Dagli 4: KATULONG

6.2K 21 2
                                    

Late na naman ako sa trabaho, may urgent meeting pa na man ako ngayon kailangan ko mag madali. Pinasok ko na ang mga kailangan ko sa sasakyan, mga papeles, bag sapatos, at cellphone. Kinausap ko si Manang Aida may mga binilin sa kanya na maari eh, gawin niya agad.

"Manang, wag niyo po kalimutan ayusin yung kwarto ko bakit kahapon hindi mo inayos?"

"Sensya na po"

"Sige aalis na ko"

Binilinan ko din ang lahat na magayos ng bahay. Pasakay na ako ng kotse ng may tumawag sa akin.

"Sir!Sir!"

"Oh bakit?"

 "May iniwan po si Manang Aida  na sulat sa lamesa niyo kahapon, akala ko po nabasa niyo na"

"Sige makakaalis ka na"

Nagulat ako sa aking nabasa,

"Sir, uuwi na po ako ng probinsya may sakit po ang asawa ko kailangan kong puntahan pasensya na po hindi ko naayos ang kwarto niyo"

DAGLITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon