"Yeah, nakalimutan ko. What am I going to do?" pagputol ko sa sinasabi niya.

"Kailangan natin siya,"

"Reeam told me that I should be the one who'll take care of Criza,"

"Pero hindi ikaw ang healer niya,"

"And so?"

"So? Follow the rules," napabuntong-hininga naman ako sa sinagot niya.

Nang makarating sa bahay ko ay agad na akong bumaba sa kotse at binuhat si Reeam. Si Marrette naman ang bumuhat kay Criza. Papasok na sana kami nang matigil kami pareho dahil sa taong nagsalita sa likod namin.

"Let me take care of my sister," malamig na sambit nito. Agad akong napalingon at tumambad sa harap ko ang babaeng hindi mawala-wala sa isip ko.

Laquian.

"Thanks," akma siyang tatalikod nang makuha niya si Criza mula sa pagkakabuhat ni Marrette.

"Wait," pagpigil ko dito. Lumingon naman siya pabalik at binigyan ako ng nagtatakang tingin. "Where are you going to take her?" seryosong tanong ko.

"Sa bahay ko,"

"No, you can't do that,"

"And why?"

"Sa akin siya ibinilin ni Reeam,"

"She's my sister and she's fucking wounded, iintindihin ko pa ba 'yan?"

"Exactly, she's wounded. Kaya bakit dadalhin mo pa siya sa bahay mo? Bibiyahe na naman siya. 'Yong oras ng pagbiyahe niyo, nagamot mo na sana siya. You know what, get inside. Dito mo siya asikasuhin," matigas na sagot ko, dahil hindi pwedeng malayo sa kakambal ko si Criza. Malalagot ako dito.

Nagtititigan lang kaming dalawa, ako seryoso. Siya, parang hindi makapaniwala sa mga sinabi ko. But I don't care. I will not give her the permission of taking Criza away. Hindi ako papayag na umalis siya—I mean, sila ni Criza!

Umayos ka, Leeam!

"Magtititigan na lang ba kayo diyan? May hawak kayong mga pasyente. Pasok, bilis!" pambabasag ni Marrette sa katahimikan at titigan namin ng babaeng 'to.

Agad na akong pumasok sa loob pero tumitingin pa rin ako sa likuran para tingnan kung sumunod ba ang babaeng 'yon. Napangisi ako nang makitang nasa likuran ko lang siya. Nakasimangot na sumusunod sa akin.

"Marrette, kuhanin mo 'yong susi sa bulsa ko," agad naman niya 'tong kinuha at sinabi ko na ring buksan niya ang pintuang nasa harap namin. "It's me," sambit ko nang bumukas 'to, para bumukas din ang pangalawang pinto na gawa sa bakal.

Lumawak ang pagkakabukas nito at agad kaming pumasok.

"Hindi ko alam na may ganitong lugar pala dito sa bahay mo," sambit ni Marrette habang inililibot ang paningin sa lugar na 'to.

BOOK I: Touch Her and You'll be DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon