-21-

1K 30 9
                                    

Sana's PoV

Hanggang ngayon wala paring malay si Dahyun. Kahapon pa siya tulog ang sabi naman ng doctor nagpapahinga lang naman daw siya.

Nakaupo lang ako dito sa isang monoblock katabi ng kama niya.

Papunta narin naman dito ang ibang members namin para may kapalit kami nila Chewy kase kaming apat na lang ang hindi pa umuuwi.

Ako ang nagbantay kay Dahyun magdamag, hindi pa ko natutulog kulang pa 'to kumpara sa kasalanan ko sa kanya.

"Hoy, Sana. Matulog ka muna kaya?" tanong ni Jihyo-unnie.

"Hindi na unnie. Susulitin ko muna 'to dahil kapag nagkaroon na siya ng malay wala na kong pag-asang gawin 'to." sagot ko sa kanya.

"Oh sige. Unnie bibili na lang kami ni Momo unnie ng coffee." paalam ni Tzuyu. Tumango lang sila tsaka lumabas. Kami na lang din ni Jihyo-unnie ang naiwan.

"Sana, kahapon ko pa gustong itanong sayo 'to." sabi ni Jihyo-unnie kaya napalingon naman ako sa kanya. "Bakit mo ba piniling iwan si Dahyun?" alalang tanong niya.

Hindi na ko nagdalawang isip na sagutin siya, dahil may nararapat na may alam siya tungkol dito.

Inangat ko yung kamay ko na may singsing.

"Oh my gahd..." hindi makapaniwalang sabi ni Unnie pagkakita niya palang nun.

"Unnie, this is an engagement ring. I've forced to be engage." malungkot na sabi ko.

"Who's the lucky man?" naiiling na sabi niya.

"Woman, a girl unnie. Sa babae ako na-engage." sabi ko sa kanya.

"Jinjja?" gulat niyang tanong.

"Ne. Sa taong malapit pa kay Dahyun." sabi ko at nilingon si Dahyun na mahimbing pang natutulog.

"You mean... Kpop Idol rin?" tanong niya pa.

Marahan akong tumango sa kanya. Sasabihin ko na sana kung sino yung na-engage sa akin kaso biglang nagvibrate yung phone ko.

"Excuse lang unnie. Replyan ko lang 'to lang may nagtext eh." paalam ko tumango lang siya.

Hon sent a message...

From : Hon

Nasa ospital daw si Dahyun? Papunta kami ng grupo ngayon dyan.

To : Hon

Sige. Ingat kayo.

"Sino yung fiancee mo?" tanong nanaman ni Jihyo unnie. Papunta ngayon si Sinb dito.

"May tamang oras dyan unnie, wag muna ngayon." sabi ko sa kanya.

Tumango naman siya dahil nirerespeto niya ang desisyon ko.

After 20 minutes, nakarating na ang grupo kasama na nga rin ang Gfriend. Nginitian lang ako ni Sinb kaya tumango na lang ako.

"Kamusta siya?" tanong ni Sowon uunie.

"Kahapon pa walang malay." sabi ni Jihyo-unnie.

Dahil sa malaki ang kwarto na kinalalagyan ni Dahyun umupo lahat sila sa mga sofa na nandito.

Tumayo naman ako sa kinauupuan ko para paupuin si Umji sa tabi ni Dahyun. Hinalikan ko yung noo niya tsaka naglakad papunta sa pagitan nila Jihyo-unnie at Chewy.

Dun tahimik ko silang pinagmasdan. Payapang kwentuhan, konting ingay dahil sa pang aasar ni Yerin kay Nayeon unnie.

Si Chaeng hindi parin ako pinapansin at sa totoo lang hindi niya man lang ako tinatapunan ng tingin.

Sides of Love|SaiDahMoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon