VI: Brothers

15 2 0
                                    

Sa dati kong trabaho madalas mag-away ang mga anak ng amo ko. Pero ngayon, iyong amo ko ang madalas napapa-away! -🐶

***

''Waaaait lang naman po!'' Pumagitna na ako sa kanila bago pa man magpang-abot ang dalawang higante na ito.

''What the?! Umalis ka nga! 'Wag ka makialam dito Lyka! Usapang magkapatid 'to!'' Bulyaw sa akin ni sir matapos niya akong igilid.

''Po?! Kapatid niyo si Ji?!'' Hindi makapaniwala kong tanong. Napalayo naman sila dahil napalakas yata ang pagkakasabi ko.

''Ano ba?! Ilang beses ko ba sasabihing huwag mo akong sisigawan!'' Nanggigigil na pinisil ni sir ang pisngi ko sa inis.

''Erey! Serreh nemen he! Mesheket!'' Bakit ba ang hilig niyang mamisil ng pisngi ngayon? Kaloka! Baka mamula na talaga ang kawawa kong pisngi.

Nagulat kami ni sir Wallace nang hawakan ni Ji ang pulsuhan niya.

''Let her go. Nasasaktan si Lyks bro,'' seryosong sabi ni Ji kaya muling nagusot ang mukha ng asar ko nang amo.

Binitawan ako ni sir at natatawang napahagod ng kaniyang bagang. Talagang sasabog na siya kapag hindi ko pa sila maaawat. Kaso paano naman? Whine*

''She calls you 'Ji' and you call her 'Lyks'. Ano kayo? Lovers?'' May pagturo niyang sabi sa amin.

Nalaglag ang panga ko sa gulat mula sa mga nadinig. Ano ba ang sinasabi ng above normal kong amo? Kami ni Ji? Lovers? Agad-agad? Eh hindi pa nga siya nanliligaw sa'kin. Joke! Asa pa ako.

''Ngayon lang po kami nagkakilala ng kapatid mo sir! Kamuntik na ako malaglag galing 3rd floor kanina pero niligtas po ako ni Ji. Tapos f.y.i. lang po, ginagawa niya ang mga sinabi mong dapat niyang gawimmm!?'' Tinakpan ni Ji ang bibig ko kaya hindi ko naipagpatuloy ang mga sinasabi.

Ang bastos naman nito! Mapagsabihan nga siya mamaya!

''You what?! Diba sinabi ko nang h'wag kang aalis sa lobby dahil may kakausapin lang ako?! Bakit napakatigas ng ulo mo?! Tch!'' Namumula ang mukha sa inis niyang pagsigaw sa akin bago ako hinila sa aking braso. ''Nasaktan ka ba? Sagot!'' Napapikit ako sa paraan ng pagtatanong niya. Napapailing naman si Ji sa asta ng kuya.

''H-Hindi nga po. Nahawakan ako ni Ji bago pa ako mahulog,'' bumaling ako kay Ji tsaka ngumiti. ''Salamat ulit ha,'' nakangiti kong sabi. Natawa naman siya. Naramdaman ko ang paghigpit ng pagkakahawak ni sir sa braso ko kaya napatingin ako sa kaniya. ''Aray ko naman sir,'' nakanguso kong sabi.

Inirapan ako ng magaling kong amo tsaka muling hinarap ang kapatid niyang nakatingin sa braso ko na hawak ng kuya nito. Pilit ko naman itong binabawi pero ayaw niya akong bitiwan.

''Let's talk again later! Umuwi ka and don't ever dodge the matter again Gian,'' nakaturo ang isang daliri sa kapatid niyang sabi na puno ng awtoridad.

Inilipat ni Ji ang tingin sa akin. ''Hm. I'll see you later Lyks,'' sa halip na sabi nito sa akin imbes na sumang-ayon sa kaniyang kuya. Kumaway pa siya sa'kin bago kami tinalikuran at tuluyang iniwan.

Naihilamos niya ang libreng kamay sa kaniyang mukha sa sobrang inis kay Ji. Nakatingala lang ako sa kaniya nang bigla siyang tumingin ng masama sa akin.

''What?'' Singhal niya.

''Po? Wala po. I-Iyong braso ko lang naman po,'' may pagturo sa braso ko na hawak pa din niya. Napatingin siya dito ng mga ilang segundo bago parang natauhang binitawan ako. ''Grabe sir parang nandidiri lang?''

''Tss! Tara na nga!'' Parang bata na naubusan ng ice cream niyang sabi. Layasan ba naman ako? Haynako.

Hindi pa din ako makapaniwala na kapatid na pala ng amo ko ang kausap at kasa-kasama ko mula pa kanina. Kaya naman pala gano'n ang reaksyon niya ng malamang nagtatrabaho ako sa kuya niya. Halatang hindi malapit si Ji kay Sir Wallace.

