[ 40 ] Winner and Loser

Start from the beginning
                                    

Napangiti si Jico nang marinig ang mga salitang iyon.

"'Yan ang gusto ko sa 'yo Steffi, matalino ka. Gusto ko lang naman na ingatan mo ang sarili mo at hindi ka dapat mamatay kaagad dahil ako ang magpapagamot sa 'yo. You just have to tell me when you're ready."

"Pag-iisipan ko muna. You won't spill the beans, right? Kahit hindi ka mukhang katiwa-tiwala, ipagkakatiwala ko sa 'yo ang sikreto ko tutal alam mo na din naman."

"Your secret is safe with me, baby. Wala namang mawawala sa 'yo kung papayag ka sa gusto kong mangyari, eh. Ikaw pa nga ang makikinabang dito. Think about it carefully."

"Aalis na ako. Tatawagan na lang kita sa susunod."

Tatayo na sana doon si Steffi pero may ipinahabol pa si Jico.

"Mag-ingat ka dahil baka may iba pang nag-iimbestiga sa 'yo. Ihahatid na kita pabalik."

Matapos magbayad ni Jico ay inihatid siya nito pabalik sa school at madali din itong umalis. Nagulat si Steffi nang makita niya si Kim dahil sigurado siya na nakita sila nito na magkasama ni Jico. Hindi na siya nag-isip pa dahil ayaw niyang kumprontahin pa siya nito at tumakbo na lang siya palayo pero sinundan siya ni Kim.

"Hey, Steffi! Stop right there! Aaaah!" sigaw ni Kim.

Pagkalingon ni Steffi, nakita niya itong nakaupo. Natapilok ito dahil sa suot nitong sapatos na mataas ang takong. Naisip ni Steffi na tulungan na lang itong tumayo pero pinilit nito na tumayo mag-isa.

"Ano ba'ng problema mo? Bakit mo ba kasi ako hinahabol? Natapilok ka tuloy."

"Let's talk. For your information, ngayon lang ako natapilok at dahil 'yon sa 'yo kaya kailangan mong bumawi sa 'kin sa ayaw at sa gusto mo."

"Okay. Tara. Saan mo ba gustong mag-usap?"

"Follow me."

Naisip ni Steffi na sa imbis na takbuhan ang problema ay harapin na lang iyon. Wala rin naman magbabago kung tatakbuhan niya 'yon dahil lalo lang siyang guguluhin noon. Pumunta sila sa lugar kung saan naka-park ang sasakyan ni Kim at pumasok sila sa loob.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. What's your connection with Jico? Bakit kayo magkasama? Are you a spy or what?"

"Walang meron sa 'ming dalawa."

"Liar! I know that something is up. What is it?"

"Alam mo naman palang meron, magtatanong ka pa. Ayoko ngang sabihin sa 'yo."

"Aagawin ko si ZAC kapag hindi mo sinabi."

"Edi agawin mo. Sa 'yong sa 'yo na siya, Kim."

Hindi makapaniwala si Kim sa mga nagiging sagot sa kanya ni Steffi. Parang ganoon lang kadali para kay Steffi ang mga bagay bagay.

"You're not even affected? Magpasalamat ka na lang dahil hindi ko alam. Oo nga pala, siguraduhin mo lang na hindi ka pupunta sa party mamayang gabi o ibubunyag ko sa lahat na may tinatago ka at may hidden agenda kayo ni Jico."

"Wala naman talaga akong planong pumunta. May sasabihin ka pa ba?"

"You're really something, Steffi. Malalaman ko din ang mga tinatago mo. Sige na, pwede ka ng umalis. Wala din naman akong napala sa 'yo."

Asar na asar si Kim. Akala niya pa naman ay magagamit na siya pang-blackmail dito pero magaling magtago si Steffi. Magaling din siyang umiwas sa mga tanong niya.

Mahuhuli din kita, Steffi. Abangan mo lang.

Lumabas si Steffi sa sasakyan ni Kim at umuwi na. Nakita niya si ZAC na nasa labas ng bahay pero parang wala lang siyang nakita at dumire-deretso lang siya sa loob. Agad rin naman siya nitong sinundan.

"May ginawa ba siya sa 'yo?" tanong ni ZAC sa kanya.

"Wala. Wala kang dapat ipag-alala."

"Sigurado ka?"

"Oo. Maiba lang, nanggaling ako sa school para tignan ang resulta ng exam. Nanalo nga pala ako sa pustahan kaya ligpitin mo na ang mga gamit mo at umuwi ka na sa inyo. Kung gusto mong makasiguro na totoo ang sinasabi ko, pwede kang pumunta doon."

"Ayoko."

"Hindi ka pa din talaga nagbabago. Tingin mo maloloko mo ako, ZAC? Oo, nagbago ka sa mga ginagawa mo pero sa—"

"Aalis ako sa isang kondisyon, Steffi."

"Ano 'yon?"

"Magbabakasyon tayo na tayong dalawa lang at hahayaan mo ako na tustusan lahat ng mga kakailanganin mo."

"Payag ako na magbakasyon kasama ka pero 'yong susustentuhan mo ako? Hindi. Ayokong magkaroon ng utang sa 'yo. Kaya kong mabuhay kahit na hindi mo ako tinutulungan."

"Sige. Kung ayaw mo, magtrabaho ka na lang sa shop ni Zavier."

"So it's a deal," nakangiting sagot ni Steffi.

Nagtaka si ZAC kung bakit ngumingiti na naman ito nang dahil lang doon. Pakiramdam niya ay masaya pa ito na mahihiwalay siya sa kanya. Nagtataka rin naman si Steffi kung bakit madali niyang napapayag si ZAC na bumalik sa pamilya nito.

"Okay lang sa 'yo? Bakit ka pumayag?" tanong ni Steffi.

"Kasi 'yon ang gusto mo at pinagbigyan lang kita. Sa susunod, ako naman ang dapat mong pagbigyan sa gusto ko."

"Okay. Sige na, magligpit ka na ng gamit mo para makabalik ka na sa inyo."

Agad na iniligpit ni ZAC ang mga gamit niya at matapos iyon ay umalis na ito. Noong siya na lang mag-isa sa bahay, napahiga siya sa kama. Magaan ang pakiramdam niya ngayon na mag-isa na lang siya doon. Pakiramdam niya kasi ay mas malaya siya sa tuwing wala doon si ZAC.

Masaya din siya dahil nanalo siya sa pustahan nila ni ZAC pero para naman siyang natalo sa mga bagay na nabanggit sa kanya ni Jico.

Siguro ay masyado akong naging kampante at careless kaya nahuli ako.

Napapaisip siya sa alok ni Jico sa kanya. Kung tutuusin, kaaway ni ZAC si Jico kaya gusto siya nitong tulungan. Wala rin namang mawawala pa sa kanya dahil walang wala na siya at siya ang higit na makikinabang sa alok nito na makipagtulungan sa kanya pero naisip niya din ang mga pwedeng gawin ni Jico sa kanya na hindi maganda. Sa ngayon, hindi pa siya nakakapagdesisyon kung makikipagtulungan ba siya kay Jico o hindi.

An Orphan's First Love: Love or Revenge Where stories live. Discover now