"Hindi ko rin akalaing makikita ko siya ulit," mahina niyang sabi. Naalala ko naman ang sinabi ni Katrina kanina.

"She said you're her childhood friend."

Hindi naman na siya nagsalita pagkatapos no'n kaya nanahimik na rin ako. Makalipas ang ilang minuto ay nag-text si Kuya Larry na nando'n na siya sa parking area kaya naman naglakad na kami palabas. Nakasakay agad kami pero nagtagal kami sa daan dahil traffic. Napatingin ako nang saglit kay Jazer at nagtaka dahil hindi siya nagsusulat o nagbabasa ng lesson. Kadalasan kasi ay 'yon ang ginagawa niya kapag nasa byahe pero ngayon ay nakatulala lang siya. I'm sure it's because of Katrina.

Pagdating namin sa bahay ay naabutan ko ang mga bubwit na nagtatakbuhan sa sala. Clark was starting to walk or run more comfortably, though he sometimes, he would still tumble due to his speed. Czanelle, on the other hand, kept on teasing Clark by running too fast and climbing on the couch.

"Ate! Kuya!" sigaw niya nang makita niya kami. Tumakbo silang dalawa papunta sa amin at iniwasan ko naman sila dahil kagagaling ko lang sa sakit at baka mabinat pa ako.

Iniwan ko sila ro'n at si Jazer ang ginulo nila. At least, nakangiti na ulit siya ngayon at 'di tulad kanina na para siyang namatayan. Wait, ano namang pakialam ko sa kanya?

Dumiretso ako sa kwarto ko at pagkatapos kong magpalit ay humiga ako para magpahinga pero ang daming laman ng isip ko ngayon. Bumangon ako at dumiretso sa study table. I opened my laptop and searched for Katrina's profile. After stalking for a bit, I learned that she's from Pangasinan and went to Manila three years ago. She also posted a status saying,

When you miss people, you will realize you could never bring the past back anymore, the way things were. So when you see them again, the rush of memories will haunt you and you can't do anything because you have already drifted apart. You're not the same person anymore, as well as him.

Obviously, she was talking about Jazer. Wala naman akong pakialam sa mga ganito dati pero dahil involved ang dalawang taong lagi kong nakakasalamuha ay naging curious ako sa kung ano ang meron. Based on her status, they have drifted apart, maybe because she went to Manila.

Pinatay ko ang laptop ko matapos no'n at saglit na lumabas ng kwarto. Sumilip ako sa baba mula sa hallway ng second floor at nakita kong nakikipaglaro pa rin si Jazer kina Czanelle at Clark. Nakita ko namang nakatingin si Nanay Meling sa akin. Her expression showed pity towards me so I avoided her gaze and went back to my room.

Siguro kung may makakakita sa kanila, iisipin nilang si Jazer ang kapatid nila kaysa ako. Mas close siya sa kanila dahil na rin siya ang babysitter at mas may alam siya sa bata. As for me, I was an only child before and I do not know how to take care of others. My parents left we when I was still a toddler so that made me resent them, and that rage intensified when they told me about my siblings. I also hated them at first but when I saw how they wanted to get close to me, the hate I felt turned into yearning—yearning for my family, someone who could look at me like they needed me in their lives. I tried getting close to them, I tried but the memories of my parents would prevent me to.

Bakit parang mas mahal nila sila? Bakit ako hindi? Bakit parang wala lang ako sa kanila? Those questions would invade my mind, making me envious of my siblings. Lalo kong naramdaman 'yon noong tumawag si Mommy sa akin para lang kumustahin sila. Paano naman ako? Sa loob ng ilang taon, ilang beses kong hinintay na tumawag sila para lang kumustahin ang kalagayan ko. Tuwing birthday at Christmas Eve lang naman sila nagpaparamdam pero bukod doon ay wala na. Kaya naman hindi ko na inasahan na magbabago sila. Just like what Katrina said, we have drifted apart.

Bago pa ako tuluyang maiyak ay tinanggal ko na agad 'yon sa isip ko at pinilit matulog.


***

Baby MadnessWhere stories live. Discover now