Dagli 11: Jeepney

2.8K 11 4
                                    


Kulang na kulang ako sa tulog. Ayaw ko kasing bumagsak sa Long Quiz ni Gng. Jimenez, sobra-sobra ang pagrereview ko para lang pumasa 'don. Ikaw ba naman sabihan ng kung ano-ano.

"Nak, bat ganyan mata mo? Mukha ka ng di natulog ng ilang araw"

"Ayos lang po ito Nay." Sabay unat ng katawan.

Kagaya ng nakagawian, maliligo muna ako bago kumain at diretsyo na sa eskwela para matuto muli

"Nay! Aalis na po ako"

"O sige na, mag-ingat ah"

"Opo"

Lahat ng jeep na pinapara ko ay puno, baka dahil dito ay mahuli pa ako sa klase. Buti na lang! May isang jeep na sobrang luwag, pang-apat lang ako na pasahero. Isang matandang babae at mag-ama ata kaso yung babae tulog, nakasandal sa balikat nung lalaki.

"Bayad po"

"San 'to?"

"Sa ABC University lang po" Sabay tingin ko sa mag-ama.

Habang umaandar ang jeep nakatingin lamang sa akin ang matandang babae. Hindi naman ako kinakabahan pero nakakaramdam ako ng kakaiba. Ano bang meron sa jeep na 'to? Kanina may sasakay pero inandar ni Manong Tsuper yung jeep niya. Ano ba talagang meron?

"Miss"

"Po?"

"Sumama ka sa akin"

Ngayon nararamdaman ko na yung kaba, yung ibang klase ng kaba.

"Bat po ko sasama sa inyo?"

"Sumama ka na"

Nang tumigil ang jeep ay hinatak ako ng matandang babae at sobrang higpit ng kanyang pagkakahawak sa akin

"Bitawan niyo po ako"

"Hindi mo ba napansin?"

"Po?"

"Dapat di ka na sumakay kung ayaw mong magaya ka sa babaeng katabi nung lalaki"

"Di ko po kayo maintindihan?"

"Pano mo malalaman, sa akin ka nakatingin, hindi mo alam na nakatingin sayo yung lalaki pano kung ikaw ang isunod niyang biktimahin?"

Kinilabutan ako. Buti na lang... buti na lang.... 

DAGLITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon