Chapter Forty Seven

95.5K 2.7K 97
                                    

FORTY SEVEN

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

"You are actually the target, Livai." Naiyukom ko ang palad ko sa sinabing iyon ni Reu. Agad akong nakipagkita sa kanya nang malaman ko kagabi ang balita.

Her body was cremated because that's the wish of Papang. Hindi ko pa siya nakikita but I know he's in pain right now. Kahit ano pang nangyari, anak niya pa rin si Maria at alam kong mahal na mahal din niya ito.

"Kilala niyo na ba kung sino?" Tanong ko sa kanila.

"Hindi pa namin alam kung sino pero inaalam na namin kung may koneksyon ba ito sa mga kasong hinawakan mo noon." Sagot sa akin ni Reu. Huminga ako nang malalim at pilit na pinapakalma ang sarili ko.

"Livai, your life is in danger now. They killed her, ikaw ang target. Kung nagawa nilang patayin si Maria, hindi malabong kaya ka rin nilang patayin. You should do some actions now." Ani Reu.

Pakiramdam ko ay bigla akong naiyak. Ayokong madamay si Alex o kung sino man sa gulong ito. Bigla ay parang pinagsisihan ko ang mga bagay na ginawa ko noon, but no, I should not. I serve justice to people who seeks for it.

Nabali ang atensyon ko nang tumunog ang cellphone ko. Rumehistro ang pangalan ni Alex kaya agad kong sinagot iyon.

"Are you okay?" Iyon agad ang bungad niya sa akin. Ngumiti ako kahit na hindi naman niya nakikita.

"I'm okay, ikaw talaga. I told you this won't take long. Besides, mas gusto ko na ako na lang ang pumunta at baka kulutin mo pa si Lowella kung ano ba ang genders ng mga bata." I lied.

"I just want to make sure you are okay. Tawagan mo agad ako kapag may problema ha? I'm worried, love." Aniya. Hindi ko naman mapigilang hindi mapangiti sa sinabi niya.

"I will, Alex. O, baka mamaya mahuli ka na tumatawag sa trabaho at tanggalin ka." Biro ko sa kanya.

"Subukan lang nila, I love you, love. Tatawag ulit ako sa'yo mamaya." Sabi niya.

"I love you too, I miss you already, bye!" Sagot ko bago ko pinatay ang cellphone ko.

Napalingon naman ako kay Reu at lahat sila ay nakatitig sa akin.

"What? Hindi ba kayo nakikipaglandian sa asawa niyo sa cellphone?" Sabi ko sa kanila at tsaka ko sila inirapan.

"Paano mo nagagawang kumalma kahit nasa peligro na ang buhay mo?" Seryosong tanong sa akin ni Reu.

"I am smart, have you forget that?" I told Reu.

"Bilib na talaga ako sa'yo." Sabi naman niya.

"This is the plan, we are going to track those people I think that involve in this case. I have a list, mahirap pero we have to try." Sabi ko kay Reu at tsaka ko iniabot sa kanya ang isang papel na may mga pangalan ng sa tingin ko na gustong magtangka sa buhay ko.

"Ganitong karami ang gustong magpapatay sa'yo, Livai?" Gulat na tanong ni Reu sa akin.

"Mga nakasangla na sa impyerno ang mga kaluluwa ng mga taong 'yan." Sabi ko sa kanya.

"I will track these people as soon as possible." Aniya.

"May hiling din ako, Reu. Gusto kong bantayan mo sina Papang at pati na rin ang asawa mo. Alam kong may alam na sila. Ayokong pati kayo mawala pa sa akin." I told him.

"Paano ka?" Tanong niya sa akin.

"Kakayanin ko." I assure them.

"Gusto mo bang pasundan ka namin para mabantayan—"

Set You FreeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon