Chapter 25 - The Reasons

157 21 3
                                    

"I had a bad dream last night. Ang weird." Nabaling ang atensyon ko kay Thalia ng bigla itong nag salita "Pauwi na raw tayo sa Headquarter pero nakita natin si Miss Caira at napunta tayo sa madilim na lugar. Tapos.... tapos nahulog tayo sa tubig..." kunot noong kuwento ni Thalia.

"Really? Parehas tayo. Ganyang ganyan rin yung sa panaginip ko." Sagot naman ni Deviel. Wait.. How....


"Ako rin/Kami rin"



What? We all had a same dream? That's creepy. Hays. "Wait? Lahat tayo pare'parehas ng panaginip? Weird nga talaga. Pero...... Coincidence lang kaya na pare parehas tayo ng panaginip?" Tanong ni Thalia samin ng malamang hindi lang pala siya ang nakaranas ng panaginip na iyon. "I dunno . Para kasing totoo eh." Matipid na sagot naman ni Margaux.

"Ikaw Adrianna?" Baling sakin ni Deviel. "Nanaginip karin ba?" He asked me. Napalingon naman ako kay Chine, siya kasi yung gumising sakin kagabi noong nananaginip ako. Ngunit nakakapag takang tahimik lang siya ngayon. Usually sa mga ganitong usapin, ang daldal niya.

Ibinaling ko na lamang ang atensyon ko sa tanong sakin ni Deviel. "Yes." Simpleng sagot ko sakanya. "So ibig sabihin lahat talaga tayo pare'parehas ang panaginip?! How...?" Takang tanong ni Deviel.

"Another weird thing guys, hindi ko maalala kung paano tayo nakauwi kagabi." Thalia said.

"Ha? Parehas tayo. Hindi ko rin alam.. nagising nalang ako kanina, nasa Headquarter na tayo. Ang weird talaga."

Walang tigil ang pag uusap nila tungkol sa nangyari kagabi. Anong kababalaghan nanaman kaya itong nangyayari samin? Una.. pare-parehas kami ng panaginip. Pangalawa.. hindi namin alam kung paano kami nakauwi. Weird indeed.

"Good morning Sir Kiro." Natigil naman kami sa pag uusap usap ng dumating na si Sir Kiro. "Good morning Sui." bati niya samin pabalik at inumpisahan na ang klase. Nag discuss lang siya at wala siyang binabanggit tungkol sa nangyari kahapon, yung pagka panalo namin at kung ano ang susunod na pag subok.

Ngunit wala sa tinuturo niya ang atensyon ko. Palaisipan parin sakin kung bakit pare parehas kami ng naging panaginip. Alam kong hindi nagka taon lang ang mga pangyayari. Alam kong may dahilan. "Okay Sui. Class dismissed." Nasa malalim akong pag iisip buong oras ng klase. Namalayan ko nalang ng idismissed ni Sir Kiro ang klase. Wala manlang nga ata akong natutunan.

"Hay nako Adrianna. Nagiging hobby mo na ang pag tulala tuwing oras ng klase!" Saway ko sa sarili ko. Hayyy! Bakit ba ko nagkaka ganito?!

Sinundan ko nalang ng tingin ang palabas na sa pinto na si Sir Kiro. Pipihitin na sana niya ang seradura ngunit lumingon ito samin. "Nga pala Sui. I want to congratulate you for passing the Level 2." What? Ano daw. "S-sir..." tawag namin sakanya ngunit tinalikuran lang niya kami. Level 2? Hay. Makakalimutin na ata si Sir o baka nag kamali lang.

"Tumatanda na ata si Sir, nagiging makakalimutin na. Hahahaha!" Tawa ni Deviel. "Loko loko ka Dev. Mamaya marinig ka nun! Saka bata pa kaya si Sir." Kontra naman sakanya ni Thalia. Nilingon ko naman si Chine, kanina pa kasi siya tahimik. Nakaka panibago. O baka bad mood lang. Minabuti ko na lamang na hayaan muna siya. Malamang, maya maya okay na ulit yan saka ko nalang tatanungin kung anong problema.

Ilang minuto lang ang lumipas at dumating narin si Miss Caira. Bigla naman nag flash sa isip ko yung panaginip kagabi. *Shook shook* napa paranoid na talaga ata ako.

The discussion went smoothly. Earth Science ang tinuturo ni Miss Caira, ordinary subject na mayroon rin ang ordinary school kaya naman itinuon ko na ang atensyon ko sa kanyang discussion. Baka kasi mapagalitan ako ni Tita Faye kapag nabalitaan niya na bagsak ako sa mga subjects ko.

The Healer's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon