Bachelor Stories Series 6: Set You Free

305K 6.3K 883

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Do not distribute, publish, transmit, modify, display or create derivative works from or exploit the contents of this in any way. Please obtain permission from the author.

Started: June 2015-June 2017

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

NOTE: Some scenes are not suitable for minor readers, read at your own risk.

Prologue

"Ang hina mo naman, pare!" Humahalakhak na sabi ko kay Travis sabay lagok sa baso ng alak na hawak ko. He glared at me and I just gave him a ridiculous smile.

"Tangina n'yo, mga wala kayong kwenta." Naiinis naman niyang sabi sa amin. We were at his house right now to celebrate the birth of his second child. Si Aivan lang ang wala sa aming magpipinsan dahil buntis ngayon si Ara at ayaw niyang iwan ito. Tatlong buwan pa lang silang kasal at buntis na agad ang asawa niya. Damn you, Aivan! You're the man!

"Seriously, pare. Sundan mo na agad para makarami ka!" Ani Axcel kay Travis na mukhang lasing na. Namumula na kasi ang mukha niya at mas lalong lumalabas ang pagkamestizo niya. Blame Don Gabriel Felicisimo Montemayor III for that.

"Gago, hindi pwede, may family planning kami." Kaswal naman niyang sagot sa amin dahilan para magtawanan kaming lahat.

"Putang ina! Uso pa ba 'yang family planning na iyan? Baka magulat na lang ako at buntis na naman si Jeorge next month!" Asar ko kay Travis. Mabilis namang lumipad ang middle finger niya sa ere kaya mas lalo akong natawa.

"Hindi na uso 'yan! Ako nga, sinundan ko na agad para makarami kami." Lasing na sabi ni Axcel.

"Hanggang dalawa lang muna ako, maselanan magbuntis ang misis ko at ayoko namang mahirapan siya sa panganganak." Umiiling na sabi ni Kuya Greg. Bumaling naman ako ng tingin kay Symon at Shaun na mahinang nag-uusap. Masyado kasi silang malihim sa mga babae nila kaya wala kaming balita sa kanilang dalawa. Ako naman, I'm still enjoying being a bachelor. Dad was okay with that dahil mas matututukan ko ang Montemayor Empire. Ang mommy ko naman, kinukulit na ako kung kailan ko siya bibigyan ng apo. Damn, I was just twenty six years old and I don't have any plan to settle down.

"Pare, do you still remember when we got circumcised?" Natatawang tanong ni Axcel sa akin. Hell, I'm not going to forget that day!

"Umiyak si Travis!" Sabi ko at tsaka muling napuno ng halakhakan ang paligid namin. Travis just gave us a poker face. Hindi naman kami matigil sa pagtawa dahil iyak noon nang iyak si Travis nang matuli siya. Sa aming magpipinsan, siya lamang ang bukod tanging umiyak nang matuli. That was one of those memorable experiences we had in our childhood life.

"Paanong hindi ako iiyak, hindi naman tumalab iyong anesthesia!" Nakasimangot niyang sabi sa amin.

"Pare, that was embarrassing! Pinagtitinginan pa tayo noon sa ospital dahil hindi ka mapatahan ni Tita Celestine kasi sabi mo ang sakit!"

"Sige lang, tumawa lang kayo, may araw din kayo sa akin!" Inis niyang sabi at tsaka uminom sa basong hawak niya.

"Pero seryoso, Travis. Congratulations on your baby boy! Mayroon ng Travis Kiel Montemayor III sa mundo. Napakamalas na bata, kapangalan ng siraulo niyang ama!" I said, laughing at him. Itinaas ko naman ang baso ko at ganoon din sila.

"For my son!" Saad ni Travis at tsaka namin nilagok ang laman ng mga baso namin.

Tumitig naman ako sa kanya at tsaka ngumiti. "How does it feel to have a son, Travis?" I asked. Sa magpipinsan kasing mga lalaki, ako, si Symon at Shaun na lamang ang walang lovelife. Ang iba naman ay mga bata pa katulad na lang ng kapatid ko pero katulad ko, kaliwa't kanan din ang mga babae niya.

"Perfect, Xander! I actually cried when I heard his cries, para bang mas lalong naging kumpleto ang buhay ko dahil sa mga anak ko. Bakit ba kasi ayaw mong mag-asawa na para magkaroon ka na rin ng sarili mo? Nasaan na ba si Maria at bigla na lang atang nawala?" He suddenly asked. I was stunned and my smile faded on my face when I heard her name.

"I don't know." Halos pabulong kong sabi sa kanila.

"Man, maraming babae ang nagkakandarapa sa'yo at hindi ka mauubusan!" Sabi naman ni Axcel sa akin. He's right, there's a lot of girls there. If I want to get laid, I always have a list of pretty women who were animal on bed. Madali lang na bagay pero hindi pa rin mawala sa isip ko ang magkaroon ng sariling pamilya at lumagay sa tahimik. I actually envy Travis but I know that one day, I will have my own family just like them. Iyong masaya at mamahalin ko nang sobra.

"Move on, pare." Kuya Greg tapped my shoulders. I just shook my head. Siya ang nang-iwan at hindi ako tanga para magpakatanga sa isang babae na pinaglaruan lang naman ako.

"I have already moved on. She's just nothing to me now."

****

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)  


Set You FreeBasahin ang storyang ito ng LIBRE!