-01-

3.7K 84 46
                                    

Dahyun's PoV

Nakatanga na naman kami sa dorm namin ngayon. Himala nga at wala kaming schedule para sa araw na 'to.

"Maknaes anong gusto niyong kainin?" tanong sa amin nila Tzuyu at Chaeyoung ni Jihyo unnie.

"Kahit ano na lang unnie." sabi ko sa kanya na tinanguan ng dalawang loka.

"Gosh I'm bored!" Nayeon unnie our eldest member said. Andun palang siya sa hagdan dinig na yung sigaw niya.

"Tapos kapag maraming ginagawa ayun! Puro naman angal." biglang sabi ni Jungyeon unnie na prenteng nakaupo sa sofa.

"Asan sina Momoring-unnie at Sana-unnie?" tanong naman ni Tzuyu na katabi ko lang na nakaupo sa may carpet.

"Si Momo umalis namili ata ng Shirtsey na gagamitin niya sa dance practice natin. Pero si Sana natutulog sa kwarto, may lagnat ata?" kibit balikat na sabi ni Mina unnie.

Naalarma naman ako sa lagay ni Sana.

"Unnie bakit di niyo agad sinabi sa akin?" alalang tanong ko.

"Hindi ka naman nagtatanong." inosenteng sagot naman niya.

"Naulanan yan kagabi diba? Nung sinundo ka niya sa JYPE after ng shoot mo?" sabi naman ni Nayeon-unnie.

Hindi ko na sila kinibo at mabilis akong umakyat sa kwarto nila Sana. Naabutan ko siya na payapang nagtutulog pero nakabalot siya ng makapal na comforter.

Umupo ako sa tabi niya at mabilis na hinawakan ang noo niya. Aish, mainit nga siya. Kasalanan ko 'to kundi ko siya pinaghintay sa front gate di na sana siya mababasa at mauulanan.

"Sorry squirrel. Nagkakasakit ka dahil sa akin." bulong ko at hinalikan siya sa noo.

Tumayo ako para ipagluto siya ng soup. Papatulong ako kay Jihyo unnie.

Naabutan kong naghuhugas ng pinggan si Chae kumain nanaman siguro siya.

"Dubu-unnie, kamusta si Sana-unnie?" agad niyang tanong ng makita niya ko.

"Ang init niya. Hindi biro, may lagnat talaga ang loka." biglang singit ni Jungyeon-unnie na kapapasok lang ng kusina, kasabay niya si Jihyo unnie na nagtungo dito.

"Ahh. Jihyo unnie, favor naman. Pwedeng tulungan mo kong magluto ng crab soup for Sana?" pagpapacute ko.

"Nako, Dubu kahit di ka magpatulong tutulungan kita. Galing lang din kami ni Jungyeon sa room nila Sana ang init nga niya talaga." banggit niya.

Tumango lang ako. Nag-umpisa na kaming magluto ni unnie. Madali lang naman 'to kaya sigurado naman akong masarap yung iluluto namin.

"Dubu halu-haluin mo na lang kapag kumulo ayun ok na." sabi sa akin ni Jihyo-unnie.

"'Kay." sagot ko na lang sa kanya. Ako nalang mag isa sa kusina ng may kung sinong walangyang yumakap sa akin mula sa likuran.

"Anong niluluto mo tofu?" malambing na sabi ni Momo. Umaatake na naman ng kalandian at hinalikan pa ko sa pisngi. Buti andito na 'tong kissing monster na 'to.

"San galing?" tanong ko sa kanya at patuloy ako sa paghalo ng soup.

"Bumili ng Shirtsey. Ishoshoot na ata yung dance practice ng Knock knock nextweek. Yung hiphop version?" explain niya naman.

"Ah.. Layo ka nga muna. Ipeprepare ko lang 'to. Kailangan ng kumain ni Sana hindi pa nga nagigising yun eh." paliwanag niya sa akin.

"Bakit? Anyare dun?" tanong naman niya at humiwalay sa akin.

"Nilalagnat. Naulan kagabi diba nung sunduin niya ko?" sagot ko naman habang nilalagay sa mangkok yung soup.

"Kawawa naman si Sexy." she commented.

Nang maayos ko na yung breakfast+lunch ni Sana. Nagpaalam na muna ko kay Momo na aakyat. Gusto ngang sumamang umakyat kaya lang ayoko kase kukulitin lang nun si Sana. Malakas kase ang sapak ng jokbal na yun.

