Dagli 13: DALAMPASIGAN

2.2K 4 0
                                    

Sandali lamang, hindi po ako ang gumawa ng idea para sa topic na ito, si MyBin21 po! Ako lang ang nag-revised nilagyan ko lang ng dialogo at ibang eksena. Salamat!

Pinakita ko sa kanya ang traje de boda na pinili mo noon para sa akin. Habang lumalakad kami papalapit sa munting dalampasigan, ngumiti siya sa akin.

"Napakaganda naman pala ng iyong damit, at napakagaling niyang pumili"

"Tama ka"

Ipinagpatuloy ko ang aking kwento, ang pagpunta natin dito sa Burias Masbate at ang masayang alala at pagtingin sa ganda ng dalampasigan.

"Naaalala mo pa ba siya?"

"Hinding-hindi ko siya makakalimutan, sa lugar na ito, ang tubig dagat ay kasing linaw at linis ng aming pag-iibigan.

"Ngunit nasaan na siya ngayon?"

Maraming bagay ang di kayang ipaliwanag, maraming pagkakataon ang di mo maiintindihan.

"Sa mismong lugar na ito, dito ko siya unang nakita at dito ko rin siya huling nakita"

"Ibig sabihin nandito pa siya"

"Wala na" Sabay tingin sa buhangin at nagbalik ang lahat ng masasakit na alaala

"Dito siya kinuha, ang dagat ang mismong saksi kung paano siya nawala"

"Kinuha siya ng dagat?"

"At ni minsan, hindi ko na siya muling nakita pa"

Limang taon na ang nakakaraan. Nguni tang pagmamahal ang lubos na nangingibabaw

"Ma, wag ka na umiyak. Makikita rin natin si Papa"

Sana ganon kadaling bumalik ang lahat, kahit ang paghilom na lang ng sugat sa puso kong patuloy na nag-aasam


DAGLITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon