Chapter Twelve

151K 3.6K 186
                                    


TWELVE

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAKo)

"Saan ba kasi tayo pupunta? Tangina naman, natutulog ako sa bahay tapos guguluhin mo ako." Nakasimangot na reklamo ni Travis sa tabi ko. Hindi siya pumasok ngayong araw dahil tinatamad siya kaya ginulo ko siya sa bahay nila. I told my driver to stop at the nearest flower shop before going to mall. Mahilig kaya ang babaeng 'yon sa mga regalo? Lahat naman ata ng mga babaeng dumaan sa buhay ko, kilig na kilig kahit hindi ko niligawan. Hindi ko lang alam sa babaeng 'yon kung bakti ganoon katigas.

"Manliligaw." I replied.

"Manliligaw? Parang tanga naman 'to! Manliligaw ka lang dapat kasama pa ako? Ano? Tatay mo lang ako?" Lalong sumimangot ang pagmumukha niya.

"Hindi ba nililigawan mo si Jeorge? Gusto kong malaman kung paano ligawan ang mga babaeng tulad nila. Maria's just like Jeorge but she has no big mouth like your girlfriend." I told him and he just glowered at me.

"In addition, Maria has a gun." Dagdag ko pa.

"Sus, ang hirap naman pakiligin ng babaeng 'yon. Lahat na nga ibinigay ko pati katawan ko pero wala namang epekto." Sabi niya sa akin.

Kumunot naman ang noo ko.

"Pati katawan mo? You mean you two had sex?" I asked confusedly.

"Tarantado! Syempre, matik ng tinanggihan ang katawan ko! Ewan ko ba, naghubad na nga ako sa harap niya wala pa rin eh. Kung alam ko lang, pakipot lang ang babaeng 'yon." Sagot niya. Natawa naman ako sa sinabi niya. Hindi ko man aminin, but I'm comfortable when I'm with Travis. I know sometimes he's stupid but he's my favourite comrade kahit na wala siyang kwentang kausap minsan.

"Pero alam mo, Xander. Si Jeorge, ayaw niya ng masyado akong gumagastos para sa kanya kasi alam niyang hindi naman sa akin iyong pera na ginagastos ko. Gusto niya kasi, pupunta ako sa bahay nila tapos pagsisilbihan niya. Minsan nga, iniisip ko na patay na patay siya sa akin pero pakipot lang. Alam mo na, mapride ang babaeng iyon kaya ako nagbababa ako lagi ng pride ko para sa kanya. Tangina pare, mahal ko na nga ata siya eh." Travis confessed to me. Natawa naman ako dahil alam kong tinamaan na ang gagong 'to kay Jeorge. Since we were kids, si Jeorge na ang babaeng lagi niyang nakikita at alam ko kung bakit. She likes her especially her guts.

"You don't know how happy I am when I'm with her, kahit pa lagi niya akong kinakawawa pero maniniwala ka ba na kahit matigas ang babaeng iyon, nahalikan ko na?" Nakangisi niyang sabi.

"Nice Ravis, iba talaga ang kamandag mo. Saan mo naman nahalikan?" Sabi ko naman sa kanya.

"Syempre, sa pisngi lang! Alangan namang sa lips, sabi ko naman sa'yo na maaga ako mamamatay dahil sa kanya." Tumatawa niyang sabi. Umiiling na natatawa na lang ako sa sinabi niya. Gago talaga ang unggoy na 'to.

"What do you think I should do, bro?" I asked him. Seryoso talaga akong ligawan si Maria.

"Hindi talaga ako makapaniwala na ang isang Alexander Arthur Montemayor ay humihingi sa akin ng advice. I feel so expert right now when it comes to women." Nakangising sabi ni Travis.

"Bilis na, I will treat you after this." Sabi ko at agad naman siyang pumayag. Patay gutom talaga ang gagong 'to.

"Ganito lang 'yan pare, what you need to do is effort. Lagyan mo lang ng effort lahat ng ginagawa mo, hindi iyong bibili ka na lang basta ng bulaklak tapos ibibigay mo sa kanya. Make love letters, cook for her at tsaka mo landiin. Ganoon lang kadali, bro!" Sabi niya sabay kindat.

"Gusto mo bang magtanim pa ako ng bulaklak para lang sa kanya?" I asked, seriously.

"Gago ka ba? Syempre hindi! Tama nga si Din, bobo ka." Sabi niya sa akin.

Set You FreeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon