-15-

1K 27 19
                                    

Dahyun's PoV

Isang buwan ang lumipas at never ko pa siyang nakakausap. Madalas niya akong kinakamusta via text lang.

Nahihirapan na ko, sobrang miss ko na siya.

Gusto ko na nga hilain yung buwan para matapos na at makabalik na siya.

"Hey dubu? Nagmumukmok ka nanaman?" tanong ni Momo sa akin.

Nandito ako sa terrace nakaupo, kanina pa nag iisip.

"I miss her Moguri." naiiyak na sabi ko tsaka yumakap sa kanya.

"Hindi ba sabi ko naman sayo? Hintayin mo babalik na yun. Enjoy each day, mararamdaman mo na lang na nandito na siya." malambing na sabi niya sa akin. "Pinabibigay pala ni Jihyo-unnie 'tong chocolate." sabi niya pa at iniabot siya bundle of chocolates. Every 3 days binibigyan ako ni Jihyo-unnie ng chocolates without saying kung kanino galing. Baliw na ata yun eh.

"Thanks. Moguri? Tingin mo nakahanap na dun ng kapalit ko si Sana?" tanong ko bigla.

"Nababaliw ka na Dahyun? Wala na ngang oras yun sa sarili niya dahil sa pagkabusy, hahanap pa yun ng kapalit? Mahal ka nun noh." sermon niya sa akin.

Hindi ko rin naman maiwasang maging praning.

Paano kapag nakahanap na siya ng kapalit ko?

Mahal ko si Sana, pero minsan nakakalimutan ko siya dahil kay Momo.

Sa loob ng isang buwan wala ng humaharot na Squirrel sa akin

Sa loob ng isang buwan wala ng nakikitabi sa kama ko.

So loob ng isang buwan walang Sana ang buhay ko.

At pinatunayan niya pa sa akin na, No Sana, no life.

Namimiss ko na yung boses niya, yung pagpapacute niya.

Nagkasya ako sa pakikinig ng songs namin lalo na sa mga lines niya.

Walang event na hindi nagtatanong ang mga fans kung nasaan siya.

Nung magyakapan at maghabulan kami sa airport nagtrend yun at lalo pang dumami ang SaiDa shippers.

Sana pagbalik niya walang nagbago.

Sana pagbalik wala ng kulang.

Sana pagbalik niya ako padin ang mahal niya.

Pinagsisisihan kong hindi ko muna siya inangkin bago siya umalis.

Siya pa na mismo nagsabing kung may nagugustuhan ako wag ko daw kontrahin ang sarili ko dahil sa kanya.

Gaga yun eh, hindi niya ba alam na tumitingin ako sa iba pero siya para ang hinahanap ng puso ko.

Sabi ng mga fans, anong meron sa SaiDa?

Hindi nila alam, yung SaiDa hindi lang basta basta OTP, produkto rin ng real love.

Tumatag ang OTP namin ni Momo sa loob ng isang buwan dahil siya nakaantabay sa akin.

Nagkaroon na naman sa wakas ng official OTP si Jihyo unnie dahil nagiging maharot si Nayeon unnie sa kanya.

Sa mga araw pang sumunod, hindi ko na siya masyadong naiisip.

Sa tulong narin ng ibang members.

Hindi padin maiwasang mag alala ako sa kanya dahil pati kay Jihyo unnie hindi na siya nagtetext.

Ang sabi nila baka busy lang talaga.

May ilan namang nang aasar baka may iba na nga siya.

Kung kailan isang linggo na lang bago magdalawang buwan dun pa kami nawalan ng communication.

Natatakot ako sa maaring dahilan niya kung bakit di na niya ko kinukontak.

Ipagdarasal ko na sana ayos lang siya. Mahal ko yun kahit na anong gawin ko.

Sana's PoV

"Pag pumayag po kayo na makipagmerge between our company lahat ng holders namin pang hahawakan niyo na rin." I explained to Mr. Hwang the CEO/Director of Hwang Intle Company. Nasa meeting kami with his companions tsaka ng Dad at Lolo ko.

