala ko sa mga novels and fantasy stories ko lang makaka encounter ang mga kagaya nila. Pero eto ako ngayon, kasama nila. Pero.. bakit ako nandito? Bakit ako nandito sa mundo nila?

Una palang alam ko ng kakaiba ito, hindi pang karaniwan. Simula sa biglaang pag lipat ko dito hanggang sa biglang pag litaw ng hidden school na ito ng isuot sakin ni tita Faye ang magical necklace na iyon. Ngunit hindi ko na nakuhang mag tanong kay tita kung ano ang nangyayari dahil sa pagka mangha.



Hindi ko rin alam kung paano lalabas dito, hindi ko na makita ang daan na pinasukan ko kanina. Sinubukan ko na ring hubarin ang necklace ko na suot dahil sa pag aakala na makikita ko ang daan palabas kapag inalis ko iyon ngunit wala, gusto ko na lamang bumalik sa bahay dahil hindi naging maganda ang naging usapan namin ng isang teacher dito kanina.


*Flashback*

"What's your ability?!" Sabi ng teacher na nagpakilalang Mr. Heslon.

Ability? Ano ba yun? Ah! Siguro yung parang talent ko.

"Ah, marunong po akong kumanta!" Naka ngiti kong pahayag. Ngunit nag tawanan lamang sila sa sagot ko. Tawa na may kasamang pang uuyaw.

May iilan ilang estudyante ang naka tingin sa amin. Nandito ako sa isang malawak na classroom ngunit hindi katulad ng ibang classroom, walang blackboard o whiteboard dito at kakaiba ang mga upuan. Sa sobrang laki nito ay katumbas na nito ang dalawang classroom sa dati kong eskwelahan ngunit ang mga estudyante dito ay wala pa sa sampu.

Dinala ako rito ng isang estudyante na napag tanungan ko, si Mr. Heslon raw kasi ang namamahala sa mga bagong pasok na estudyante. Hindi rin niya ako sinamahan papasok dito dahil hindi daw pwede pumasok ang kagaya niya dito. Ano kayang ibig niyang sabihin? Hindi naman ako nahirapan hanapin si Mr. Helson dahil siya lamang ang teacher na nandito.

"You don't have an ability? Paano ka nakapasok dito? Sino ang nag bigay ng kwintas sayo?" Pag uusisa ng gurong kaharap ko ngayon.

The Healer's TaleWhere stories live. Discover now