Chapter Nineteen

132K 3.4K 266
                                    


NINETEEN

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

"Para kang tanga, Alex! Tigilan mo ko ha, wala akong oras makipaglaro sa mga ganyan mo." Sabi niya nang hindi niya kayanin ang mga titig ko. Natawa naman ako at nanatiling nakatayo sa gilid niya.

"I told you, hindi ko gusto ang mga babaeng tulad mo. You are too loud at nakakahiya kang iharap sa maraming tao. You are not even pretty and you're too plain." I told her. Walang sabi-sabi naman niya akong kinurot sa may tagiliran ko.

"Namimihasa ka sa kakalait sa akin ha! Kapag may pumatol talaga sa ganda ko, hinding-hindi na kita papansinin!"

"Totoo naman kasi." I said, still laughing. Hinawakan ko naman ang tagiliran ko dahil masakit ang pagkakakurot niya roon.

"Eh ano naman kung maingay ako? Kung mahal talaga niya ako, tatanggapin niya lahat ng pangit sa akin. Palibhasa ikaw, puro ka lang landi kaya hindi mo alam 'yon. Tsaka ikaw nga, Alex, tigilan mo ako sa kakaganyan mo dahil kahit may gusto ako sa'yo, hindi kita papatulan 'no!" She said and suddenly her eyes widened when she realized what she said to me.

"You like me?" I teased her.

"Hoy ha! H'wag makapal ang mukha! Gusto lang kita kasi sino ba naman ang hindi magkakagusto sa'yo? Gwapo ka, may matinong trabaho tsaka yummy mo kaya pero hindi ako patay na patay sa'yo para isipin mo na gagawin ko lahat para lang sa'yo." She said and I suddenly wonder why she speaks so fast.

"But still you like me." Nakangisi kong sabi sa kanya.

"Oo na, oo na! Sige na, doon ka na sa sala at iniistorbo mo lang ako." She said to me.

Nakangising sumunod na lamang ako sa sinabi niya. Umupo ako sa sa may sofa at binuksan ang T.V at inilagay iyon sa NBA channel. Hinubad ko ang sapatos ko at ipinatong ang mga paa ko sa coffee table. Minsan ay nililingon ko siya at nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin. Kinikindatan ko naman siya at sisimangutan niya lang ako. Natatawa na lang ako kapag ginagawa niya iyon.

Lumipas ang oras at naaamoy ko na ang niluluto niya. Doon lang ako nakaramdam ng gutom at para bang gusto ko na agad kumain.

Lumingon ako at nakita ko siyang naghahain ng pagkain sa lamesa. Tumayo naman ako para tulungan siya.

"H'wag na, ano ka ba. Bisita ka kaya umupo ka na lang diyan." Sabi niya sa akin. Wala rin naman akong nagawa kaya umupo na lang ako.

"Mukhang masarap 'to ah?" I told her while looking at the foods in front of me.

"Syempre, luto ko 'yan! Kain na tayo, alam ko namang kanina ka pa gutom." Sabi niya sa akin at tsaka umupo sa tabi ko.

Siya pa mismo ang naglagay ng kanin sa plato ko at pakiramdam ko ay mayroong nag-aalaga sa akin.

"Kain na!" Nakangiti niyang sabi. Tumango naman ako at nilagyan ng pritong isda ang plato ko.

"Lagyan mo 'yong kanin mo ng mongo, masarap 'yan." Nakangiti niyang sabi sa akin. Sinunod ko naman siya at nilagyan ang kanin ko ng mongo.

Nang tikman ko iyon ay tama nga ang sabi niya. Masarap iyon lalo na ng lagyan ko pa ng isda.

"Sarap 'no?" Nakangiti niyang sabi sa akin. Tumango naman ako at nagpatuloy sa pagkain. Napansin kong nagkakamay lang siya kaya napatitig ako sa kanya.

"Bakit?" Tanong niya nang titigan ko siya.

"Bakit nagkakamay ka?" Tanong ko.

"Hindi ka pa nakakagamit ng kamay kapag nakain?"

Set You FreeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon