Dagli 17: Muli

1.5K 10 1
                                    

Wala kong ibang nais kung hindi ang pagmasdan muli ang iyong mga ngiti, naalala ko noong kahit anong problema ang pagdaanan mo sa buhay nananatili ka pa ring positibo sa lahat. 

"Anak, kakain na" tinatawag na ako ni Inang. Ngunit hindi ko maiwan ang litrato sa aking silid.

"Anak, kakain na" rinig ko pa rin ang hikbi ng aking Ina sa kanyang paghihinagpis.

"Susunod po ako, sandali lang po!" Hiyaw ko. Ngunit narinig kaya niya ako?


Pumasok siya sa aking silid, sabay naming pinagmasdan ang litrato. Kinuha niya ito umupo sa kama, tumabi siya sa akin, umiiyak pilit sinasabing "kakain na mahal ko, naghanda ako ng paborito mong ulam" 


Nalungkot ako para sa kanya hindi ko alam kung paano ko sisimulan muling mabuhay kung ang ninais ko ay mamatay. 


Paalam Ina, hanggang sa muli nating pagkikita. Ingatan mo ang litratong 'yakap mo. Iyan na lamang ang maibibigay ko sa iyo. 

DAGLITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon