Natanaw ko agad ang iritadong mukha ni Landon. Nakatingin siya sa akin pero nung makitang nakatingin ako sa kanya ay nag iwas din agad.

Nakita ko ang paglapit ni Yona sa kanya at ang paghaplos nito sa kanyang braso.

Napairap ako, sakit sa mata ng araw!

Hindi naman ako late dahil 30 minutes pa bago mag call time. Nagkibit ako ng balikat at nag iwas nalang ng tingin.

Sinalubong ako ni Arkit na may dalang pagkain.

"Thanks, paano mo nalamang di pa ko nag breakfast?" ngumiti ako at kinuha ang pagkain.

"Hindi ka kasi marunong mabuhay ng mag - isa." inirapan ko siya at kumain nalang.

Pagkatapos ko mag breakfast ay agad kong hinagilap ang aking team para maka- usap at ma-orient sila sa mga dapat nilang gawin.

Pagdating nila sa aking harapan ay una kong hinanap ang camera man, okay naman ang kanyang damit kaya napanatag ako. Mainit ngayon and I don't want my camera man sick.

Tinignan ko ang first assistant camera man na si Regan.

"Regan, make sure na naka-attach ang follow focus sa focal ring ng cam. Thank you." paalala ko sa kanya.

Nag salute siya sa akin at ngumiti. Hindi pa siya tapos magh set- up kaya pinauna ko na siya umalis.

"Wait I'm sorry pero sino nga ulit 'yung Gaffer?" Tanong ko sa kanila.

Gaffer is the one who runs the lighting team.

"Ako po," sagot ng isang medyo may edad na at halatang may mahaba ng experience sa ganito.

Tumango ako at kinausap na siya, tinanong ko kung ano ang opinion niya sa balak kong gawin, may iba siyang paraan and after some thinking ay nag decide ako na 'yon ang gagawin namin.

Palagi kong kino-consider ang opinion ng mga tao ko basta ba tingin ko ay magiging maganda at walang magiging problema, dahil alam ng mga taong 'yon kung ano ang trabaho nila at mostly mas may alam sila sa akin dahil mas matagal ang kanilang experience.

"Monti." nilingon ko ang Digital imaging technician. "I changed the color temp and aperture lense, please take note." Tumango siya.

Kinausap ko na rin ang loader. Pumalakpak ako pagkatapos ng ilan pang paalala at pinakawalan na sila.

"Ma'am tawag po kayo ni Direk," sabi ng isang babaeng hindi ko kilala. Tumango ako at pinuntahan na si Landon.

Nakaupo siya sa kanyang director's chair na nakatago sa araw, naka kunot noo siyang nagbabasa ng script pagdating ko.

"Why?" bungad ko.

Nag angat siya ng tingin at pinaupo ako sa upuan sa kanyang tabi.

Umupo naman ako.

Agad akong inatake ng kanyang pabango, damn I didn't know perfumes could make someone more attractive.

Napailing ako.

"Where's the list of all the required camera equipment?" Tanong niya.

Damn Arkit, hindi niya sinunod ang utos ko! Kagabi ay sinabi ko sa kanyang ipadala 'yon kay Landon. Mabuti nalang at naalala ko na may isa pa akong kopya sa bag ko.

"Sorry, kunin ko sa bag ko." Tatayo na sana ako ng pinigilan niya ako sa pamamagitan ng paghawak sa braso ko.

Kumunot ang noo ko, damn it!

Mainit pero agad akong nanlamig. Huminga ako nang malalim bago siya lingunin. Nagtaas ako ng kilay sa ginawa niya. Mabilis niyang binitawan ang braso ko.

Nights With You [ Isla Azul Series #1 ] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon