Epilogue

2.1K 40 42
                                    

Dahyun's PoV

Matapos ang pag-uusap namin ng lolo ni Sana, I was finally relive.

Wala ng hadlang sa aming dalawa. Wala ng pahirap sa aming dalawa. Totoong ayos na ang lahat wala ng problema.

"Eomma? Bakit ka po mag isa dito?" tanong ni Dana.

Oo nga pala, andito kami sa bahay nila Sana. Dinala niya ko dito at pormal na ipinakilala sa parents niya.

Isang linggo narin ang lumipas mula ng magpunta kami nila Dana sa Han River.

"Umalis nanaman ang appa mo eh." nakapout na sabi ko.

"Hahaha. Eomma, obsessed ka po kay Appa noh?" nakakalokong sabi niya.

"Hoy, bata! Sinong nagturo sayo niyan? Ang appa mo noh?" sabi ko at pinisil siya sa pisngi.

"Nope. It's Aunt Chaeyoung!" proud niyang sabi. Ay letcheng smurf yun.

"That smolbean talaga!" tila naaasar na sabi ko. "Nasaang lupalop nanaman kaya yung appa mo?" tanong ko.

"Malay kooooo." parang ewan na sagot ng batang 'to eh. May alam 'to, letche sinasabi ko may alam talaga 'to sa pinaggagagawa ni Sana.

"Malay ko your face Dana." nakapout na sabi ko. Hagalpak naman ng tawa 'tong anak ko.

"Mawalang-galang na ho sa mag ina! Bumaba na nga kayo!" biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ni Sana at bumungad sa akin si Momo, anong ginagawa ng bwisit na 'to dito?

"Bakit ka nandito?" tanong ko.

"Kase wala ako dun." napakawalang kwentang kausap neto eh.

"Mom, kahit po sila Aunt Jihyo nasa baba." sabi sa akin ni Dana.

"Ano!? Nandito kayong lahat?" gulat na tanong ko.

"Ay ano pa nga ba?" pang aasar ni Momo. Letche talaga 'to kahit kailan.

Tumayo ako para kunin yung phone ko tas niyaya ko silang bumaba.

Pagbaba namin dun, aba matinde. Oo nga andito ang mga bwisit haha.

"Anong ginagawa niyo dito?" tanong ko.

"Tanong mo sa anak mo." sabi naman ni Nayeon unnie na nakayakap kay Jihyo unnie.

"Dana?" tila nagtatanong na sabi ko.

"Pinapunta ko po sila." sagot naman niya at nagpeace sign pa.

"Buti yang anak mo niyaya kaming pumunta dito eh. Eh kayo ni Sana?" parang sirang sabi ni Jungyeon unnie.

"Paiyak na si Jungyeon unnie." pang aasar ni Chaeng na nakahiga sa lap ni Mina unnie.

"Eh wala nga si Sana eh." nakapout kong sabi tsaka tumabi kay Tzuyu na nakasandal kay Momo.

"Lagot baka nambabae yun." lokong saad ni Chaeng.

"Naghanap na ng iba!" gatong ni Jungyeon unnie.

"Yung mas maganda sayo, Dahyun unnie!" gatong ni Chaeng.

"Hoy, umayos nga kayong tatlo. Sarap niyong ipatokhang eh." sabi bigla ni Jihyo unnie.

"Ang KJ naman unnie!" hirit ni Tzuyu binatukan ko nga. "Aray naman unnie!" hiyaw niya.

"Ayan kase. Kita ng inaawat yung tatlo gagatong pa!" sabi naman ni Mina unnie.

"Pero matinong tanong asan yun asawa mo?" tanong ni Nayeon unnie. Seryoso talaga siya sa salitang asawa, maka-asawa wagas eh.

"Hindi ko rin alam. Paggising ko umalis na raw eh." sagot ko. Dito kaya kami natulog kagabi.

"Yang anak mo may alam yan. Natatawa eh." sabi naman ni Momo.

Sides of Love|SaiDahMoWhere stories live. Discover now