"Pwede ka ng mag-asawa dubu!" pang-aasar ni Jungyeon-unnie na dinaanan ko sa sala.

"Lol. Baliw ka talaga." natatawang banggit ko sa kanya tsaka na tumuloy sa kwarto. Naabutan ko naman ang isang taong pilit tumatayo pero nakikita kong mahirap ang kalagayan niya.

"Wag na kaseng tumayo. Dyan ka na muna. Pinagluto ka namin ni Jihyo-unnie ng pagkain mo." nakangiting sabi ko.

"Dubu?" nanghihinang sabi niya. Hay nako sana kundi lang kita bestfriend hinarot na kita. Kahit anong anggulo ang sexy ng galaw niya. Aish why so hot?

"Hmm... Kaw talaga. Bakit di mo sinasabing may masakit sayo?" tanong ko sa kanya. Tsaka ko binitawan yung tray sa harapan niya.

"Eh sorry." napakamot pa ng batok ang loka. "Lapit ka." request niya. Agad ko namang sinunod at yumuko ako. Hinalikan niya ang noo ko. Wala eh. Kahit na oncam kung manghalik sila ni Momo ang gesture nitong squirrel na 'to sa akin ay ganyan.

"Kumain ka na ha? Pagkatapos inumin mo yung gamot mo." sabi ko sa kanya. Tumango lang ito at ngumiti. Bakit ba ang lite lagi ng taong 'to? Napakamasayahin eh, no doubts Tzuyu likes her. Kaso nga lang hindi alam ng mokong na 'to.

Tahimik lang ako habang pinagmamasdan siyang kumain. Namumungay yung mga mata niya malamang may sakit eh.

Oncam andami ng Shippers namin neto, offcam pinapatunayan naming totoo ang kalandian sa akin ni Sana. Gaga yan eh sobrang clingy.

Si Momo naman ganun rin eh. Hindi ko na sila tinatawag na unnie wala mga pabebe at ayaw daw nilang tinatawag ko silang ganun di daw bagay. Tsk tsk.

"Dubu ayaw ko na..." she pouted. Wala nga ata siyang ganang kumain ang hirap pag may sakit eh.

"Yung soup na lang ubusin mo. Kahit yun lang please? Kahit na yung rice meal." request ko sa kanya. Need niyang kumain, iinom siya ng gamot eh.

Kahit na parang gusto niyang tumanggi, alam niya na sa sarili niyang siya ang matatalo pagdating sa ganitong bagay.

Hindi talaga ako sanay na may sakit siya. Dahil kung walang sakit yan, nakikipagbarahan na kila Momo, Jungyeon-unnie at ng buong grupo yan. Kaya nga siguro nasasabi niyang No Sana... No Life kase pag wala siya hindi kumpleto ang tabas ng kawalangyaan ng mga kapatid ko dito.

"Tapos na ko." nakangiting sabi niya.

"Inumin mo na yung gamot mo." sabi ko sa kanya na sinunod naman niya.

Pagkatapos niyang uminom ng gamot nilagay ko sa isang side yun tray after that nagulat na lang akong ng hapitin niya ko ng yakap.

Her sweet side... Minatozaki Sana anong ginagawa mo sa akin? Your drivin' me crazy.

"Dito ka muna. Pacharge ako." bulong niya. Langya neto? Gawin ba daw akong charger.

"Magpagaling ka na ha? Hindi ako sanay na tahi-tahimik ka." mahahalata ko kase agad na di siya ok eh. Yung kahit na bumabanat siya ng kaharutan,  kahit may sakit siya may kulang padin na parang ubos at bitin ang mga sinasabi niya.

Hindi siya sumagot pero mas humigpit ang yakap niya sa akin. Adik na ata 'to sa yakap dahil kahit sa ibang kagrupo namin sumasabit 'to. Pero madalas kundi si Momoring ang kasama ko yakap niya lagi ako.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Hi to all the Saida shippers! Magbunyi ang team Sana for this chapter. So how is it? Kamusta ang start SaiDahMo first ever story ko?

Don't forget to vote co shippers


Kungyare nasa Knock Knock Era narin 'to ah?


Note : For the Team SeulRene and JoyRi of Red Velvet and for the Team LiSoo and JenRose of BlackPink shippers kita kita tayo sa mga next fanfic ko.

Sides of Love|SaiDahMoWhere stories live. Discover now