Gulatin ko kaya siya? For sure sasabog siya sa galit pag ginawa ko iyon. Napangisi ako sa isip ko. Huwag na lang.

Lumalumbaba ako sa lamesa habang pinagmamasdan siya. Nakatalikod siya kaya kitang-kita ko ang bawat paggalaw ng muscles niya sa braso at likod. Napalunok ako nang mapagmasdan ko ang suot niya.
Shit! Bakit ngayon lang nag-sink in sa utak ko kung ano ang suot niya. Kitang kita ang muscles niya.

Napakagat labi ako. Nakakabusog talaga siyang titigan. Kanin na lang ang kulang. Kahit siya na lang ang ulam ay sapat na. Nagningning ang aking mga mata sa naisip.

Topless siya! Nakasuot lang siya ng Boxer at apron pero sobrang umaapaw parin ang kagwapuhan niya. Shit! Pati muscle niya sa kaniyang katawan ay nagsusumigaw ng 'hawakan mo ako, hawakan mo ako'

Pilit kong sinisilip ang abs niya pero hindi ko makita. Napasimangot ako. Ano ba baby! Tumagilid ka naman ng konti para naman masulyapan ko ang pandesal mo. Paniguradong isang sulyap lang busog na agad ako.

Napakagat ako sa aking labi nang may naalala ako. Naalala ko tuloy ang bawat paggalaw niya kagabi. Ang bawat paghaplos ko sa kaniyang katawan. Ang bawat paghawak ko sa kaniyang mga matitipunong braso para makakuha ng suporta sa bawat pag-ulos niya. Napadiin ang pagkakakagat ko sa aking ibabang labi. Napapikit ako nang madiin at tsaka napailing.

Ganito ba talaga pag may experience na? Nagiging manyak na yata ako.

"Shit!" sabay naming mura ni Tyron.

Napabalik ako sa realidad sa nangyari. Ano ba itong iniisip ko. Pinagmamasdan ko lang si Boss Tyron pero iba na agad ang pumapasok sa utak ko. Mula sa pagkakatulala sa kawalan ay bumalik ang tingin ko kay Tyron. Nang magtama ang paningin namin ni Boss ay muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko.

Bakit ganiyan siyang makatingin sa akin? Mukha niya akong kakainin ng buhay dahil sa tinging ibinibigay niya. Napalunok ako. Seryoso lang niya akong pinagmamasdan. Hindi ko mawari kung galit ba s’ya o hindi?

Nag-aalab ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. Napansin ko ang paglunok niya at ang ginawa niyang pagpasada ng tingin sa kabuuan ko. Nagtagal ang tingin niya sa aking dibdib. Napasinghap ako sa kaniyang ginawa. Agad kong hinarangan ng braso ang aking hinaharap. Napansin ko ang pagngisi niya. Tumikhim siya.

"No need to hide it baby. Nakita at nahawakan ko na iyan" nakangising sabi niya sa akin. Ramdam ko ang pamumula ng mukha ko sa kaniyang sinabi. Wala din talagang preno ang bibig niya.

"B-bastos" nauutal na sabi ko.

Naglakad siya palapit sa akin. May sumilay na ngiti sa kaniyang mukha. Habang papalapit siya sa akin ay hindi ko maiwasang kabahan. Mukha siyang may binabalak na masama. Plano niya bang ulitin ang ginawa niya kanina?

"Tyron"

"Why?" mahinang tanong niya.

Napatitig ako sa kaniya, nakita ko ang malamlam niyang mga mata. Pinagmasdan ko siya. Maamo ang kaniyang mukha at wala kang nakikitang pagsisisi. Bumilis ang pagtibok ng puso ko noong makitang nasa harapan ko na s’ya.

"Pwede ba tayong mag-usap?" kinakabahang tanong ko sa kaniya.

"Nag-uusap na tayo, ah." napairap ako sa isinagot niya.

Pilosopo!

"Seryoso nga kasi" naiinis na sabi ko.

"I'm dead serious." malamig na tonong sabi niya. Mula sa pagkakangiti ay naging seryoso ang mukha nito. Napailing na lang ako sa nakita.

Grabe! Ang bipolar talaga niya!

"Oo na! Oo na! Seryoso kung seryoso. Basta may itatanong ako sayo, pwede ba?" nginisian niya lang ako.

The Billionaire's SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon