-20-

1K 30 8
                                    

Sana's PoV

Pagdating namin sa ospital agad akong tumakbo papasok dun. Naiwan ko na nga si Momo eh, alalang alala na ko.

"Miss, Where's Kim Dahyun?" I quickly asked to the nurse who's in the information desk.

"She's at the Emergencery Room, Ma'am." sagot niya sa akin kaya agad akong tumakbo.

Naabutan ko ang mga kamember ko sa nakaupo sa labas ng ER habang si Jihyo unnie nakatingin sa glass window.

"Sana!" sabi nilang lahat.

"Ikaw! Ikaw eh! Ikaw ang may kasalanan neto!" galit na sabi ni Chaeng.

"I didn't know na mangyayare 'to." nanghihinang sabi ko.

"Ano? Hindi mo alam?! Ikaw ang dahilan kung nagkakaganyan si Dahyun! Ikaw ang dahilan kung bakit siya nagkakasakit! Ikaw! Ikaw ang may kasalanan!" galit na galit si Chaeng alam ko.

"Chaeng, stop it! Hindi ginusto ni Sana 'to!" awat ni Momo.

"Ano unnie? Kakampihan mo pa yan? Sinaktan niya si Dahyun-unnie! Ikaw ang mahal niya, Sana she refuses Momo's love because of you and look at what you did!" puno ng hinanakit na sabi ni Chaeng.

"Hindi mo kase alam Chaeyoung! Akala mo ba siya lang ang nahihirapan? Siya lang ang nasasaktan? Hindi! Kase doble pa sa akin ang sakit! Na wala akong magawa para mawala yung sakit na nararamdaman niya! Dahil wala akong magawa para maging masaya kaming dalawa!" umiiyak na sabi ko. "Tapos ito pa? Sa akin mababaling ang sisi sa ngayong hindi mo naman alam? Akala mo ba nagpakasaya ako sa Japan? Hindi Chaeng, hindi! Kase habang nandoon ako unti unti akong pinapatay sa pangungulila ko kay Dahyun at hinanakit ko dahil wala akong mapagsabihan!" naririnig kong umiiyak rin ang mga co-members namin.

"Chaeng, Sana please tama na! May sakit na si Dahyun oh! Mag aaway pa kayo?" sabi ni Nayeon-unnie.

"Maghiwalay kayo. Mina, bumalik na kayo ng dorm nila Chaeng. Ako, si Momo,si Sana at Chewy na lang ang maiiwan dito." sabi ni Jihyo unnie. "Nayeon-unnie, lead them." sabi pa niya, umiral nanaman ang pagiging leader niya.

Umalis na nga sila at apat na lang kaming natira rito.

Napaupo ako sa isang upuan dito at tuluyan ng humagulgol.

"Hey, Sana. Dahyun will be fine." sabi ni Jihyo-unnie.

"T-tama si... si Chaeng. Its all my fault. Ako ang may kasalanan kung bakit siya nandito. Kung sanang may sapat akong dahilan para ipaglaban siya." umiiyak pa ring sabi ko.

"Unnie... Ano ba talagang nangyare? Bakit ba iniwan mo siya sa ere?" nag aalalang sabi ni Chewy.

"Ah, Chewy wag mo munang itanong sa kanya yan okay? It's not the right time." sabi ni Momo.

Tumango lang si Chewy at niyakap na lang ako ng sobrang higpit.

"Stop crying. Please. Unnie just this one." sabi ni Tzuyu sa akin habang yakap niya lang ako.

"Excuse me guys. Itetext ko lang kay Manager Oppa yung nangyare." paalam ni Jihyo-unnie.

"I'll go to the car, Sana ilalagay ko muna dun yung sweater ko sa auto." paalam ni Momo tsaka umalis.

"Tzu, bakit ganito? Bakit kailangan kong magsuffer ng ganito? Masama ba kong tao bakit hindi ako nabibigyan ng pagkakataong maging masaya?" umiiyak na sabi ko kay Tzuyu.

"This is just a test. Challenge para matuto ka, unnie. Kayanin mo lahat ng nangyayare, magiging okay rin ang lahat." sabi ni Tzuyu sa akin at pinunasan ang luha ko.

"Excuse me? Sino sa inyo ang pamilya ng patient?" biglang lumabas yung doctor sa ER.

"Kami po, ka-member niya po kami." sabi ko. "Kamusta na po ba si Dahyun?" agad na tanong ko.

"Maayos na siya. Over fatigue,depression ang dahilan ng pagcollapse ng body niya. I suggest na kumain siya ng healthy foods and wag niyo siyang bibigyan ng ikasasama ng loob niya." paliwanag nung doctor. "Pwede na siyang ilipat sa private room. Room 028 nga pala ang magiging room niya." dagdag pa nito.

"Thank you doc." sabi namin ni Tzuyu.

Pag alis ng doctor, umupo na lang kami ulit ni Chewy dahil hihintayin na namin sila Jihyo-unnie at Momo bago sumunod sa private room na pagdadalhan ni Dahyun.

"Unnie? Ang ganda naman ng ring na yan? How come may ganyan ka?" tanong ni Tzuyu kaya medyo naalarma naman ako.

"Ah? Ito ba? Bigay 'to ng parents ko." nag aalangang sabi ko.

"Alam mo kung hindi ko lang alam na mahal mo si Dubu unnie iisipin kong engage ka." alam kong pabiro lang yun pero sapul na sapul ako.

Maya maya dumating narin dito sila Jihyo unnie.

"Oh? Nasaan na sila Dahyun?" tanong ni Momo.

"Dinala na sa private room unnie." sagot ni Tzuyu.

"Tara puntahan na natin." sabi ni Jihyo-unnie.

Tumango naman ako at sinabi sa kanila kung saang room dinala si Dahyun.

Mabilis kaming nagpunta sa room 28. Naabutan namin si Dahyun dun na payapang natutulog.

Sila Jihyo-unnie umupo lang sa may sofa ako naman ay nagtungo malapit sa kanya.

Sa wakas nakita ko na rin siya, matapos ng mahigit dalawang buwan, abot kamay ko na lang siya.

Agad ko naman siyang nilapitan, at halos maiyak ako sa nakita ko.

Ang laki ng ipinayat niya, medyo malalim narin ang eyebags niya pero kahit ganun nananatili parin ang kanyang tunay na ganda.

Hinawakan ko ang isang kamay niya at hinalikan ito.

"I'm sorry. I'm so sorry, Dahyun. Kasalanan ko kung bakit nangyayare sayo ito. Gagawin ko ang lahat maging ligtas ka lang at sa kaligtasan mong iyon paniguradong magiging masaya ka kahit pa wala ako sa tabi mo. Konting tiis na lang, Dubu makakalaya ka na sa katangahang ginawa ko." I whispered while crying.

Hinalikan ko siya sa noo at nanatili lang sa tabi niya.

Nandito na ko ngayon, kasama na niya ko pero hindi na talaga kami pwede.

May banta narin ang lolo ko sa career niya kaya kapag hindi ako tuluyang umiwas kanya hindi lang ako ang pahihirapan niya, pati narin si Dahyun.

Mas gusto ko siyang nakikitang ligtas kahit malayo sa akin. Mas gusto kong ayos lang siya kahit wala ako sa tabi niya.

Ganun na nga siguro ang pagmamahal noh? Gagawin mo ang lahat maging maayos lang ang kalagayan niya.

Kahit na ang kapalit nito ang permanenteng pagkawala mo sa eksena ng buhay niya.

Sides of Love|SaiDahMoWhere stories live. Discover now