Can't Give Up Now

274 7 0
                                    

                                                              The One that Got Away

                                                         Written BY: DontMindThisGirl

                                                                    ****Chapter 2****

Kasama ko ngayon si Marien na bestfriend ko no’ng college. Habang nakatambay kami sa Starbucks, ikinuwento ko sa kanya na bumalik na si Ethan at tungkol sa fiancée.

"Candy, alam mo naman ang kasabihang EXPECT THE UNEXPECTED? Di ba? Dapat kasi hindi ka nag expect ng sobra. At bata pa kayo ng i-promise niya na pagbalik niya,magiging kayo. Makakalimutan niya iyon dahil marami siyang makikilalang tao at hindi lang ikaw. Okay? Marami namang lalaki pa diyan na handang ibigay ang buong buo nilang katauhan sayo lalo na't sikat ka."pangangaral sa akin ni Marien.

Napabuntong hininga muna ako bago magsalita. “Sana man lang sinabihan niya ako. Marien, for god’s sake! Apat na taon na natigil ang communication namin. Ma’nong ipaalam man lang, ‘di ba? Mahirap ba ‘yun?”medyo naiiyak na sabi ko.

Proud na proud pa ako na ipagmalaki sa lahat na ‘taken’ na ako tapos single lang ang status ko? It’s so unfair! May pride din ako na inaalagaan, though there are times na di ko pinapairal.

“Ako ba ‘yung Ethan?”she gave me a bored look. “Siya tanungin mo. Tutal kapitbahay mo lang naman, ‘di ba?”

She’s right. Sa dating bahay nila Ethan kung saan sila nakatira ng fiancée niya ngayon. Di ko malaman kung nananadya ba talaga na doon sila tumira o wala palang talaga silang titirhan pa.

“I need to go, Cadence. Magkikita pa kami ng boyfriend ko. Next time na lang ulit.”sabi niya habang inaayos ang gamit niya. Tumayo na siya at dapat paalis na pero parang may naalala.

I raised my eyebrow at her more like questioning. Problema niya?

She look at me disgusted. “You look awful. Mukha kang bakla sa itsura mo. Kasuka.”umakto pa siyang parang nasusuka.

Sinamaan ko lang siya ng tingin. “Haha. Bye”she waved her hand. Alam namang niyang hindi ako pwedeng pumunta kung saan saan ng hindi naka-disguise. Dudumugin ako, though alam ko na hindi pa talaga lahat ay kilala kami.

I took a sip on my frappe. Ayaw ko naman umuwi pa. Wala din naman akong gagawin sa bahay. Ayaw ko naman guluhin ang DMTGP gang at si Ate Happy. Not even Ethan, na may fiancée pala at di man lang pinaalam sa akin. One month kaming walang gig dahil sunod sunod ang naging concert namin noong nakaraan. Jusme naman! Dapat lang may pahinga kami. Puspusan na practice at madalas napupuyat. Sa akin, nakasalalay lahat, isang mali na tono, lagot na.

I sigh in relief. I really misses drinking something cold. Bawal ang ice cream and anything cold na pwedeng magpakamalat sa akin kada may gig. Now, I can eat or drink something cold. Hay. I’ll stay here a little longer. Mamaya ko na lang iisipin anong gagawin ko sa pagiging ‘fake status taken’ ko.

Nilabas ko ang iPod touch ko para pakinggan ang recorded songs na ire-release palang as an album. Ilalagay ko na sana sa tenga ko ang earphone ng may dalawang babae na umupo malapit sa table kung saan ako nakatambay at ‘yung isa sobrang lakas ng boses.

Nanulok ang gilid ng labi ko. Alam ba nila na hindi lang sila ang nandito sa Starbucks? Bingi ba ‘yung isa para hindi sila magkaintindihan? Sana nag hearing aid na lang o kaya nag sign language na lang. Hindi sa maarte ako dahil gawain din namin ng DMTGP ang mag usap ng sobrang lakas pero nasa lugar. Pag kami kami lang. Not in a public places.

The One That Got Away(TOTGA)Where stories live. Discover now