Chapter 28 - Their Sides

173 19 8
                                    

LEINA'S POV

"E. N. C. H. A. N. T. E. D. R. I. V. E. R?" Isa isang bigkas ni Lucas sa mga letrang nabuo niya.

"Enchanted River??" Nag tinginan kaming lahat.

"Sigurado ka ba jan Lucas?"

"Oo. Sigurado ako. Tingin ko kailangan nating pumunta sa lugar na itinuturo nito." Iniligpit niya ang kaniyang mga gamit. "Sinong may alam kung saang lugar ito?" Tanong niya ng maka tayo siya mula sa kanyang kinauupuan.

"Hindi ko alam yan eh, sorry." Tch hindi ko alam nyenye. Bwiset!

"Ako may alam!" Sagot ni Margaux. "Pero hindi ko alam kung yun yung tinutukoy niyan." Psh! Hindi naman pala sigurado sasabat sabat pa! Isa pa 'to eh.

"Saan yan Margaux?"

"Sa labas ng academy. Sa liblib na bahagi ng bayan ng Selaria matatagpuan . They call it Enchanted River because the locals believes that fairies and mermaids swim in the water. They also believe that those fairies and mermaids are protecting the river and maintaining the cleanliness" What an old story. Tch! Saka bayan ng Selaria? Malayo dito yun ah!

"Hey guys, don't tell me pupuntahan natin yan?!" Sabat ko. Aba! Hindi naman sigurado si Margaux sa lugar na iyo. "Yes Leina, kailangan siguro nating pumunta don." Singit ni Adrianna. Psh. Pabida talaga 'to kahit kailan!

"Alam niyo ba kung gaano kalayo ang Selaria?! Alam niyo namang delikado sa labas ng academy!"

"But Adrianna's right. We need to go there. Hindi naman siguro tayo papapuntahin ni Sir Kiro doon kung alam niyang delikado." Whatever!

Adrianna's right. Puro nalang siya! Edi siya na palaging tama! Tumalikod na ko sakanila. Ayoko ng makipag diskusyon sakanila. Tutal laging si Adrianna lang naman ang tama.

Hindi na sila nadala. Tuloy tuloy ang pag salakay ng mga Velios. Sa katunayan nga ay may namatay nanaman na Xelios sa kamay ng mga Velios kahapon at hanggang ngayon ay wala pa ring magawa ang mga Xelios para pigilan ito.

"Leina, kung iniisip mo ang mga Velios, don't worry. We are the Xelion Sui Generis and Velios cannot defeat us."  Deviel said confidently and smiled at me. As if he's saying 'that's okay. we are stronger than them' tch!

I didn't bother to answer. Lokohin nila ang sarili nila wag ako! Alam kong alam nila kung gaano kadelikado at kalakas ang mga Velios. Dahil kung hindi, hindi sana ganitong paulit ulit na may namamatay!

Kasalanan 'to ng bulok na sistema! Kapag Xelios ang nahuli ng mga Velios agad agad pinapatay pero kapag ang Velios ang nahuli ng mga Xelios. Ikinukulong lang! Nasan ang hustisya?!





Buhay ang kinuha nila, buhay rin dapat ang kapalit!






CHINEVEL POV


"Umuwi muna tayo sa Headquarter. Kung kailangan nga nating pumunta sa lugar na yan. Malakas ang kutob ko na may kinalaman ito sa huli nating pag subok." Wika ni Lucas.

"Hintayin muna nating makabalik si Thalia bago natin puntahan ang lugar na yan. Hindi tayo maaaring umalis na wala siya."

Kung anu ano pa ang sinabi niya pero parang hindi mag sink in sakin lahat. Hindi ako maka move on sa nangyari kanina.

The Healer's TaleWhere stories live. Discover now