''Napakasungit kasi.''

''Sinong masungit?''

Napa-angat ako nang tingin at nakasalubong ang inis na mukha ng aking amo. Hala. May ESP ba si sir?

''May ESP ka ba sir?''

''Pinagsasabi mo?! Sumakay ka na nga!'' Singhal niya. Umiling naman ako sa utos niya.

''Ayoko sir. Gusto ko pa pong mabuhay ng matagal. Gusto ko pa mag-aral, magka-boyfriend, at magkapamilya. Hindi na po ako ulit sasakay sa motor na 'yan,'' mahaba kong pagdadahilan tho totoo naman. Mahal ko pa ang buhay ko po.

Napatingala siya sa langit bago bumuntong hininga ng bongang-bonga. Nauubusan na ata siya ng hangin dahil sa akin. Eh sa ayoko na ulit sumakay sa motor niya eh!

''Sige babagalan ko na ang pagmamaneho for the sake of your dreams,'' mahinahon pero may inis pa din niyang sabi tsaka tinapik ang upuan sa motor niya.

Hindi ako agad nakapagsalita dahil sa mga tinuran niya. Kahit na labas sa ilong niyang sinabi iyon ay first time ko pa din makarinig ng gano'n. Someone who is willing to do something for the sake of my dream. Parang gusto kong tumalon sa saya.

Napangiti ako tsaka masayang umangkas sa motor niya. Yumakap ako sa likuran niya na ikinagulat niya.

''O-Oy Lyka!'' Pagsita niya.

''Sir baka mahulog ako e. Tara na po at umuwi para mapaghanda na kita ng specialty ko!'' Katwiran ko. Gusto ko lang din siyang yakapin bilang simpleng pasasalamat kahit hindi niya alam kung bakit.

''Tch! Siguraduhin mo lang na magugustuhan ko iyang specialty mo dahil kung hindi itatali kita sa motor ko tsaka paaandarin,'' pananakot niya kaya mabilis akong namutla sa kaisipan. Kakalas na sana ako mula sa pagkakayakap ko sa kaniya nang ipitin niya ng mga braso ang mga braso ko.

''Wah! Amper naman sir! Pa'no pag hindi mo nga nagustuhan?!'' Naiiyak kong reklamo. Naramdaman ko ang pagtaas-baba ng mga balikat niya.

''Edi mag-isip ka ng bagong specialty na magugustuhan ko. Easy!'' Natatawa niyang sabi tsaka inayos ang pagkakayakap ko sa kaniya. ''Kumapit ka ng mabuti.''

Tatango pa sana ako nang maramdaman na ang pag-andar ng motor. Napayakap ako ng mahigpit sa kaniya at nanalangin na makauwi nga ako ng buhay!

Nangginginig ang mga tuhod akong bumaba ng kaniyang motor at nang hindi ko na makayanan ay naupo na talaga ako sa lupa. Hindi lang pala masunginit si boss, sinungaling pa! Iharurot ba naman iyong motor?! Isipin ko pa lang iyong mga pinagsisigaw ko nahihiya na ako!

''Uwaaa! Tama na! Ayoko na! Bababa mo na koooo!!! Uwaaa! Mahal ko pa buhay kooo! Baket?! Baket sa'kin nangyayari tooo?!''

Napatakip ako ng mukha sa kahihiyan. Nakalimutan kong kampon pala ni satan ang amo ko!

''So? How's the resort?''

Napalingon ako sa nagsalita at mabilis na tumayo nang malamang si Sir Terrence pala. Hindi tulad kanina ay nakasuot lang siya ngayon ng simpleng tshirt at maong shorts.

''S-Sir Terrence. Magandang gabi po!'' Napapayuko kong pagbati sa kaniya. Nakaramdam ako ng hiya dahil nakikita niya ako ngayong nakasuot ng casual. Katulong ako kaya dapat naka-maid uniform ako.

''Lyka? Wow. Hindi kita nakilala,'' namamangha niyang sabi nang mas makalapit sa akin. Pinagmasdan pa niya ako mula ulo hanggang paa. ''But why are you sitting on the ground? Are you alright?''

Sasagot sana ako nang madinig ang pagtikhim ng aking bwisit na amo. ''Don't mind her,'' sabi niya sa kapatid. ''And you. Magluluto ka pa diba? Go,'' pagtataboy niya sa akin.

''Aish! Opo! Pero hindi kita paglulutuan ng specialty ko! Nevah!'' Naiinis kong sigaw sa kaniya tsaka padabog na nagwalk-out. Nadinig ko naman ang pagtawag ni Sir Terrence at ang pagsigaw ng amo ko ng 'LYKA!'

Che! Lulutuan kita ng hotdog! Hotdog laaang! Wraa!

My Grumpy Boss!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon