Chapter Twenty Four

131K 3.3K 335
                                    



TWENTY FOUR

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

Kanina pa kami magkasama ni Alex sa kwarto at kanina pa rin kami hindi nag-uusap. Nakasandal lang ako sa headboard ng kama habang siya naman ay nasa may veranda at naninigarilyo. Kung normal lang ang sitwasyon, kanina ko pa siya binatukan dahil ayoko talaga ng amoy ng sigarilyo pero paano ako makikipag-usap sa kanya kung kanina ko pa naririnig sa magkabila kong tenga ang sinabi niya sa akin kanina? Bwisit kasi 'tong lalaking 'to! Wala man lang grand entrance? Kailangan talagang agad-agad? Wala man lang hirit na pagluhod tapos labas ng singsing? Para ka talagang tanga, Maria! Sabi ng kabilang bahagi ng isipan ko.

Muli akong lumingon sa pwesto niya at ganoon pa rin siya, tahimik na naninigarilyo habang pinagmamasdan ang dagat.

"Kailangan ko siyang kausapin." Mahina kong bulong. Hindi pwedeng umabot pa 'to kinabukasan dahil lalo lang akong mahihiya. Kahit ganito naman kawalwal ang bibig ko, may hiya pa rin naman sa kaibuturan ng pagkababae ko 'no.

Huminga ako nang malalim bago tumayo at dahan-dahang lumabas sa may veranda. Tumabi ako malapit sa kanya at nang mapansin niya ako ay agad niyang pinatay ang sigarilyo niya. Kumuha ulit siya ng isang stick sa paketeng nasa may lamesa at muli iyong sinindihan. Palihim naman akong nagmura nang maamoy ko ang ibinuga niyang usok.

"Uhmmm.." Hindi ko alam ang sasabihin ko pero kailangan kong makipag-usap sa kanya.

"Seryoso ako sa sinabi ko sa'yo kanina." Sabi niya sa akin habang nakatanaw pa rin sa dagat.

"Bakit?" Sagot ko sa kanya. Bumaling naman siya sa akin ng tingin habang kunot ang noo.

"Anong bakit?"

"Bakit ako? 'Di ba ayaw mo sa akin dahil madaldal ako tapos wala akong class? Kumbaga sa Baclaran, class A lang ako sa sapatos. Hindi ako 'yong tipo mo na pang original." Sagot ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit pero natawa naman siya sa sinabi ko.

"Ano naman? Basta ang alam ko masaya ako kapag nandyan ka. Wala kang arte sa katawan. Hindi ka natatakot na tumaba kahit na patay gutom ka. You are always at my side when I need someone and you have goals in life. Kahit na hindi ka kagandahan, bawing-bawi naman sa sense of humor ang katawan mo." Sabi niya akin. Sinamaan ko naman siya ng tingin. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis sa pinagsasabi ng gagong 'to eh.

"Very wrong mo sa patay gutom na part." Nakasimangot kong sabi sa kanya.

"And I like your vocabulary. Kahit na minsan bakla na ang dating mo sa akin. You are far different to those women I had before. Iba ka kaya subukan mo akong iwasan, ako mismo ang kikidnap sa'yo. Ikukulong lang kita at aakitin magdamag." Sabi niya pa. Tumingin naman ako sa tinitignan niya at matagal na hindi nagsalita.

"Seryoso ka ba talaga sa sinabi mo? Baka kasi pinapaasa mo lang ako. Alam mo na, maraming pogi ngayon na kung hindi bakla, paasa at manloloko naman." Sabi ko sa kanya.

"Wala ako sa mga sinabi mo. Gwapo lang ako pero solidong magmahal 'to ng babae."

"Luh? Kakasabi mo lang na gusto mo ako tapos ngayon mahal agad? Pauso ka ha." Sabi ko sa kanya.

"Bakit, may sinabi ba akong mahal na kita? Ang sabi ko lang masarap ako magmahal, literal na masasarapan ka." Sabi niya sabay kindat sa akin. Kinurot ko naman ang tagiliran niya. Gago talaga 'to!

"Alex..." Bigkas ko sa pangalan niya. Lumingon siya sa akin at ganoon din ako.

"Natatakot ka ba?" Tanong niya. Tumango ako dahil totoo naman talagang natatakot ako. Natatakot na masaktan, paasahin at iwan. Sawang-sawa na kaya akong ma-UTI. Iyong tipong Umibig Tapos Iniwan.

Set You FreeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon