CHAPTER 1

1 0 0
                                    

2 years ago

"Waaah nakakakilig talaga silaaaa!!" Nagwawalang sabi ko. Kasi naman sobrang ganda talaga ng story nila. Biruin mo, sa isang nakakatakot na school pa sila nagkakilala tapo-
"Ano ba naman Martha! ansakit na ng katawan ko kakahampas mo!" reklamo ni Mikee ng nakangiwi sa sakit.
"Kasi naman nakakakilig talaga Mikee!" saad ko sabay upo sa upuan. Recess kasi namin at nagbabasa lang ako. Nag iipon kasi ako para sa MBIF para makabili ng mga librong gusto ko. Avid reader talaga ako dati pa. At etong kaibigan ko namang si Mikee sinasabayan din ako ngunit hindi ganoon ka obsessed. Apat na araw na lang kasi, mag iistart na ang event sa MOA at nandun lahat ng pinakamamahal kong Authors! lalong lalo na si Kuya DBy ko! yung Author nung favorite story ko! Irerelease na yung book niya at makakapag pa sign nako sakanya at magkakapicture na kaming dalawa baka pagtapos nun makita niya beauty ko at magkagus-!

"good afternoon class!" naputol yung pag iisip ko ng dumating si mam Lagarde na talaga namang pinakaaayokong guro dito sa Caloocan High grabe talaga trauma ko sa teacher na yan at talaga-!

"Good afternoon Villanueva!" bungad ni mam Lagarde sa harap ko. "g-good af-afternoon po m-mam!" nauutal na sabi ko sabay tayo. jusko ako nalang pala ang nakaupo kanina pa. pano ba naman kasi wala pang bell andito na tong guro na toh!
"Tulala ka nanaman baka gusto mong lumabas muna kung hindi kapa handang makinig sa mga sasabihin ko." taas noong saad niya.
"sorry po mam." pagyuko ko. tinalikuran niya ko at binigyan naman ako ng mga kaklase ko nang nakakalokong ngiti. Tuwang tuwa yang mga yan pag ako napapagalitan pano ba naman kase, dito lang sa teacher na toh ako nakikinig. Hindi naman ako bobo. Kasali ako sa Ranks dito sa room namin ngunit napakakulit ko lang talaga. Isa rin ako sa medyo loko loko dito sa room pero laging naaatasan na mamuno tuwing Pangkatan. Hindi naman kasi ako iresponsable, sadyang ang ingay lang talaga ng bunganga ko. Napag sasabay ko naman kasi ang pagbabasa ko ng mga libro at pag aaral. Dati na din akong nag ka boyfriend. Yung una, trip ko lang. Yung pangalawa, nagtagal kami ng mahigit 2 taon. Kaya lang, ayoko pa ng tinatali ako kaya nakipaghiwalay ako. Kaya heto ako ngayon, nagpapatali sa mga Fictional character mula sa mga libro. Masarap naman kasing mag enjoy, dapat nga hindi nagmamadali, ansarap ng gumagastos ka para sa sarili mo. At talaga namang pinag gagastusan ko ang mga libro ko. lalo na pag self pub ni Ate Jannah yan myghad si baby Ej ko! Nakakaiyak kasi ansakit sa bulsa, di naman kami mayaman pero di rin naman kami mahirap, tama lang.
Nang matapos ang klase, umuwi nako sa bahay. Nagjejeep ako dahil ayokong mapudpod ang sapatos ko. Kahit na sabihing nag iipon ako. Graduating na din pala ako, Hiwalay ang parents ko at dito ako sa lola ko nag iistay. Kaya naman kahit mag adik ako sa libro, ayos lang. Basta gusto kong makapag tapos at magsarili ang hirap kasi nang laging naiipit sa parents mo. Di pa naman sila laging nagkakasundo. Madami din naman akong kilalang galing sa broken family, ang nakapagtataka lang. Bat andami namin? Bat kasi mag papakasal sila at magkakaanak pero hahanap rin naman ng iba. Hindi ba? Well, siguro ganon nga talaga. Hindi pa din naman nagkukulang parents ko samen, nagbibigay naman sila ng sustento. Masaya naman ang buhay. Lalo na pag may libro sa buhay.

DEAR AUTHORWhere stories live. Discover now