Dagli 12: Happy Halloween

2.1K 4 2
                                    

Authors note: Please! Pakibasa ito, wag kayong mag-skip. Thank you for the time you've spent reading my dagli! Alam ko na may pagkakataon na habang binabasa mo yung ibang dagli na ginawa ko, nag-ko-comment ka na sa isip mo. Hindi ko lang alam kung nega o posi ba yan. Pero lubos akong nagpapasalamat dahil alam kong narito ka na sa panibagong dagli na gagawin ko. So, sa lahat ng naglagay ng komento, nag-boto o nagbigay papuri kahit sa isip lang nila at sa lahat ng walang pakialam basta makagawa sila ng project nila tungkol sa dagli, MARAMING SALAMAT! Nawa'y lubos akong nakatulong sa inyo.

Anyway, Happy Halloween para bukas. Sa ngayon, Happy All Saints Day muna! 




Inisip kong mabuti kung papayag ba akong tumira sa building na 'to. Una, ang mahal ng bayad sa kada kwarto na kukunin mo. Pangalawa, kapag may TV o kahit anong appliances dagdag isang libo. Pangatlo, nasa 6th floor yung nagpapaupa ng kwarto wala pang elevator, sa kadahilanang sira pa raw at hindi maayos-ayos. Pang-huli, higit sa lahat, parang ang sikip ng dibdib ko sa building na ito. Nakakatakot kasi ang itsura, mukhang luma na talaga kahit napinturahan na. 

Wala naman akong magagawa kung hindi pumayag, kailangan kong makipagsapalaran dito sa Maynila para lang makahanap ng mas magandang trabaho kaysa sa probinsya. Saka na lamang siguro ako hahanap ng malilipatan kapag may-ipon na at kapag alam ko na ang pasikot-sikot dito.

Hindi rin naman nagtagal at nakahanap ako ng trabaho. Bilang kahera sa isang sikat na Mall. Kahit alas-nuwebe ng umaga ang pasok ko, maaga akong nagigising, hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil sa sanay na akong gumising sa amin ng maaga. 

Naging maayos naman ang aking pagtulog, wala naman akong nararamdaman na kakaiba. Siguro, sa kaba ko na baka hindi ako maging maayos dito kaya ako nakakapag-isip ng kung ano-ano.

10pm na ako nakauwi dahil sa napakatagal na traffic. Sobrang nakakapagod. Hindi ako napagod sa trabaho, nai-enjoy ko na naman ang ginagawa ko. Dahil lang talaga sa haba ng biyahe na dapat hindi naman talaga.

Magsisipilyo na sana ako ng biglang may dumaan sa likod ko. Inisip ko agad, nasa kwarto pa ako at hindi pa ako lumalabas para may dumaan sa likod ko. 

Sa ikaanim na palapag, mayroong apat na kwarto, iisa ang banyo ang hugasan at ang labahan. Kaya nakakausap ko sila at nakaka-bonding man lang.

Paglabas ko, ang lamig. Sobrang lamig. Hinayaan ko ulit pero natatakot na ako. Pagpasok ko sa banyo para magsipilyo, nakita ko na may ulo sa bintana. nagkatitigan kami hanggang. Pumikit ako at nagdasal. Lahat ng santo tinawag ko. Nilakasan ko ang loob ko. Pagmulat ko ng mga mata ko wala na siya. Medyo nawala kaba ko kaya nakapagsipilyo na ako.

Hindi nawala ang ganitong senaryo, sa tuwing papasok ako ng banyo kahit alas nuwebe ng gabi naroon siya. Lagi akong pipikit at magdadasal, lahat ng kilala kong santo tatawagin ko na hanggang sa mawala siya.

Kinagabihan, kinakabahan akong buksan muli ang bintana. Hindi ako nagkamali nandoon siya. Nagkatitigan kami ulit. Bago pumasok ng banyo, nagdasal ako. Lahat muli ng kilala kong santo tinawag ko hanggang sa buksan ko ang mga mata ko at "AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!"


Kaharap ko na siya mismo ng walang ulo. 


DAGLITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon