Chapter 1 - The Beginning

429 47 28
                                    

Halos labing walong taon na ang nakalipas simula ng huli kong maitapak ang mga paa ko sa paaralang ito. Parang kailan lang, sariwang sariwa parin sa ala-ala ko ang mga pangyayari noon. Hindi ko inakalang makakabalik pa ko sa lugar na ito.

Sa Xelion Academy.

MATATAGPUAN sa pinaka liblib na lugar na kung saan hindi matutunton ng sinumang ordinaryong tao. Hindi katulad ng mga ordinaryong eskwelahan, ang mga estudyante dito ay ang mga batang hindi mo inaakalang nag eexist pala, mga batang may kakaibang kakayahan. Iba't ibang kakayahan na hindi dapat malaman ng mundo.

Akala ng iba ay sa mga istorya lamang sila makikita. But they're wrong. Because they are true. They exist.

WALA halos pinag bago ang lugar kahit na maraming taon na ang nakalipas kaya naman agad kong natunton ang sikretong daan patungo sa opisina ng kung sino man ang siyang namamahala sa paaralang ito ngayon.

"H-HEAVEN FAYE?!" A loud voice welcomed me as I open the door of his office.

So siya na pala ang namamahala dito ngayon.

"Phoenix" tanging sambit ko.

"Y-you are alive.. I thought you were dead! Kung saan saan kita pinahanap, ngunit hindi kita natagpuan" Bakas parin sa mukha niya ang pagka gulat. Sino ba naman ang hindi? Ang taong matagal mong inakalang nabubulok na sa hukay ay nasa harap mo ngayon, kinakausap ka.

"Yes, I'm still alive at hindi na ko magpapaligoy ligoy pa Phoenix. May pabor akong hihilingin sayo." Diretso kong sabi sakanya. I don't have so much time dahil marami pa akong gagawin and I cannot deny the fact na ayaw kong mag tagal dito.

"A-ano yun, heaven?"

"Gusto kong ilipat sa eskwelahan na ito ang anak ko." I said without hesitation.

"M-may anak ka? Bakit? Sino ang ama niya?"

Tss, so many questions! Itinaas ko ang kanang kamay ko at ikinumpas sa hangin bilang pahiwatig na ayaw kong pag usapan ang bagay na iyon.

"Hindi na importante yun, ang mahalaga ay mailipat siya dito."

Napabuntong hininga na lamang siya.

Sandaling katahimikan ang bumalot sa paligid. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya. But one thing is for certain, and that is, he's going to accept Adrianna in this school.

"Okay okay, if that's what you want." See? "But you know the only requirement, Heaven. She should hav-"

"Yes, of course. Meron siya nito. She's my child after all." Putol ko sa sasabihin niya. Alam ko naman kung ano ang tinutukoy niya.

"So what's her ability?" Casual na tanong niya. Tila naka bawi bawi na sa pagka gulat. Yea. It's about the ability. The only requirement before entering this academy. A student must have an ability and of course, a Xelios Necklace indicating that he or she is a real Xelios.

The Xelios Necklace is very important for us, it's our identity. Bawat isa sa amin ay mayroon nito. The moment that we were born, meron na kami nito.

"She's a healer." I answered. I have no reason to hide because Phoenix was one of my good friend during my stay in this Academy.

"Healer? You're a seer, a person who can see the future. And you're telling me that your child is a healer? Paanong nangyari yun?" He asked. I know that he's confused right now but I cannot explain it to him.

The Healer's TaleWhere stories live. Discover now