Chocolate Love(Prologue)

426 9 0
                                    

                                                            Chocolate Love(Prologue)

                                                           Written by: DontMindThisGirl

"Ang daya mo naman, Ethan. Dapat ako na 'yung titira", sabi ni Cadence habang nakasimangot na nakatingin sa kalaro niya. Nasa verandah ng bahay nina Cadence silang dalawa at naglalaro ng snakes and ladders.

 "Mas madaya ka. Ikaw kaya ang naunang mandaya. Nilipat mo ang pwesto ng game piece ko. Hindi ko lang ibinalik sa dati kasi nalimutan ko kung saan unang nakapwesto", giit naman ni Ethan. Tumayo si Cadence at itinaob ang board ng snakes and ladders.

 "Ayaw kitang kalaro. Alis ka! Uwi ka na sa inyo", sigaw ni Cadence. Umiyak na nagtatakbo papasok ng loob ng bahay pero bago siya makapasok, humarang sa dadaanan niya ang mama niya.

 Niyakap siya. "Bakit umiiyak ang little princess ko?" tanong ng mama niya.

 "Mommy, inaway ako ni Ethan. Mandadaya daw ako", humihikbing sumbong ni Cadence.

 "Ethan, bakit ka nagsabi ng ganun? Ano bang ginawa ni Cadence?" sabi ng mama niya.

 "Tita Audrey, naglalaro po kami tapos ng kumuha ako ng pagkain sa bahay namain, nandaya po si Cadence. Nilipat niya po ung pwesto ng akin" sisinghut-singhot na sabi ni Ethan.

 Tumingin si Audrey sa anak niya. "Anak, ikaw pala ang may kasalanan. Di ka naman sasabihan ng madaya ni Ethan kung hindi ikaw ang nagsimula. Say sorry to Ethan", sabi ng mama ni Cadence.

 Nakayakap pa rin si Cadence sa mama niya. Tumingala si Cadence para tignan ang mama niya at umiling.

 Napabuntong-hininga si Audrey. "Iyan ba ang itinuro ni Mommy? Ang maging bad sa kapwa?"

 Umiling si Cadence. "Hindi po". Ipinakita ni Audrey ang plastic na may puro chocolates. "Pasalubong ko pa naman ito sa'yo. Pero bad girl ka, kaya ibibigay ko na lang kay Ethan", aktong ibibigay ni Audrey kay Ethan pero mabilis pa sa snatcher na kinuha ni Cadence ang plastic.

"Magso-sorry na po ako, mommy", sabi ni Cadence. Lumapit si Cadence sa kalaro niya at yumuko.

 "Sorry, Ethan. Bati na tayo. Please?", sabi ni Cadence at niyakap si Ethan.

 Nakangiting pinagmamasdan ni Audrey ang anak niya pati ang anak ng kumare at kumpare niya.

 Iniisip niya kung maging mag asawa balang araw ang dalawang bata na nasa harapan niya na sweet na sweet. Not bad, nasabi niya sa utak niya.

 "Kids, huwag na kayong mag-aaway, ha? Diyan muna kayo. Marami pa kasi akong gagawin", sabi ni Audrey at umalis na.

 "Anong chocolate ang binigay sa'yo ni Tita Audrey?", sabi ni Ethan pagkabitiw sa pagyakap sa kalaro. Inilabas ni Cadence ang mga chocolate sa plastic.

"Hmm. Toblerone, Kisses, Snickers, Cadbury", sabi ni Cadence.

"Walang Black Chocolate?", sabi ni Ethan habang iniinspeksyon ang mga chocolates.

 "Meron bang ganun? Di ba ang kulay ng chocolate ay brown o white lang?", sabi ni Cadence habang kumakain ng Snickers na binuksan niya.

 May kinuha sa bulsa si Ethan at ipinakita kay Cadence. "Tignan mo ang nakasulat, BLACK CHOCOLATE, di ba? Kinuha ko ito sa bahay kanina. Sabi ni mama, ganitong chocolate daw dapat ang kainin ko para hindi gaano matamis. Gusto mo?", sabi ni Ethan at binuksan ang chocolate.

 Inabot niya ang pinutol niyang kapiraso ng chocolate kay Cadence. Nginuya ni Cadence ang inabot ni Ethan.

"Oo nga. hindi gaanong matamis. Pahingi pa ako. Eto na ang BEST CHOCOLATE EVER", sabi ni Cadence at nag thumbs up.

 After two weeks...

"Our  precious princess, nandito na kami ni mommy", sabi ng daddy ni Cadence. Nilapitan ni Cadence ang daddy niya at humalik sa pisngi.

 "Daddy, may dala ka ba nung favorite chocolate po namin ni Ethan?", tanong ni Cadence.

 "Oo naman. Ibinili ko kayo ng tig-isa", sabi ni Mr. Santiago at iniabot ang dalawang bar ng Black Chocolate.

"Thank you, daddy. Pupunta muna po ako kina Ethan. Ibibigay ko lang po itong chocolate.", sabi ni Cadence at dali-daling lumabas ng bahay. At dahil katabing bahay lang nila ang bahay ni Ethan, nagmadaling nagdoorbell siya. Bumukas ang gate at bumungad sa kanya ang malungkot na mukha ni Ethan.

"Hi, Ethan! Bumili sina daddy ng favorite chocolate natin. Isa para sa akin. Isa para sa'yo", nakangiting sabi ni Cadence at iniabot ang chocolate. Tiningnan lang ni Ethan ang chocolate na hawak niya. Napansin niya ang bag na dala nito. Sabay namang labas din ng magulang ni Ethan.

"Saan kayo pupunta, Ethan?", tanong ni Cadence.

 "Cadence, pupunta kami ng Canada. Doon muna daw kami titira at doon na rin ako mag aaral", sabi ni Ethan na halos naiiyak na. 

 "Babalik ka naman di ba?" sabi ni Cadence na hindi na napigilang umiyak.

 "Oo. Promise. Babalik ako. Pagkatapos kong mag-aral. Pagbalik ko, magiging girlfriend kita. Tapos magiging boyfriend mo ako. Katulad nong napanuod natin dati at laging sinasabi ni mama at papa. Ni Tita Audrey at Tito Rickie." sabi ni Ethan at hinawakan ang kamay niya.

 "Ethan, tara na. Baka mahuli pa tayo sa flight', sabi ng mama ni Ethan.

 Binitiwan na ni Ethan ang kamay niya. Pasakay na sana si Ethan ng sasakyan ng biglang may naalala kaya lumabas pa.

 "Akin na ung chocolate. remembrance mo sa akin.", ngumiti ito sa kanya at kinuha ang chocolate.

 Sumakay na si Ethan sa sasakyan. Sa paningin  ni Cadence, unti-unting lumiliit ang sasakyan kung saan nakasakay ang Ethan na

kalaro niya na nangakong babalik muli...

                                                       That was several years ago.

                                              Hanggang ngayon naghihintay pa rin ako.

                                              Hanggang kelan ko  kayang maghintay?

                                              Hangga't hindi pa ba siya bumabalik?

                                             Pag bumalik kaya siya, anong mangyayari?

                                               Matutupad kaya ang pangako niya?

                                              Siya nga kaya ang nakatadhana sa akin?

                                             O may ibang tao na ipaparamdam sa akin

                                         Na "Hindi niya kaya na iwan ako, kahit anong mangyari"?

                                                Will he never be the One That Got Away?

                                                             Or I'm the One Who Will Got Away?

The One That Got Away(TOTGA)Where stories live. Discover now