Dagli 7: Mahirap Kalabanin ang Sarili

8.1K 12 2
                                    

"Hindi madali ang lumaban, mas lalo na puso mo ang siyang nag-aasam"

Mahirap matukso. Mahirap pilitin ang di mo gusto. Mahirap piliin ang tama gayon ang gusto mo ang mali sa mata ng iba.

Kalaban ko ang aking sarili. Kinakalaban ko ang bugso ng aking damdamin. Nagtataka nga ako kung paano ko nakakayang gawin ang mga bagay na siyang alam kong mali sa akin at mali sa paningin ng iba.

Natutukso ako sa ibang babae ngunit may kasintahan ako. Hindi ko alam kung bakit parehas ko na silang mahal. Alam kong mali ang aking ginagawa dahil sa totoo lang hindi ko kayang pigilan ang aking sarili. Nahihirapan akong piliin kung sino ba talaga sa kanila ang gusto kong makasama.

Nahihirapan ako dahil hindi ko alam kung ipagpapatuloy ko pa. Alam kong kapag nalaman nila na dalawa ko silang mahal ay paniguradong iiwan nila akong tuluyan. Ngunit hindi ko alam kung sino ang una kong susuyuin kung sakaling mangyari ang ganitong sitwasyon.

Si Margarita ang babaeng una kong niligawan. Siya ang tipo ng babaeng may katalinuhan at may kagandahan. Si Elisa naman ang babaeng pangalawa kong inibig. Simple lang siya at maganda rin. Di ko rin alam kung bakit parehas ko silang inibig. Nahihiya ako sa aking sarili. Nahihiya ako sa mga kaibigan kong alam kong nadidiri na rin sa akin.

Hindi ko mapigilang hindi sila itext pareho. Natukso lang ako sa isang babaeng dapat hindi ko na inibig pa. Paano ko ititigil to? Paano ako titigil sa kahibangan ng aking damdamin. Kung parehas ko silang iniibig. Kung parehas akong nahihirapang pumili.

Paano na ako titigil kung parehas din nila akong iniibig?


DAGLITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon