Dagli 2: SINAWI

7.9K 34 2
                                    

Paano ko sasabihin ang di dapat sabihin? Paano ko ipagtatapat ang hindi naman dapat ipagtapat? Paano ko aaminin kung hindi ko naman dapat aminin? Paano ako magiging masaya kung sa loob ko kailangan ko ng maging malaya?

Nakita ko si Andrew na masaya. Kagaya pa din siya ng dati matipuno at mistiso. Walang sabi-sabi ay kinausap niya ko na tila walang namagitan sa amin.

"Kamusta ka na?" Masakit ang salitang kamusta kapag sinabi sayo ito ng dating sinasabihan kang Mahal Kita.

"Ayos lang ako"

"Buti naman sige ingat ka alis na ko ah"

Hinayaan ko na kung anong pwedeng mangyari. Masaya na ko sa bawat bukas na tatahakin, kasama ang isang masayang iniwan niya sa akin.

"Anak, yun ang daddy mo masaya na siya kaya dapat masaya din tayo kahit wala na siya sa atin"

Dagli #2

DAGLITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon