Chapter 4 - Xelios Sui

320 37 32
                                    

"WHAT?! NO WAY! Magiging pabigat lang samin yan!"

"We can't do anything about that Leina, it was Mr. Phoenix's decision."

"But Mr. Helson, hindi biro ang mapabilang sa Xelios Sui. Do you think kakayanin niyan? Eh mukhang isang pitik lang tutumba yan eh."


Woa! Grabe. Kung makapag usap sila akala mo wala ako dito. HELLO, NARIRINIG KO PO KAYO! Gusto kong sabihin pero wala akong lakas ng loob. She's Quin Leina Sutarez, ipinakilala ni Mr. Helson kanina, isa sa mga Sui.

Sinabi rin niya na magiging member ako ng Xelios Sui kung saan kabilang ang may mga estudyante na may pinaka malalakas na ability. Masakit man marinig ang mga sinasabi ni Leina, sa tingin ko ay tama rin naman siya. Magiging pabigat lang ako sakanila.

Habang hindi ko alam kung pano palabasin ang ability ko, patuloy lang akong magiging pabigat sakanila. Hindi ko nga alam kung mayroon ba talaga akong ability eh! Meron nga kaya? O baka nga wala naman..

*Adrianna*

Wait. Sino yun?

Parang may narinig akong bulong sa kaliwang tenga ko kaya naman lumingon ako sa kaliwa ngunit walang tao.

"Adrianna"

Meron nanaman akong narinig sa kanang tenga naman. Lumingon ulit ako sa kanan pero wala rin namang tao.

"S..sino ka?

Minumulto ba ko? Habang tumatagal palala ng palala ang nangyayari sa buhay ko ah!

"Nandito ako huwag kang maingay!" Bulong ulit niya at unti unti ko na siyang nakita. Isang magandang babae na may malapad ang ngiti ang nasa harapan ko ngayon.

"Ikaw yung bumulong sa tenga ko? P-paano-?" Nag tataka kong tanong. Paano niya nagawa yun? She just shrugged her shoulders at umupo sa tabi ko. I was so amazed! Ang cool nun!! Then I realized, hindi nga pala pangkaraniwan ang mga estudyante dito.

"Before anything else, I want to introduce myself. I'm Chinevel Chua and I am... the invisible lady." Pabulong niyang pahayag.

She looks so friendly. I think, hindi lahat ng estudyante dito mga seryoso at nakakatakot.

"Do you want to go out? Tingin ko kasi ay hindi ka naman nila napapansin dito." Alok niya. Oh yes! Chinevel is right! Hindi nga nila ko magawang tapunan ng tingin. Hindi rin siguro nila mapapansin kung mawala ako.

"Sige tara!"

Hindi naman siguro bawal umalis diba? Gusto ko lang makatakas sandali sa tensyon sa loob ng silid na ito. Ang pagiging Xelios Sui ko pa rin kasi ang pinag tatalunan nila.

Tumayo na ako at akmang pupunta sa pintuan ng pigilan ako ni Chinevel at hinawakan ang kamay ko. At unti unti ay nagiging invisible na rin ako. Wow, cool!

Nag lakad kami at sa gulat ko ay tumagos kami sa pader ng silid na iyon. Hindi kami sa pinto dumaan, sa pader mismo! So this is her ability? Ang galing! Gusto ko rin nito.

"Pasensya na di natin pwedeng gamitin ang pinto, baka makita nilang tatakas tayo." She said.. Naka labas na kami ng silid na iyon "Tingin ko marami kang katanungan, so go on. Ask me. I'm willing to answer basta alam ko lang."

Hindi nga ako nagkakamali. She's very kind, nandito kami ngayon naglalakad sa isang hallway na wala halos tao.

I looked at her, she is very beautiful. Tingin ko ay may lahing Chinese ito.

The Healer's TaleWhere stories live. Discover now