Pang-lima o pang anim na discusion na 'to eh pero gusto ng mga Hwang ako ang mangumbinsi sa kanila.

"How can we sured that your going to do that?" tanong ni Mr. Hwang.

"You have my words sir. Hindi pa kayo pumipirma ginawan na namin ng steps." I said with my serious tone.

"I like your offer. Sino ang nakaisip niyan?" tanong ng Vice President ng Hwang Intle.

"Actually, Sana is the one who think of that." biglang sabi ni Lolo.

"Oh really? She has a best performance of taking over about partnership, I bet she's your heiress." sabi naman ni Mr. Hwang.

"She is, my only heiress." sagot ni Lolo. Nginitian ko lang siya ng tipid.

"Okay. Our decision is... we're going to sign the contract." sagot ni Mr. Hwang na ikinangiti ko.

"Thank you, Sir. Hindi po kayo magsisisi." nakangiting sabi ko.

"Thank you very much Mr. Hwang." sabi naman ni Dad sa kanya.

"Don't say thanks to me. Say thanks to your daughter. Walang meeting tayo na hindi ako naimpress." sabi ni Mr. Hwang. Siya na lang ang nandito lumabas na yung mga kasama niya. Kami na lang nila Dad at Lolo ang kasama niya.

"Ah, Sana. Apo, kasama kase sa tradition ng kontrata ang arrange marriage para mapagtibay ang samahan ng kompanya." sabi bigla ni Lolo.

Halos mabingi ako sa narinig ko.

"Then?" naiilang na sabi ko.

"You have to be engage to the heir of Hwang's for 3-5 years." sabi naman ni Daddy.

"Wait? What?!" di ako makapaniwala sa sinasabi nila.

"Actually, she's a heiress. Nag-iisa ko siyang anak. Hindi rin siya straight, tanggap ko siya." sabi ni Mr. Hwang.

"Po? Parehas po kaming babae?" tanong ko.

"Yes. So, Sana I think after 2 weeks you could meet your fiancee?" sabi ni Mr. Hwang.

"But I'm going back to Korea this week." sabi ko naman.

"We could cancel it, Sana." sagot ni Lolo.

"Just so you know. She's also a Kpop Idol. " napatanga naman ako sinabi ni Mr. Hwang. Bakit kailangan Kpop Idol pa? Tangina. Wasak na ko eh. Gusto ko ng umiyak.

"Okay, Mr. Hwang. I'm glad about the Minatozaki and Hwang merging of family." sabi ni Dad.

"So, I should go. I have a meeting pa." paalam ni Mr. Hwang at lumabas ng pinto.

Pagsara ng pinto agad akong sumigaw andito pa sila Lolo at Dad.

"What the fuck is that!?" galit na sigaw ko.

"Sana, kailangan yon." sabi ni Daddy.

"Alam niyong may mahal akong iba! Tas ano? Ia-arrange marriage niyo ng hindi niyo man lang ako kinunsulta." galit na sabi ko.

"Minatozaki Sana, there's nothing you can do about this. I'm telling you." matigas na sabi ni Lolo. "Or else, ipatatanggal kita sa Twice." pagbabanta niya.

I decided to walk out. Mabilis kong nilisan ang company at dumiretso sa bahay.

Pumasok ako sa kwarto ko. Dun ako nagsimulang lumuha.

Everything got ruined because of this situation.

I'll lose Dahyun and a possibility to lose, Twice.

Why it has to be like this?

Why the hell the world is against us!?

Sinira ko lahat ng gamit na pwedeng ihulog dito sa kwarto.

Umupo ako isang sulok at niyakap ko ang tuhod ko.

I'm so sorry Dahyun if I can't fulfill my promise.

I'm so sorry, I love you so much but now I'm in the worst situation.

Sides of Love|SaiDahMoWhere stories live. Discover now