Ain't It Fun?

274 7 0
                                    

                                                  The One that Got Away

                                               Written BY: DontMindThisGirl

                                                           ***Chapter 1***

♩ ♪ ♫ ♬ ♭And in another life, I would be your girl. We keep all our promises be us against the world. ♩ ♪ ♫ ♬ ♭

Ang mga tao halos hindi magkamayaw sa pagsabay sa kinakanta ko. Ang iba naman, walang ibang ginagawa kundi ang sumigaw ng, "WOO"

Grabe! Hindi ko akalain na ganito na pala kami kasikat. Kasi halos kakaumpisa pa lang namin sa industriya ng music. And I'm very thankful sa manager namin. Kung hindi dahil sa kanya, wala kami sa posisyon na ito. Mas ginanahan ako kaya todo bigay na ako sa pagkanta.

♩ ♪ ♫ ♬ ♭And in other life, I will make you stay. So I don't have to say you were the one that got away. The one that got away. ♩ ♪ ♫ ♬ ♭

Nang matapos ang kinanta ko, wala nang ibang sinasabi ang mga fans namin ng, "D.M.T.G.P.! I love you!"

Hindi ko maiwasang mapangiti. Nakaka-flattered. Masaya ako kasi masaya sila. Ang gulo ko noh? Kaya bilang pasasalamat sa kanila, nagbigay ng lang ako ng isang maikling speech.

"Sa mga narito ngayon sa gymnasium ng Rizal Institute University, lalo na sa mga estudyante, salamat. kayo ang inspirasyon namin sa suporta na binigay ninyo"

At siyempre, isang malakas na hiyawan na naman ang maririnig. Halos nakakabingi pero kung makikita mo sa mukha nila ang enjoyment parang kahit mabasag man lahat, okay lang. Pagkatapos naming magpaalam sa mga nanood ng concert, dumiretso kami sa tour bus kung saan kami laging nakasakay pag may mga concert. Bumungad sa amin ang mukha ng manager namin na si Happy na happy ang face. Ano ba yan! Sa daming pwedeng maging pangalan niya, Happy pa. Pero bagay naman sa kanya kasi napaka-cheerful niya.

"Ang galing galing ninyo. Di talaga ako nagkamali na kayo ang pinili ko. Kita ninyo naman ang audience impact, wagi! 101.99%! Kalurkey!. Pero ang mas mahalaga duon, mayaman na naman tayo" sabi ni manager Happy at pumapalakpak pa.

"Sows! Ikaw lang naman ang yumaman, hindi kami" singit ni Kuya Melvin ang guitarist ng banda namin.

"Ikaw naman, Melvin. Sumang-ayon ka na lang na yumaman na tayo. Hahaha. Pero ang mas malakas talaga ng dating ay ang ating pinakamagaling at pinakamagandang vocalist." sabi ni Happy at tumingin sa akin.

"Sino ba yong vocalist na iyon?" inosenteng pagkakatanong ko. Kunwari hindi ko alam. Hehe.

"Aysus! Pa-humble pa. Ta-da!  E di ikaw! Sino pa ba?" sabi ni Happy at niyakap ako. Niyakap ko din siya. Para ko na siyang kapatid. Mas matanda lang ng isang taon.

"Binobola mo lang si Cadence, Sad face e." sabad naman ni Kuya Mac na drummer ng banda na boyfriend ni Happy. Sad face kasi ang endearment niya kay Happy. 

"Nagselos ka naman Macaroni kasi hindi ikaw ang niyakap ko"sabi ni Happy. Bumitaw siya sa akin At niyakap naman ang boyfriend niya. Macaroni naman ang endearment ni Happy kay Kuya Mac. Ang baduy ng tawagan nila. Grabe.

Sumipol ako at bumulong sa hangin, “Yucks. PDA”sapat na para ako lang makarinig. Trip ko lang. Bleh.

"Tama na yang sweetness na yan. Nilalanggam na kayong dalawa. Alam nyo namang may ‘never been in a relationship ever since’ "sabi ni Elizer na keyboardist ng grupo at sabay turo sa akin. Lahat sila napatingin sa akin. Umakto naman ako na pinapalo ang braso na parang may pinapatay na langgam.

The One That Got Away(TOTGA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon