Chapter Twenty

145K 3.5K 155
                                    


TWENTY

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

"Bakit ba kasi hindi ka namamansin? Kanina pa ako nagsasalita rito, ayaw mo akong pansinin." Paulit-ulit na tanong niya sa akin. Simula ata nang magpunta siya rito sa unit ko, hindi na siya tumigil sa kakatanong sa akin kung bakit hindi ko siya pinapansin.

"It's simply because I don't want to disturb your precious moments with that asshole and I wanted to be alone but you came here." Walang gana kong sagot sa kanya.

"Hoy grabe ka, may pangalan naman 'yong tao. Ikaw nga, hindi naman kita pinapaalis tapos umalis ka naman. Ilang araw ka na bang hindi nagpaparamdam sa akin? Lima? Dahil ba sa ano? Dahil sa sinabi kong gusto kita?" She said. Humarap naman ako sa kanya at tinitigan siya.

"It took only ten seconds for you to say so many things." I said, a bit annoyed. Nabigla naman ako nang bigla niya akong kurutin sa tagiliran.

"Ikaw, ang sungit mo! Ikaw na nga ang dinalaw, ikaw pa ang mag-iinarte." Nakairap niyang sabi sa akin.

"Bakit? Sinabi ko bang dalawin mo ako? Bakit hindi mo dalawin iyong nanliligaw sa'yo?" Masungit ko pa ring sabi sa kanya. Muli kong ibinaling ang mga mata ko sa T.V na pinapanood ko at hindi siya pinansin.

"Nakakainis ka, Alex. Kaya nga ako dumalaw dito kasi namimiss na kita tapos pinagtatabuyan mo naman ako." Nagtatampo niyang sabi.

Pakiramdam ko naman ay biglang namula ang buo kong mukha dahil sa sinabi niya. Bakit naman ako mamimiss ng babaeng 'to?

"Nagluto pa nga ako para lang sa'yo tapos simpleng thank you lang wala pa akong natanggap mula sa'yo. Alam mo, kapag dumating iyong time na mawawala na ako, siguradong mamimiss mo ako." Sabi pa niya.

Kumunot naman ang noo ko at humarap sa kanya.

"Aalis ka?" Tanong ko. Bakit hindi niya sinabi sa akin na aalis siya? Paano na lang kung hanapin ko siya bigla, saan na lang ako magsisimula kung wala akong alam?

Bigla akong nakaramdam ng inis.

"Gaga, hindi! Siyempre, malay mo mamamatay na pala ako bukas, sa susunod na lingo, buwan o sa isang taon. Wala namang may alam kung kailan tayo mamamatay 'di ba? Kaya paano na lang kung mawala ako bigla, hindi mo na matitikman ang masarap kong luto." Sabi niya at nakahinga naman ako nang maluwag.

Akala ko aalis, hindi naman pala.

"Drama mo." Sabi ko na lang sa kanya at hindi naman siya sumagot. Tumayo ako at kumuha ng plato at tinidor. Kanina pa ako hindi nagugutom at kanina ko pa naamoy ang dala niyang pagkain. Walang sabi akong kumuha ng pasta na dala niya at bumalik ulit sa pwesto ko.

"Ang arte, kakainin mo rin naman pala!" Sabi niya nang makita niya ako.

"Mukhang masarap tsaka gutom ako."

"Anong mukhang masarap? Masarap talaga 'yan!" Sabi pa niya. Nagulat naman ako ng agawin niya ang tinidor ko at kainin ang pagkain ko.

"Pagkain ko 'yan." Nakasimangot kong sabi sa kanya.

"Ito naman, tinikman ko lang kung talagang masarap. Infairness, ang sarap pati ng laway mo." Sabi niya sa akin at tsaka ibinalik ang tinidor ko.

"Baliw ka talaga." Sabi ko na lang sa kanya.

"Ay alam mo ba, niyayaya ako ni Gab na mag out of town kami pero ayaw ko pa kasi haler, hindi ko pa siya masyadong kilala tapos sasama agad ako sa kanya? Ang pangit naman ng dating ko hindi ba, parang ang kaladkarin ko lang tignan." Sabi niya sa akin.

Set You FreeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon