Dagli 9: SI NINAY

3.6K 12 1
                                    

Si Ninay ang isa sa aking matalik na kaibigan. Hindi lamang isang matalik na kaibigan ang tingin ko sa kanya, sa totoo lang mahal ko na siya. 

Simula no'ng High School kami gusto ko lagi siya ang kasama. Siya lagi ang nagpapalubag loob sa akin kapag may problema ako. Kaya nalulungkot ako kapag uuwi siya sa Papa niya sa Amerika.

Sa tuwing iniisip ko siya, nakikita ko ang ganda ng kanyang mukha. Ang mapupula niyang labi at makinis na pangangatawan. 

Wala akong ibig mahalin kung hindi siya lamang. 



"Tommy" Sabay ngiti sa akin. 

Sa sobra kong pagnanais na mapasaakin siya hindi ko man lang inisip kung mahal din niya ba ako. 

"Bakit?" Sabay ngiti ko sa kanya. 

"Wala. May sasabihin ako" Ngunit may bahid ng lungkot sa kanyang matamis na ngiti. Kinabahan ako bigla.

"Ako rin" Sambit ko na siya naman niyang ikinagulat.

"Parehas pala tayong may sasabihin, mas mabuting mauna ka na"

Pero hindi ko kayang mauna Ninay. Baka, iyon naman ang siyang ikalayo mo sa akin pag sinabi ko na.

"Mas mabuting mauna ka na. Ano ba yun Ninay?"

"Mahal kita"

Ang pintig ng aking puso ay tuloy-tuloy. Sobrang lakas. Hinawakan ko ang kanyang kamay at hinalikan ito ng buong puso.

"Mahal rin kita, Ninay. Ikaw ang laman ng puso't isipan ko. Salamat at mahal mo rin ako"

"Alam natin yun sa isa't isa" Ngunit di siya makatingin sa akin

"Oo Ninay. Kaya masaya ako dahil mahal mo ko. Ang saya, ang saya-saya ko"

"Pero ---"

"Pero ano?"


Natigilang siya, nagdadalawang isip. Bakit Ninay? Binabawi mo na ba? Wag! Mahal kita. Dinig ng ating puso iyon.




"Parehas mo lang din ako"

"Ano? Parehas? Oo parehas tayo dahil mahal natin ang isa't isa"

Natigilan siya at tumitig ng buong-buo sa akin.







"Bakla ako Tommy. Handa mo ba akong mahalin muli?"


Teka, ano? Totoo ba 'to?



Pasingit! Charaught. Thank you sa'yo. Salamat kasi binasa mo yung mga dagli ko simula umpisa hanggang dulo. 
Meron lang sana akong ire-request before you leave this "DAGLI". Sana mabasa mo rin yung bago kong gawa na "LETTER A-Z", kwento ito tungkol sa mga EX-BOYFRIEND na mayron ang isang babae. So, read the 28 letters from A-Z! God bless. 

At wag mag-aalala dahil mag-a-update pa rin ako ng ibang KONTEMPORARYONG DAGLI! 

DAGLITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon