Chapter 30 - Antidote

178 14 0
                                    

"Adrianna!!!!!"

Parang nag slow motion ang paligid. Nilingon ko ang likod ko at nakita ang isang babaeng estudyante. Kung iiwasan ko ang palasong parating ay panigurado siya ang tatamaan nito. Shit! What am I going to do?! Hindi ko alam ang gagawin ko. Napa hinga ako ng malalim. There's no another option I need to do this! Binaling ko ang atensyon ko sa palasong patama sa akin at nang maliit na distansya na lamang ang agwat ko mula rito ay mabilis akong lumihis pakaliwa upang hindi tamaan at itinaas ang kanang kamay upang masapo ang palasong pabalusok.



"ADRIANNA!"

Mabilis na nag takbuhan ang Sui sa direksyon ko matapos ang pangyayaring 'yon. Tinignan ko naman ang palasong hawak hawak ko ngayon sa kamay ko.

"Adrianna. P-paano mo nagawa yun?!" Tanong ng mga Sui ng makalapit sa kinaroroonan ko. Bakas sa mga mukha nila ang pagka gulat. At maging ako ay hindi makapaniwala.

"SHIT! ADRIANNA MAY DAPLIS KA! ARE YOU OKAY?!" Chinevel exclaimed. Hindi ako makakibo. Nanginginig ang kamay ko habang tinitignan ang patuloy na pag tulo ng mga dugo mula rito.

Mabilis ang mga pangyayari na maging ako ay hindi alam kung paano ko yun nagawa. Tinignan ko sila ngunit hindi ko magawang sagutin ang mga katanungan nila. Hindi ko alam kung anong sumanib sakin kung paano ko nagawang sapuhin ang mabilis na palasong papunta sa akin. Siguro sa kagustuhan kong mailigtas ang sarili ko at ang inosenteng estudyante na nasa likuran ko kaya ko nagawa ang bagay na iyon.

"Kumuha kayo ng first aid. Bilis!" Narinig kong utos ni Lucas sa mga estudyanteng naka palibot samin. "Akala ko ba healer yan, bakit kailangan pa ng first aid? Tch!" Bulong ni Leina. Yeah. She's right and I can't blame her.

A healer who can't even heal herself. That's how pathetic I am. Hindi ko manlang magawang ipag tanggol ang sarili ko. Para saan pa diba? Kung siya naman ang tama. Bakit sarili ko lang ay hindi ko kayang gamutin?! Ganon ba ko kahina at ka-walang kuwenta?


"Arrrghh" Napahawak ako sa ulo ko. "Adrianna. What's wrong?!" Tanong ni Margaux. Parang biglang umiikot ang paningin ko. Hindi ko nagawang sagutin si Margaux dahil sobrang nahihilo na ko. Shit! What's happening?!


"Adrianna! Adrianna mag salita ka!" Aaarrghh! Hindi ko na kaya. Nahihilo talaga ako. Nang hihina na ang mga tuhod ko at nararamdaman kong babagsak nako. "ADRIANNA!!!!" Ngunit bago pa man tumama sa lupa ang katawan ko ay may naramdaman akong bisig na sumalo sa akin mula sa pagkaka bagsak.

"Adrianna! Naririnig mo ba ko?! Anong nangyayari sayo?" Tanong niya habang tinatapik tapik ng mahina ang pisngi ko ngunit hindi ako makapag salita. Inihiga niya ako ng maayos at idinantay sa kaniyang katawan.

"TUMAWAG KAYO NG TULONG ANONG TINATAYO TAYO NIYO DYAN!"

"Adrianna, mag salita ka! Naririnig mo ba ko?"

Hindi ko talaga kayang mag salita. Hindi narin malinaw sa pandinig ko kung ano ang mga sinasabi nila. Maingay. Napaka ingay ngunit wala akong maintindihan. Nanlalabo narin ang mga paningin ko. "Arrrghh!" Daing ko dahil sobrang sakit. Ibinaling ko ang ulo ko sa kanan at nakitang hawak hawak ko pa pala ang palaso. Unti unti ay tuluyan ng nawalan ng lakas ang aking mga kamay kaya naman nabitawan ko ang palasong iyon at dahan dahang napa pikit ang aking mga mata. Ngunit bago ako tuluyang mawalan ng malay ay naaninag ko ang isang pulang papel na naka sabit sa palasong iyon at malabo man ang aking paningin ay hindi naka ligtas sa akin ang mga salitang naka sulat doon.









THE END IS NEAR!







MARGAUX'S POV


The Healer's TaleWhere stories live. Discover now