Dagli 10: JAM

2.6K 9 0
                                    

Lagi akong sabik makita ang mga titser ko, lagi rin akong sabik matuto. 

Sa tuwing papasok ako, lagi akong nakikinig kay Ma'am. Kaso sa tuwing nagtataas ako ng kamay di naman niya ako tinatawag. Gusto ko pa naman sumagot kasi magagalit na naman si Papa sa akin pag may mababa akong grades. 

Mababa na ba ang 87? Lagi kasing gusto ni Papa na 90 pataas ang grado ko, kaso di ko naman nakukuha yung ganung grade.

 Kinausap ko si Samuel kaso nung una di niya ako pinansin. "Sam"

"Bakit?" 

"Laro tayo, tapos sabay tayo kumain" Pagkatapos kong magsalita ay bigla siyang tumakbo papalayo. Akala ko pa naman bati na kami. Umuwi na lang ako mag-isa. Hindi ko alam bat hindi ako sinundo ni Mama


Pauwi na ako ng bahay, pagdating ko nakita ko si Sam at ang kanyang Nanay.

Kakausapin ko sana sila kaso,







"Mare, ipagdasal natin si Jam. Sasabihin ko sa iba. Nako! baka hindi niya pa alam na wala na siya"







Hi! Salamat sa muling pagbasa. Kung nais mo pang magbasa nawa'y iyong mabasa ang aking gawa na "Letter A-Z" Mga liham yan ng isang babae na gustong sabihin niya sa kanyang mga ex-boyfriend! Salamat! Vote na! 

DAGLITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon