IV: I'm His Dog

23 3 0
                                    

Anong mas cute, Siberian Husky o Siberian cat? Fluffy! - 🐶

*

''Tama ba ang nakikita ko Wallace? Nakikipag--''

''Ma! Siya iyong kinukwento ko sayo a while ago.''

Hindi naituloy ng mommy ni Sir Wallace ang sasabihin nang biglang sumabat si Sir Edward. Muling ibinalik nito ang tingin sa akin kaya agad akong ngumiti at yumuko. Nakatanggap naman ako ng pagtataas ng kilay. Whine*

''She's Lyka. Kuya Ace's new personal maid,'' pagpapakilala pa sa akin ni Sir Ed sa ina.

''You're talking about Lyka with mom?'' Iritado at hindi makapaniwalang tanong ng aking amo.

Ngumiti ang kapatid niya tsaka lumapit sa akin. Nagulat maging ako man nang akbayan ako ni Sir Ed!

''Yep.'' Sagot nito pero sa akin naman nakatingin. ''Don't worry ma. I already checked her background for you and kuya. Clear po,'' dagdag pa niya na sobrang ikinagulat ko.

Hindi ko akalaing may ginagawa pala si Sir Edward na pagchi-check ng background ko ng hindi ko alam. Naku, ano kayang nalaman niya? Tatanungin ko nga siya mamaya.

''What the hell...'' Singhal ni Sir Wallace bago mabilis akong hinila mula sa pagkakaakbay ng kapatid. ''Bakit hindi mo sinabi sakin? I'm her boss!''

Nagkibit balikat si Sir Ed tsaka lumapit sa kanilang ina. ''Ngayon alam mo na,'' aniya. ''Okay na po ba sayo si Lyka ma? Approve?'' Tanong nito sa ina.

''Hm..'kay. Kung ayos naman pala e much better,'' aniya tsaka muling tumingin sa akin. ''But know your place dear. I don't want my son to have a relationship with just a maid,'' payo nito tsaka humarap na sa anak. ''And you Wallace, stop acting too close with your maid. You understand?''

Nakakatakot! Alam ko na kung kanino nagmana si Sir Wallace! Parang nangangain ng tao si madam! Ang totoo nanginginig na talaga ako at gusto ko ng magtago sa kumot!

''You don't tell me what to do with her. She's my servant and not yours. Let's go Lyka,'' sagot ni sir kay madam na ikinalaglag ng panga ko.

''What? Wait! Wallace anak! Sandali lang!'' Sinundan siya ng kaniyang ina habang naiwan naman kami ni Sir Edward sa kitchen.

Hala. Mukhang hindi talaga maganda ang gising ni sir at pati ang sarili niyang ina ay tinatabla ng kasungitan niya.

Nadinig ko ang pagtawa ni Sir Edward kaya napanguso ako. Dapat ba na pinagtatawanan niya ang nangyayari?

''Don't worry Lyka, mom may look like that but she's kind and innocent like you. Namiss niya lang si kuya,'' saad niya kaya nawala ang pagaalala ko.

''Sigurado ka ba dyan sir? Baka mag away kasi sila dahil lang sa nakita ni madam kanina.'' Baka iniisip niya na close kami ng anak niya when in reality ay hindi talaga namin magawang magkasundo. Ewan ko ba kasi sa amo kong iyon bigla nalang namimisil ng pisngi!

''Wala yun. Ganun naman si kuya sa mga naging maid niya e. Inaaway niya pero kinakaibigan din. Don't give it any meaning Lyka. Masasanay ka din.''

I wonder why parang tinusok ng karayom ang puso ko sa mga sinabi niya. Hindi ko naman binibigyan ng meaning ang ginawa ng amo ko kaya wala silang dapat ipag-alala. Wala. Parang sinasadya niyang pagselosin ako sa mga past maids ng boss ko.

Wow, selos Lyka? Really?

Dahil ayoko munang makisali sa bonding ng kanilang pamilya ay umakyat muna ako sa kwarto ni Sir Wallace para ayusin ito. Gaya ng inaasahan ay magulo ang kama at nagkalat ang mga suot niyang damit kanina sa lapag. Grabe si sir bente otso na makalat pa din.

My Grumpy Boss!Donde viven las historias. Descúbrelo ahora