XVI: Where to? (Fixed)

4 0 0
                                    

Good morning sa napakagwapo kong amo. - 🐶

**

Nagising ako ng medyo hirap sa paghinga. Sinubukan kong gumalaw pero may mga brasong pumigil sa akin.

"Keep sleeping..." Aniya with a husky voice.

Nag init ang mukha ko. Oo nga pala, andito pa pala ako sa kwarto ng amo ko.

Mas hinapit at inilapit nya ako sa kaniya kaya naman nag iinit na talaga ang likod ko.

Naka on ba yung air conditioner dito?!

Sinubukan ko muling gumalaw dahil hindi na ako makahinga sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Hinawakan ko ang isa niyang kamay para sana alisin pero pinagdaop niya ang mga palad namin.

"Don't even think about leaving." Bulong niya sa tainga ko na nagpatili sa akin.

Mabilis kong tinakpan ang bibig ko. Nadinig ko namang siyang natawa.

"'Wag mo na po ako pagtripan. Kailangan ko nang bumalik sa kwarto komph!"

Mabilis niya akong iniharap sa kaniya para halikan. Sinakop ng labi niya ang labi ko na naghatid ng bulta-bultaheng kuryente sa buo kong katawan.

Ibang klaseng halik na naman ang pinaparamdam niya sakin. Inilagay nya ang palad sa batok ko para mas lalo pang idiin ang nakakahilo niyang halik.

"Hmn..." Napapikit nalang ako at napakapit sa dibdib niya.

Gusto kong itanong kung para saan at bakit niya ginagawa sa'kin ito. Naguguluhan din ako kung bakit ko siya pinapayagan.

Sadyang nakakaliyo lang talaga ang mga halik mo.

Maya-maya'y nakatulog din ulit siya. Chance ko naman para umiskapo. Baka mamaya'y abutan kami na magkasama sa kwarto at matanggal pa ako sa trabaho.

Tip-toed akong lumakad palabas at marahang isinara ang pinto. Napahawi naman ako sa bangs ko. "Parang gusto ko nalang ulit maligo."

Kinabukasan ay nakabusangot na bumaba ng hagdan ang aking amo. Mabilis akong lumakad papunta sa kaniya.

"Good morning sir wallace! May gusto po kayong almusal?" Nakangiti kong tanong.

Huminto siya at namulsa. Pinagmasdan ako ng mga mata niyang naniningkit pa dahil kagigising lang.

"I told you to stay last nig-"

"Ah! Hotdog nalang ulit. Tapos ipagtitimpla na po kita ng paborito mong kape." Pagpuputol ko sa kaniya.

Ayoko na lang balikan ang mga nangyare kagabi dahil sa nabasa kong story sa internet. Mahirap nga naman talagang ma-fall sa taong hindi ka sigurado kung seryoso. Nakabili na kasi ako ng phone matapos kong makasahod. Medyo nag e-enjoy ako magbasa ng mga romance story. Ehehe.

Lalakad na ako papuntang kusina nang hawakan niya ako sa braso.

"What the fvk!? I'm talking to you!" Singhal niya.

Mabilis kong tinapik ang kamay niya na ikinalaki ng mga mata niya.

"May work ka pa sir. Ipagluluto na muna kita," anas ko tsaka kumaripas papuntang kusina.

Usually daw talaga na pa-fall yung mga gwapo at mayayaman na kayang kunin kahit anong matipuhan nila. Ayoko maging isa sa mga yun. At lalong hindi pwede dahil maid lang ako.

Matapos siyang ipaghanda ng almusal ay dinala ko na ito sa living room kung saan siya lagi nakapwesto. Hindi na talaga siya bumalik sa opisina.

"Kumain ka na sir," pag anyaya ko pero hindi siya kumibo. Inulit ko nalang dahil baka hindi niya ako nadinig. "Kain na sir wallace."

Tumunog ang phone niya at agad niya itong sinagot. "Yes, for two. We're going now." Yun lang at ibinaba niya na ang tawag.

"Uhm, may lakad kayo sir? Kumain ka po muna."

"Sit."

Mabilis pa sa alas cuatro akong naupo. *whines*

"We're going on a trip in 10 mins," aniya tsaka kumuha ng tinidor at tumuhog ng hotdog tsaka binigay sa akin, "so let's eat."

Inabot ko naman ito. "Po?"

Para kaming sira na nagmamadali kumain dahil may susundo daw samin in 10 minutes! Ano yun? Kapitbahay lang ba susundo samin?

"Wear that dress," aniya pagkatapos naming kumain.

"Ay nako sir, okay na ko sa uniform-"

"Stop talking back. Just wear it!" Aniya tsaka tumayo at lumakad paakyat ng hagdan.

Nagmamadali naman akong naglinis ng pinagkainan namin at nagpuntang kusina.

"Leave the dishes! Go to your room and prepare!" Dinig kong sigaw niya.

"O-Okay po!" Ay nako, bakit ba kasi biglaan kung magdesisyon 'tong amo ko?!

Pababa na ako ng hagdan nang may nagdoorbell sa gate. Dali-dali naman akong lumakad palabas.

"Yes p-"

Hindi ko natapos ang sasabihin nang may humatak sa braso ko.

"Sir?" Sumenyas siya na manahimik ako tsaka kami tahimik na lumakad papuntang likod ng bahay.

Hawak pa din niya ang kamay ko hanggang makarating kami doon kaya tumikhim na ako.

"Ehem. Bakit po tayo pumunta dito sir?"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 09, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Grumpy Boss!Where stories live. Discover now