*KNOCK KNOCK*

Naputol ang pagmo-moment ko nang may kumatok sa pinto. Aish! Panira naman! Nag-e-enjoy pa ako sa kung paano ko nailalabas 'yong nararamdaman ko, e!

"SINO 'YAN?!" sigaw ko sa kumakatok sa pintuan. Pero patuloy pa rin siya sa pagkatok at hindi man lang sumagot.

Kaya no choice ako kung hindi ang tumayo mula sa pagkakahiga at buksan ang pintuan.

At halos tumigil sa pagtibok ang puso ko dahil sa pagkabigla. Literal pang nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin sa taong nasa harap ko. Sumalubong sa akin ang walang emosyon niyang mukha, as usual. Lalo na ang walang emosyon niyang mga mata. Ang mga mata niyang kulay abo na kapag nasimulan mo nang titigan, hindi mo na magagawang tigilan dahil para kang nahihipnotismo nito.

Prente lang itong nakatayo sa harap ko habang ang dalawang kamay ay nasa loob ng bulsa niya. Gray polo shirt na fit sa kaniya kaya lumantad ang napakagandang hubog ng katawan niya. Itinerno sa isang black fitted pants. Hindi rin nakaligtas sa paningin ko ang itim niyang sapatos na sa tingin ko'y Vans ang tatak. Kung hindi Vans, low-cut Converse ang madalas niyang suot. May suot na itim na wrist watch. Naka-ponytail ang kaniyang buhok, na hindi na bago sa paningin ko. Kung tutuusin, napakasimple lang ng porma niya. Pero napakagaling kasi niyang magdala ng damit!

In short, may dyosang nakatayo ngayon sa harapan ko habang diretsong nakatingin sa akin.

Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Tumalon ako payakap sa kaniya! 'Yong mga braso ko ay nakayakap sa batok niya, samantalang ang mga binti ko ay nasa bewang niya. Oo na! Mukha na akong tarsier dito, pero wala akong pakialam. Miss na miss ko siya, e! Natuwa naman ako nang maramdaman ko ang mga braso niyang unti-unting yumayakap sa katawan ko.

"Hey, why are you crying?" narinig kong tanong niya. Doon ko lang napagtantong umiiyak na pala ako!

Ang drama ko!

"W-wala, tears of joy lang 'to," sagot ko. Naramdaman kong mas humigpit ang pagkakayakap niya sa akin, kaya ganoon rin ang ginawa ko.

Ibang klase, hindi man lang ba siya nabibigatan sa akin? Parang wala lang sa kaniya na buhat niya ako ngayon.

"I missed you, Nique," mahinang bulong ko habang nahikbi pa rin.

"I missed you too, Ciel," sagot naman niya.

'Yong mga ganitong moments namin, her actions towards me at mga salitang binibitiwan niya. 'Yang mga 'yan ang dahilan kung bakit may sumisibol na pag-asa sa puso ko na baka... gusto niya rin ako.

"Mag-ayos ka, may pupuntahan tayo," dinig ko pang bulong niya kaya napahiwalay ako sa pagkakayakap sa batok niya at tiningnan siya ng may nagtatanong na mga tingin. Pero nginitian niya lang ako. Take note! Nginitian niya ako! Pansin ko na napapadalas na ang pagngiti niya ng ganoon kaganda. Although, may mga oras pa rin na walang emosyon at seryoso ang mukha niya. Sa tingin ko, nasanay na lang talaga siyang ganoon. Ang mahalaga lang naman, nagagawa na niyang ngumiti.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko nang magsimula ng umandar ang kotse niya.

"Basta," tipid na sagot niya.

"Oo nga pala, bakit hindi ka nagpakita o nagparamdam sa akin nitong nakaraang dalawang araw, ha?" masungit na tanong ko.

"Para sa araw na 'to,"

"Bakit ba ang tipid-tipid mo magsalita?!" singhal ko sa kaniya. Alam ko namang likas na rin sa kaniya 'yon pero sa pagkakataong 'to, gusto kong marinig ng paulit-ulit ang boses niya kasi kahit magkasama na kami ngayon, pakiramdam ko hindi pa rin nawawala 'yong pagka-miss ko sa kaniya. Narinig ko naman ang mahinang pagtawa niya. "Anong itinatawa-tawa mo diyan?!" tanong ko rito.

BOOK I: Touch Her and You'll be DeadKde žijí příběhy. Začni objevovat