Chapter 12 - Code

214 28 5
                                    

"LUCAS!" Someone called him as soon as we arrived at the crime scene. Si ateng inglesera. Ilang beses ng nag kukrus ang landas namin pero hanggang ngayon hindi ko parin alam ang kaniyang pangalan.

Nandito kami ngayon sa liblib na bahagi ng eskwelahan kung saan matatagpuan ang lumang gusali na tila napag lipasan na ng panahon.

Naka handusay sa lupa ang katawan ng pinatay na nakilala namin sa pangalang Erwis Garcia. Isang senior student.


"Sino kaya ang may gawa niyan?"

"Sino pa nga ba? Edi ang mga Velios!"

"Paanong naka pasok ang mga Velios dito?"

"Oo nga, baka hindi naman Velios! Hala, Baka Xelios ang killer! "

Walang tigil ang bulung bulungan sa paligid, kanya kanya silang haka haka sa nangyari.

According to Chine, sa ilang taon na namalagi sila dito ay ito ang kauna unahang pagkakataon na may namatay na Xelios sa loob ng akademya. Nakakapag taka kung paano nakapasok ang salarin dahil may mahigpit na seguridad ang eskwelahan na ito upang hindi mapasok ng mga ordinaryong tao lalo na ng mga Velios.

"Ayon sa mga kaibigan ng biktima, magkakasama lang sila kanina pero nagpaalam daw ito na susunduin ang girlfriend niya sa kabilang bahagi ng eskwelahan, pero simula noon hindi na raw ito bumalik. Maaring dito ito dumaan dahil mas malapit ang alternatibong daan na ito kaysa sa kabila." Mahabang paliwanag ni Deviel.

Hindi na nag abalang sumagot ni Lucas at nag diretso sa katawan ng biktima at umupo ito para masuri kung ano man ang kakaiba.

"Malamang sa malamang ay Velios ang may kagagawan nito, pero ang tanong, paano sila naka pasok dito?" Pag tatakang tanong ni Margaux.

Walang nag salita ni isa sa amin at tahimik na nag iisip at pinag tatagpi tagpi ang mga ebidensya upang matukoy ang totoong may sala. Maari rin kasing hindi talaga Velios ang may gawa nito dahil wala namang matibay na ebidensya.

"P-patawad... H-hindi ko napanaginipan ang tungkol dito. H-hindi sana nangyari to." Hindi na napigilan ni Thalia ang maiyak, sinisisi niya ang sarili niya.

"Ssshh." Niyakap naman siya ni Chine at pinatahan.

"Itinaon nila na lahat ng teachers ay nasa XI-A ngayon." Napalingon kami kay Lucas ng bigla siyang mag salita. Oo nga, siguro ay pinag planuhan talaga to dahil saktong wala ang lahat ng faculty staff dito. Tanging kami nalang ng mga Sui ang nandito at ang mga kaibigan ni Erwis, pinabalik na ang ibang mga Xelios sa kanilang mga klase at ang iba ay sa kanilang dormitoryo dumiretso dahil sa takot sa nangyari.


"ERWISSSSSSS!"

"Erwwiiiissss! Huhuhuhuuuu. B-bakiittttt???!"

Isang magandang babae ang dumating habang umiiyak, siya marahil ang girlfriend ni Erwis, si Angelie Cruz.

"E-erwiiss, bakit??! Huhuhu.." Walang tigil ang pag iyak niya, kaya naman hindi ko na napigilan ang maiyak rin habang pinapanood sila. Nakakapang lumo ang sinapit ng kawawang lalaki na ito.

Sa wakas ay dumating na rin ang medical team ng eskwelahan na ito upang kuhanin ang malamig ng bangkay ni Erwis. Walang bahid ng kahit anong sugat ang katawan niya pero may mga dugong nag kalat, galing sa bibig niya. Kapansin pansin rin ang biglaang pag tuyo ng mga balat niya na wari ay isang linggo na ang nakaraan simula ng mamatay ito.


The Healer's TaleWhere stories live. Discover now